ArticlePDF Available

Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng Pandemya

Authors:

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kakayahan ng mga guro na ituro ang iba’t-ibang kasanayan at kagamitan sa pagtutro ng asignaturang Filipino sa panahon ng pandemya. Mga pamaaraan ang lundayan ng sulating ito upang malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral at kung paano magiging susi sa kanilang pag-unlad gayong nahaharap tayo sa pandemya. Masasalamin din dito ang iba’t-ibang lebel ng pag-unawa sa mga salitang nakalimbag sa sulating ito na maaring maging daan upang higit na mas pahalagahan ng mga kabataan o ng mga mag-aaral ang binuong pag-aaral na ito.
1
Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa
Panahon ng Pandemya
Melchor P. Felonia
melchor.felonia@email.lcup.edu.ph
Hulyo 23, 2021
Abstrak: Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kakayahan ng mga guro na ituro
ang iba’t-ibang kasanayan at kagamitan sa pagtutro ng asignaturang Filipino sa panahon ng
pandemya. Mga pamaaraan ang lundayan ng sulating ito upang malinang ang kaalaman ng mga
mag-aaral at kung paano magiging susi sa kanilang pag-unlad gayong nahaharap tayo sa
pandemya. Masasalamin din dito ang iba’t-ibang lebel ng pag-unawa sa mga salitang
nakalimbag sa sulating ito na maaring maging daan upang higit na mas pahalagahan ng mga
kabataan o ng mga mag-aaral ang binuong pag-aaral na ito. Ang pagtuturo ay isang sining
dahil sa pagiging malikhain ng mga guro sa kanyang pagtuturo upang makuha ang interes o
kawilihan ng mga mag-aaral upang matuto lalo na sa panahon ng pandemya. Katulad ng isang
pintor, manlililok o mananayaw, ang guro ay nakapagbabahgi ng kanyang kaalaman batay sa
mga bahagi ng sulating nais na maituro sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng masining na
paraan. Sa sulating ito, masusukat ang kakayahan ng mga guro at mag-aaral upang harapin ang
bagong paraan ng pagtuturo at pagkatuto kung saan ang social media at internet ang
pangunahing lunsaran ng patuloy nilang pagkatuto. Makatutulong ang sulatin ito upang
malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral maging ang mga guro sa pagtuturo ng ibat-ibang
makrong kasanayan, ang panitikan, talasalitaan at pagtataya.
Mga Susing Salita: Blended Learning, pagyakap sa pagbabago, aktibong proseso, makrong
kasanayan, istruktura, istratehiya, kabisaan, pagktuto.
2
1. Panimula
Direktang naapektuhan ng pandemya ng COVID-19 ang buong komunidad lalo na ang
buhay ng ating mga mag-aaral, tauhan, pamilya, at komunidad sa paaralan. Dahil sa epekto ng
pandemya ay napilitang isara ang mga gusali sa paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga
mag-aaral at ng mga guro.
Ang pagtuturo sa panahon ng Blended learning ay isa sa pinakakomplikadong Gawain.
Ito ay nangangailangan ng buong atensyon, malalim na pang-unawa at masusing pag-iisip.
(Gurdiel 2015). Bilang isang guro, pangunahing adhikain nito ang matuto ang kanyang mga
estudyante. Tungkulin nito na maipahayag ng mabuti ang buong kaalaman na ituturo sa mga
mag-aaral kaya naman malaking tulong ang pamamaraan ng pagtuturo bilang tulay upang
maunawaan ng lubos ng mga mag-aaral ang nais ibahaging impormasyon nito.
Upang maging epektibo ang estratehiya at kagamitang pampagtuturo sa panahon ng
Pandemya, may mga dapat itong bigyang pansin. Ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa
pagpili ng gagamiting pamamaraan ng pagtuturo sa mga estudyante. Kapag nabigyan ng
kaukulang atensyon ay mapapadali at mapapagaan ang proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral
at maaaring maging tulay upang mas maging mabisa ang estratehiya sa ginagamit ng isang guro.
Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay
magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021).
Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin
nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto
ng mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng
pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay
isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa
3
mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga
magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014).
Laging itinuturo sa mga guro na yakapin ang pagbabago (Santiago 2020). At habang
yakap-yakap ang pagbabagong ito, hindi naman nagbabago ang mga benepisyo at karanasang
sadlak habang nagtuturo.
2. Ang Pagtuturo ng Pakikinig
Ang pakikinig ay kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating
kausap (Yagang 1993). Napakahalagang bahagi nito sa ating buhay. Sa pamamagitan ng
pakikinig ay natutuklasan nating makabuluhan ang bawat tunog o salitang ating naririnig lalo’t
ang mga ito’y naging bahagi ng pang-araw araw nating gawain.
Ang pakikinig ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
pandinig at pag-iisip. Aktibo ito sapagkat nagbibigay-daan ito sa isang tao upang pag-isipan,
tandaan at suriin ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan. (Arogante
et. Al, 2001).
Sa panahon ng Pandemya, napakahalaga ng pakikinig lalo na sa mga mag-aaral na
nahaharap sa Digital-online Class upang magtuloy-tuloy ang kanilang kasanayan sa pagkatututo.
Sa pamamagitan nito ay mas mabilis nilang mauunawaan ang itinuturo ng kanilang mga guro
kahit sila ay nasa loob lamang ng tahanan na nag-aaral. Hindi mauunawaan ang isang aralin kung
hindi mo ito pakikinggan at uunawain.
Sa Makrong kasanayan sa komunikasyon, ang pakikinig ang isa sa pinakamahirap
marating. Bibihira ang mayroong kakayahan na makinig ng aktibo. Dapat sabihin sa mga mag-
4
aaral na ang pakikinig ay yaman. Ang kasanayang ito ang magdadala sa kanila sa maraming
kaalaman at magbibigay sa kanila ng respeto (Santiago 2020).
Sa Online Platform, maraming sagabal na maaaring makaapekto sa pagkatuto at
pakikinig mga mga mag-aaral gaya ng hindi dapat sabay-sabay nagsasalita sa online class, ingay
sa loob ng tahanan na likha ng miyembro ng pamilya, ingay na likha ng labas at marami pang
iba. Isa sa mga natutuhan ng mga guro sa ganitong klase ng sistema ay ang hindi paghihitay sa
tugon mga mag-aaral batay sa kanyang itinuturo. Hindi masasabi kung sila ba talaga ay nakikinig
o may nauunawaan sa aralin. Tinututing na ang katahimikan bilang kahulugan sa pag-intindi sa
paksa. Handa ang mga mag-aaral na magtanong at maglinaw sa paksa kung bibigyan sila ng
panahon. Naghihintay lamang ang bawat isa sa tamang oras at pagkakataon.
Isa rin sa paraan upang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa unang makrong
kasanayan ay ang kanilang pakikinig sa mga radio, telebisyon at iba pang social media. Sa
ganoong paraan ay malilinang ang kanilang pagkatuto sa pakikinig at sa kabilang banda ay may
matutuhan sila sa pamamagitan ng pakikinig.
3. Ang Pagtuturo ng Pagsasalita
Ang pagsasalita ang pinakamagiting sa pagpapahyag ng wika. Halos lahat ng bata ay may
taglay nang katatasan sa pagsasalita bago pa man sila pumasok sa paaralan (Badayos 2008).
Dahil sa ganitong kalagayan, inaakala ng maraming guro na hindi na dapat bigyan-pansin ang
paglinang ng kasanayang ito sa mga paaralan lalo na sa panahon ng pandemya. Ngunit may mga
pag-aaral na nagsasabing malaki ang kapakinabangang matatamo ng mga mag-aaral sa kanilang
mga pakikilahok sa mga Gawain sa pagsasalita maging ito man ay pormal o di-pormal.
5
Ayon kay Caizen, 1986, ang pasalitang wika ay ay mahalagang sangkap sa pagkatuto.
Kadalasang ikinukwentong muli nang pasalita ng mga bata sa kapwa bata ang pakikipag-usap
habang may binabalak silang mga kolaboratib na proyekto. Sa panahon na tayo ay nahaharap sa
pandemya, magiging mabisa ang pagsasalita dipende sa kung sino ang mga kasangkot dito. Mga
magulang, guro at ang komunidad ang maaaring kasangkot upang mahubog ang pagsasalita ng
isang bata upang maging epektibo ang pakikipagkomunikasyon nito.
Ang pagsasalita ang pangalawa sa makrong kasanayan na dapat linangin. Ayon kay
Evangelista 2012, kailangan may sapat na kasanayan sa pag-iisip sa panahong ito. Una, may mga
sitwasyon kasing kinakalilangan ng presence of mind. Ikalawa, kailangan may sapat na
kasanayan sa paggamit ng kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, kumpas at iba pang
anyong di-berbal. Ikatlo, kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag ng iba’t-
ibang genre ng tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.
Makatutulong sa pagpapasya ng mga guro sa sitwasyong nabanggit ang kabatiran ng
pagtuturo ng pagsasalita sa mga mag-aaral (Evangelista 2019).
Pagpapakilala- mga Gawain sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat na
maglalantad sa klase (online class) sa wikang pag-aaralan.
Paggamit- mga gawaing magbibigay ng pagkakataon sa klase na gamitin ang wika.
Demonstrasyon- mga pagkakataon sa pagmomodelo ng guro ng paggamit ng wika.
Responsibilidad- pakikilahok ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto.
Ekspektasyon- pagkabatid ng inaasahang matututuhan.
May mga layunin sa pagtuturo ng pagsasalita na dapat pa rin gamitin sa panahon ng
pandemya. Nakatala sa PELC at PSSLC ang mga layunin sa pagtuturo ng pagsasalita sa
paaralang elementarya at sekundarya. Mapapansin ang mga layuning inilahad sa paglinang ng
6
mga kasanayan sa pagsasalita ay mas higit na nakapokus sa tungkuling interaksyunal ng
pagsasalita kaysa sa tungkuling transaksyunal (Badayos 2008).
Mga tungkuling Interaksyunal
Kasanayan
Lawak
1. Nakagagawa at nakatatanggap
ng tawag sa telepono.
Magagalang na pananalita
Pagbubukas at pagsasara ng
angkop na usapan
2. Naisasagawa ang maayos na
pakikipag-usap sa iba’t-ibang
konteksto sosyal.
Pagpapalita ng pagbati
Pagpapakilala
Pagpapaalam
Paghingi ng paumanhin
Pakikiramay
Pag-imbita, pagtanggap,
pagtanggi
Pakiusap at pagbibigay ng
tulong
Pagbibigay ng mungkahi
Pagsasagawa ng panayam
Pagbubukas ng usapan
3. Naipahahayag ang damdamin o
niloloob at nakapagbibigay ng
saloobin o opinyon
Pag-ugugnay ng personal na
paniniwala, sariling karanasan
Pagpapahayag sa tulong ng
tono, diin, haba, hinto/antala.
Pagpapahayag ng sariling
damdamin gaya ng pagkagalit,
pagkasiya
Pagpapahayag ng paghanga
Pagbibigay ng payo
Pagpapahayag ng opagsang-
ayon o pagsalungat
Pagbibigay ng sariling
paninindigan.
Mga tungkuling transaksyunal
Kasanayan
Lawak
1. Nakapaghahatid ng mensahe
Sa mga pasalitang ulat
May kawastuhan
May katiyakan
May plano
7
2. Nakasusunod at
nakapagbibigay ng mga
panuto at direksyon
Nang sunod-sunod
Paggamit ng mga pangatnig
Pagsunud-sunod ng mga
hakbang/proseso
Pagsasagawa ng isang bagay
Pagbibigay ng tagubilin
3. Nakapagtatanong nang may
iba’t-ibang layunin
Nakalilikom ng mga datos/
impormasyon
Paglilinaw
Paghahambingpagbibigay ng
iba’t-ibang antas ng pagtatanong
4. Nakapagbibigay ng
mapanghahawakang
impormasyon bilang tugon sa
isang pagtatanong.
Pagtukoy
Paglalarawan
Pagpapaliwanag
Pagsang-ayon/ pagsalungat
Sa apat na makrong kasanayang nililinang sa pagtuturo ng wika, ang kasanayan sa
pagsasalita ay higit na nakakaapekto sa personalidad ng mga-aaral. Ang mga mag-aaral na
may tiwala sa sarili at nakararanas na ng kasiyahan sa pagsasalita ang siyang may mataas na
motibasyon at handing makipagsapalaran sa pagsasalita. Kaya’t kinakailangan ng guro na:
A. Maging sensitibo, maunawain at mapangganyak. Kailangan ding palaging pinupuri
ang mga mag-aaral.
B. Pumili ng mga tekstong makagaganyak at makapupukaw sa kawilihan ng mga mag-
aaral. Ang mga kagamitang panturo ay kailangang angkop sa edad, interes,
karanasan at kaalaman ng mga mag-aaral. Kailangang may kaugnayan din ang mga
kagamitang panturo sa sariling interes at buhay ng mga bata.
Ang mga mag-aaral na walang naririnig na sinasalitang Filipino maliban doon sa
napapakinggan niya ayaasa na lamang sa guro bilang modelo sa pagsaslaita (Badayos 2008).
Dahil sa ganitong kalagayan, kailangang sikapin ng guro na ang tamang Filipino ang dapat
marinig ng mga mag-aaral lalo na’t ang guro ay hindi tagapagsalita. Hindi kailanganang maging
mabagal sa pagsasalita kung magiging modelo ang guro.
8
4. Ang Pagtuturo ng Pagbasa
Sinabi ni Goodman (1967), na ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game na
kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong
binabasa. Kay Goodman, ang gawaing ito ng pagbibigay kahulugan ay isang patuloy na
prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghuhula, pagtataya, pagpapatunay,
pagrerebisa, ibayo pang pagpapakahulugan. Sa ganitonh pagpapakahulugan, hindi na kailangan
pang basahing lahat ang teksto upang maunawaan ito, lalo na kung higit na magaling ang
tagabasa sa paghula o pagbigay ng haka. Kaya nga, ang isang tagabasa na magaling sa
pagbibigay ng tamanbg prediksyon, ay nakababasa nang higit na mabilis kaysa sa iba dahil hindi
niya kailangang basahin nang isa-isa ang bawat salita sa teksto.
Isa sa pinakamahalagang papel ng guro sa Online Distance Learning ang maging
tagadisenyo o tagaplano ng paksang ituturo. Ayon kina Bordeau at Bates (1996), ang sinumang
tagadisenyo ay nararapat na mapagtantong ang ODL ay isang “anyong nangangailangan ng
disenyo, produksyon ay distribusyon ng mga programang partikular na nakagiya sa layuning
pampagkatuto sa distance education at tumutugon sa mga espesyal na pangangailangan at
kahingian ng mga indibidwal na programa. Nangangailangan din ito ng maayos na sistema ng
pamamahala at pagtataya na maingat na inihahanda upang umagapay sa reyalidad ng pag-aaral
labas sa harapang modelo ng pagkatuto.
Mas malaki ang suporta na ibinibigay ng pamilya para sa pag-aaral ng kanilang anak at sa
pag-unlad ng kanilang edukasyon, mas malamang ang kanilang mga anak ay magiging mabuti sa
paaralan at magtutuloy ng kanilang edukasyon (Henderson 2002). Sa panahon ng pandemya,
malaki ang responsibilidad ng magulang upang lumaking mahusay na mambabasa na may
matatag na kasanayan sa pagsulat ang kanilang mga anak. At anong pagkakaiba nito ang
9
maidudulot nito kapag ang kanilang mga anak ay papasok nang muli sa paaralan. Hindi
kailangan ng maraming espesyal na kasanayan upang matulungan ang mga anak na matuto
magbasa. Sa paggugol lamang ng oras sa kanilang mga anak sa paggawa ng pang-araw-araw na
Gawain ay gumagawa ng malaking pagkakaiba sa mundo.
Ang pinakamabuting panahon para matutong bumasa ang mga bata ay habang sila ay
nasa murang edad. Ito ay kung kailan sila nagsisimulang bumuo ng mga positibong ugali at mga
pangunahing mga kasanayan. Ang pagbabasa sa mga bata at pakikipag-usap sa kanila tungkol sa
kanilang mga ideya (kahit na ang mga ideyang iyon ay walang katuturan para sa iyo kaagad) ay
nakakatulong sa mga bata na maabot ang mas malalim na kaalaman. Kung ikaw at ang iyong
anak ay mas kumportable sa isang wika maliban sa English, pakigamit ito. Pagbabasa at
pakikipag-usap sa iyong anak sa wika ninyo sa bahay ay kapaki-pakinabang. Ang pag-aaral
bumasa ay kinabibilangan ng ilang mga yugto na sa huli ay magdudulot ng matatas na
pagbabasa.
Ayon kay Coady (1979), ang kakayahang pangkaisipan ay ang panlahat na kakayahang
intelektwal ng isang tagabasa. Ang mga istratehiya sa pagpoproseso ng impormasyon ay iyong
may kinalaman sa paggising ng mga impormasyong nasa isipan ng tagabasa gaya ng kaalamang
semantika (impormasyon tungkol sa daigdig, halimbawa, mga konsepto, ideya, karanasan, atbp.)
kaalamang sintaktika (impormasyon tungkol sa wika, halimbawa, ang pagbubuo ng pangungusap
at mga batayang hulwaran) at kaalaman sa ugnayang graphophonic (halimbawa: pormasyon ng
pantig, pagbaybay, atbp.) ang dating kaalaman ay binubuo ng lahat ng karanasan at
impormasyong nasa isipan ng tagabasa na maaaring gamitin bilang pantulong kung sakaling may
kahinaan ang tagabasa sa kaalamang sintaktik.
10
Sa regular na pagsasanay, ang mga bata ay umuunlad sa matatas na pagbasa. Sa parehong
oras, natututo rin silang mag-isip ng mas malalim tungkol sa mga kwento o impormasyong
kanilang nababasa. Sa yugtong ito, ang mga mag-aaral ay:
Naiaakma ang kanyang pagbabasa sa iba’t ibang uri ng mga babasahin, nakakakilala
ng maraming mga salita, marunong magbigay ng kahulugan sa mga salita at nais na
subukang magbasa ng mga bagong bagay
Magsusulat ng mga simpleng pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng tunay na
mga letra, mga puwang sa gitna ng mga salita at ilang bantas • Naaaliw sa pagsusulat
at nagpapakita ng interes sa pagsusulat sa iba’t ibang paraan – halimbawa, sumusulat
ng mga listahan ng grocery, maikling mga email o text messages
Nagsisimulang magkaroon ng kamalayan na ang media ay ginagamit sa iba’t ibang
layunin halimbawa, para magturo, para maglahad ng mensahe o para magbenta ng
isang bagay
Mas higit ang iyong pagbabasa, masa maraming bagay ang iyong malalaman. Mas higit
ang iyong pinag-aralan, mas maraming mga lugar ang iyong mararating (Seuss, 1978).
5. Ang Pagtuturo ng Pagsulat
Para sa isang manunulat, kinakailangang mahusay sa pag-oorganisa sa mga detalye ng
nais na susulatin dahil sa mga isinusulat masasalamin ang isang kakayahan, kasanayan at
kahusayan sa pagpapahayag ng damdamin. Ito ang nagbibigay ng malaking pangangailangan
upang ang mga mag-aaral ay matutong sumulat sa paraang malinaw, makabuluhan, kawili-wili,
realistiko at nababatay sa katotohanan (Barrientes, 2018)
11
Sa panahon ng pandemya, ang kritikal na karunungang sumulat ay isang pagsasanay ng
pagsusuri at pagtatalakay ng nakapaloob na mga mensahe sa mga nakalimbag na ideya upang
maunawaan ang mundong kanilang tinitiran. Ang mga bata ay nagsasanay ng mga kasanayan sa
kritikal na karunungang sumulat kapag iniisip nila ang tungkol sa mga layunin para sa pagsusulat
at pinag-uusapan kung paano kumakatawan ang mga teksto na kinabibilangan ng mga aklat,
website, mga magasin, paskil at iba pa ay kumakatawan sa mga iba’t-ibang punto ng pananaw,
mga paniniwala at mga perspektibo.
Upang malinang ang kasanayan sa pagsulat, kailangan nating harapin ang mga hamon
nito. Ito ang pangunahing ideya sa artikulong Tackling the Fear of Writing ni Cabigao (2020) na
tumatalakay sa kahalagahan ng pagsulat at kung paano huhusay sa larangang ito. Aniya, hindi
pa kailanman huli ang lahat para maging mahusay sa pagsulat. Kailangan lamang aniya na
simulan ang pagsasanay at huwag kailanman matakot magkamali sapagkat mula rito
magsisimula ang pagkatuto.
May isang kasabihan sa Ingles na “You cannot give what you don’t have.” [Hindi ka
makapagbibigay ng mga bagay na wala ka.] Gayundin naman, sa pagtuturo ng pagsulat,
mahalaga na maalam ang guro sa umiiral na alituntunin sa pagsulat o ang tinatawag na
ortograpiya. Sa isang pag-aaral hinggil sa 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino (Cabigao,
2012), iminumungkahi sa mga guro na magkaroon ng bukas na isipan sa patuloy na pagbabago
ng wika lalo’t higit ang Filipino bilang ating wikang Pambansa. Makatutulong aniya ito upang
makasabay sa hinihinging pangangailangan ng panahon. Ang kaisipang nabanggit ay masasabing
katanggap-tanggap pa rin maging sa kasalukuyan na ipinaiiral na ang bagong alituntunin sa
pagsulat alinsunod sa 2013 Ortograpiyang Pambansa.
12
Sa Elementarya, inaasahang malilinang sa mga mag-aaral ang panimula ng kasanayan sa
pagsulat ng titik, pagsulat ng kabit-kabit at may wastong bantas, paggawa ng mga patalastas,
anunsyo, poster, liham at babala, pagsulat ng maikling komposisyon, paglikha ng mga sulating
pampahayagan at pagbuo ng iskrip, paglalarawan, talumpati at editoryal.
Sa Sekundarya, inaasahang malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na gumamit ng
pamaraang paretorika sa malikhaing pagsulat ng paglalahad, pagsasalaysay, pagpapaliwanag at
panghihikayat. Inaasahan ding magagamit nila ang mga batayang kaalamang teknikal sa pagsulat
ng mga liham pangangalakal, reaksyong papel, bibliyograpi, rebyu at mga talang pananaliksik.
Kahit tayo ay nahaharap sa panahong pinakamirap upang malinang ang mga makrong
kasanayan lalo na ang pagsulat, dapat pa rin nating isaalang-alang ang mga paraan at istratehiya
ng pagsulat upang magkaroon ng magandang kinalabasan ang pagsulat ng mga mag-aaral. Sa
mga unang yugto ng pagtuturo ng pagsulat, tinuturuan ang mga mag-aaral sa pagsulat ng mga
titik na halos kasabay ng pagkatuto nila ng pag-uugnay ng tunog sa nakasulat na simbolo nito.
Isinasaalang-alang sa panimulang pagsulat ang:
Kakayahang saykomotor ng mga mag-aaral- paggamit ng malaking lapis sa pagsulat.
Kawalan ng batayang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat- pagtuturo ng agwat sa
pagitan ng mga titik, sukat ng mga bahagi ng letra, direksyon ng lapis sa pagsulat.
Pangangailangan sa pagpapanatili ng pagsasanay sa pagsulat- pagpapasipi, pagsagot
ng puzzle at pagduduktong ng mga tuldok-linya.
Sa mga mag-aaral na nagsisimulang matuto ng pagsulat, isinusulat ang kontroladong
komposisyon. Angkop ang pamamaraang ito sa mga mag-aaral na limitado pa ang
talasalitaan at kaalaman sa wika. Nakatutulong ang kontroladong komposisyon upang
13
makadama ng pananagumpay ang mga mag-aaral sa panimulang pagsulat ng
komposisyon. Kabilang sa mga teknik na maaaring gawin ay:
- Pagpupuno sa puwang ng mga pangungusap
- Pagsagot sa mga patnubay na tanong
- Pagsunod sa nakahandang balangkas
- Padiktang pagsulat
Maraming pagkakataon na nagkakaroon ng sularanin ang mga guro sa pagbabalangkas ng
mga paksang gagamitin upang hubugin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa malikhaing pagsulat
sa bawat markahan. Sa pamamagitan ng mga pantulong na kagamitang pampagtuturo tulad ng
sanayang aklat sa malikhaing pagsulat, tiyak na matutulungan ang mga mag-aaral sa paghubog
sa kanilang kakayahang makasulat ng mga epektibo at komprehensibong mga sulatin, gayundin
ang mga guro sa pagbabalangkas ng aralin, istratehiya at ng mga pamantayan sa pagmamarka ng
anumang sulatin.
Sa kinalabasan ng isang kilos-pananaliksik na isinagawa sa mga mag-aaral sa Baitang 7,
inihayag ng mananaliksik na sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat, mahalaga ang pagkakaroon
ng mga gawaing pampagkatuto na angkop sa lebel ng mga mag-aaral upang mapaunlad ang
natatanging kasanayan ng bawat mag-aaral. Gayundin, iminumungkahi ang agarang pagbibigay-
lunas sa mga suliranin ng mag-aaral sa pagsulat sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan
nang ito ay matiyak na mabisa (Cabigao, 2012). Sa pagmamarka naman ng mga output na
sulatin, mahalaga na gumamit ng isang kagamitang pampagtataya na valid at reliable upang
lubos na masukat ang kahusayan ng mga mag-aaral at magabayan pa sila sa lalong
pagpapakahusay sa kasanayang ito (Cabigao 2021).
14
Sa pagbabatid sa tunay na kahalagahan ng pagsulat sa buhay ng tao, at sa pagnanais na
malinang at mabigyang daan ang pagpapaunlad ng husto sa kasanayang kailangan, na
pangunahing motibasyon ng mananaliksik sa pag-aaral na ito.
6. Ang Pagtuturo ng Talasalitaan
Ang mga salita na itinuturing na pinakadiwa ng isang wika ay ang kabuuang talasalitaan
ng wikang ito. Ayon sa mga Anglox-Saxon, ang talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na
dapat angkinin at mahagahanin. Gumagamit tayo ng mga salita sa pagpapahayag n gating naiisip
at nadarama. At dapat isaisip na mahalaga ang wastong paggamit ng mga salita sa ating pang-
araw-araw na pakikipagtalasatasan. Ngunit dapat din nating mabatid na ang ganap na
kawastuhan at kaliwanagan ng isang mensahe ay nakabatay sa mga salitang pinipili. Ang mga
salita bilang pinakamahalagang sangkap ng wika ay mauuri natin sa dalawang pangkat: mga
salitang pangnilalaman (content words) at mga salitang pangkayarian (function words). Ito ang
pangunahing ideya ayon sa aklat ni Paquito Badayos (2008) na Metodolohiya sa Pagtuturo at
pagkatuto ng Filipino, Mga Teorya, Simulain, at Istratehiya.
Sa Filipino bilang isang pangwikang asignatura, inaasahang magkakaroon ang mga mag-
aaral ng kakayahang gamitin at palaganapin ang wikang Filipino sa paggamit ng mga
bokabularyo o talasalitaan. Isa sa pinakamahirap na hamon na hinaharap ng mga guro sa wika ay
ang kakulangan ng mga mag-aaral ng kasanayan sa bokabularyo na siyang may malaking
impluwensya sa pagbabasa nang may pag-unawa. Binaggit ni Riankamol (2008) na makikita
mula sa pag-aaral ni Ginowsky (2002) na kinumpirma ng maraming mananaliksik ang
kahalagahan ng bokabularyo upang maintindihan ng isang bata ang kanyang binabasa, sa
15
makatuwid sa kanyang pag-aaral. Sa pagkakaroon din ng limitadong bokabularyo, hindi
nakakapagpahayag ang bata ng kanyang saloobin at nahihirapan siyang makipag-ugnayan sa iba.
Sa panahon na tayo ay nahaharap sa pandemya, maraming pagkakataon sa ating pang-
araw-araw na pakikipag-ugnayan ang nangangailangan ng paghahanap ng bagong mga salita.
Ang mga salitang inaakala ng guro na bago sa mga mag-aaral ay binibigyan niya ng kaukulang
paglilinaw at pagpapakahulugan. Isang hamon sa mga mag-aaral ang pagbuo ng mga
bokabularyo sa pagbabasa ng mga nakalimbag na talasalitaan sa module na ginagamit ngayon sa
Distance Learning.
Ayon kay Johari (2008), ang mga mag-aaral ay dapat maintindihan hindi lang ang
indibidwal na salita ngunit ang mga kombinasyon nito o talaan na may dala na magandang
kahulugan para sa mambabasa; kaya pagpapalawak ng talasalitaan ng mga mag-aaral ay isang
paraang pagbawas ng pangangailangan ng pagkonsulta sa diksyunaryo. Ayon kay Shu Ying
(2001, binaggit ni Tizon, 2009), pagkuha ng kahulugan sa pamamagitan ng kontekstong
pagpahiwating (context clues) ay isang epektibong paraan sa pagpapalawak bokabularyo o
talasalitaan at pag-uunawa sa pagbabasa. Pinaniniwalaan na mas madaling matutunan ng
mga mag-aaral ang mga salita kung tinuturuan sila ng mga salitang mas makikita sa teksto
o material na ginagamit nila (Tizon, 2009). Napakamabuting paraan ng pagkakatuto ng wika
ay sa pamamagitan ngpagkakatuto ng mga salita. Kaya, ayon sa mga pananaliksik ni
Zhilong (2000), ni Folse (2008), ni Johari (2008) at ni Tizon (2009), upang matutunan ng mga
mag-aaral ang mga salita, dapat higit na bigyan ng atensyon ang kontekstuwal na
paraan kaysa ng di-kontekstuwal na paraan dahil sa paraang ito, mas maiitindihan ng
mga mag-aaral ang mga salita, kahulugan nito, at ang tamang paggamit ng salitang ito. Sa
16
gayun, magagamit ng mga mag-aaral ang itong mga salita sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan.
Kung mapapabuti ng isang tao ang kanyang bokabularyo sa isang wika, pinapabuti rin
niya ang kaniyang kakayahang pangkomunikasyon (Tizon, 2009). Sa madaling salita,
naapektuhan ang komunikasyon at wika dahil sa kakayahan ng bokabularyo ng isang tao kaya
dapat ito pagpayamanin upang magkaroon ng may kabuluhan na komunikasyon. Dapat
ginagawang layunin ng mga guro ang paggamit ng mga salita ng mga mag-aaral sa silid-aralan at
labas nito. Dapat bigyan ng pansin at oras ang bokabularyo dahil kailangan ng mga mag-aaral
ang mas maraming oportunidad upang matututo at magagamit ang mga salitang ito. Dapat
binibigyan ng pansin ang tamang paraan sa paggamit ng salita, hindi lang ang simpleng fill-in the
blank na paraan. Nakakatulong ang lahat na ito sa pagpapabuti sa mas sistematiko at epektibong
paraan napagkakatuto ng bokabularyo (Courtright & Wesolck, 2001 binanggit ni Tizon, 2009).
Dahil sa panahon na tayo ay nahaharap sa blended learning, mahalagang maituro ng mga
guro ng maayos at maipaliwanag ang bawat talasalitaang naklimbag sa mga aklat o modyul nang
sa ganon ay higit na maunaawaan ang ibig sabihin ng mga ito. Maaaring gumamit ang mga guro
ng iba’t-ibang aplikasyon o istratehiyang pang-medya upang maghawan ng balakid. Paraan ito
upang makuha ang interes ng mga mag-aaral na alamin ang mga bokabularyo o talasalitaang
nakapaloob sa tekstong kanilang pinag-aaralan.
7. Ang Pagtuturo ng Panitikan
Ayon kay Azarias (2018), ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao
hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, sa pamahalaan, at sa
kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha. Ang panatikan ay isang buhay sapagkat ito ay
17
repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan.
Pinakikilos ng panitikan ang ating mga isip at binibigyang pintig nito ang ating puso. Umusbong
ang panitikan kasabay ng panahon at kasaysayan dahil na rin sa matinding pangangailangan ng
tao. Dahil sa panitikan, higit nating nakilala ang ating lahing pinagmulan, ang mga karanasan,
saloobin at kaisipang humuhubog sa ating pagkatao. Sa madaling salita, ang panitkan ay
maituturing na “kahapon” ng ating bansa. Sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan
mababasa rin natin ang “ngayon” at ang “bukas” na naglalaman ng mga batayan ng kalinangan at
identidad nating mga Pilipino.
Sa panahon ng pandemya, dapat mas higit na maunawaan ng mga kabataan lalo na ng
mga mag-aaral kung ano ba ang panitikan. Sapagkat ang mga pangyayari sa panahon natin
ngayon ay bahagi na ng ating panitikan. Mas mauunawaan nilang mabuti ito sa pamamagitan
nang kung paano ipakikilala ng mga guro ang panitakan sa mga estudyante. Ayon kay Salazar
(2000), ang panitikan gaya ng wika ay hindi lamang lundayan at tagapagpahalaga ng ating
kultura kundi ito ay kuhanan-impukan ng alinmang kultura.
Malaki ang maitutulong ng teknolihiya sa pagtuturo ng panitikan sa panahong tayo ay
nahaharap sa Blended Learning, malaki ang ginagampanan ng teknolohiya sa paghabi ng kultura,
lalo na sa mga kabataan. Ayon kay Guinto (2010), ang kulturang popular ay nakabatay sa
pagdisimina ng iba’t-ibang bagay gamit ang isang midyum. Hindi natin maikakaila na ang
Internet ay isang penomena na naging kaakibat ng isang makabagong kultura. Hindi siguro
akalain ni Tim Burners Lee kung gaano kalaki ang kanyang magiging kontribusyon sa
pandaigdigang lipunan noong naimbento niya ang World Wide Web. Sa bawat henerasyon ng
makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa pamumuhay ng tao sa
pang-araw-araw. Hindi maipagkakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa sa naging
18
produkto ng makabagong panahon dahil napapabilis nito ang komunikasyon. Gayundin sa
panitikan, mas mapapadali ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung bubuksan nila ang kanilang
isip na pasukin at matutunan ang panitikan sa iba’t-ibang larangan lalo na ng social media.
Upang magkaroon ng direksyon ang pagtruturo ng pagpapahalaga sa panitikan, binanggit
ni Alcantara (1987) ang sumusunod na mga tagubilin o patnubay.
1. Dapat tanggaping lahat ang sagot ng mga mag-aaral sa tanong ng guro. Hindi siya
dapat naghuhusga na ginagamit ang pamantayang galing sa sarili.
2. Hinihikayat niya ang pagbibigay ng iba’t-ibang sagot sapagkat batid niyang walang
lubos na tama o maling sagot sa tanong na pagpapahalaga.
3. Ginagalang niya ang karapatan ng mga mag-aaral kung nais nilang lumahok o hindi
sa talakayan.
4. Ginagalang niya ang bawat sagot ng mga mag-aaral
5. Ginaganyank niya ang bawat mag-aaral na sumagot nang may karapatan.
6. Nakikinig o nagtatanong siya upang malinawan ang nais na mabatid ng mga mag-
aaral
7. Iniiwasan niya ang pagtatanong na magbibigay ng pagkabahala sa mga mag-aaral: at
8. Nagtatganong siya nang may pagmamalasakit sa kalooban ng mga mag-aaral.
Katotohanang hindi mapag-aalinlangan na wala sa pagbabasa ng tunay na panitikan”
ang hilig ng mga mag-aaral, lalo na kung ang panitikang Filipino ang pag-uusapan. Kung
nagbabasa man sila ay sapagkat ipinababasa sa kanila ng guro. Ang kawalan ng hilig o kusa ng
mga mag-aaral sa panitikang Filipino ay maaaring nag-uugat sa matagal na pagkakatanikala sa
katawan at isip ng pagkaalipin bunga man ng kolonyalismo na hatid ng mga kastila o ng
imperyalismong Amerikano. Bukod sa epekto ng kaisipang kolonyal, may malaking bagay na
19
nagagawa ang paraan ng pag-aaral at pagtuturo ng panitikan sa ating paaralan. Hinayaan nating
magdaos ng paligsahan ang mga mag-aaral sa pagsasaulo ng nilalaman ng panitikan. Naging
maluwang tayo sa pagsasabi ng “magaling” sa sinumang makasagot ng mga tanong na ang
simula ay Sino, Alin, Kailan, at iba pa tungkol sa itinakdang aralin sa panitikan.
Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat ditto maisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan
ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang
kinabibilangan at pinapangarap Arrogante (1993).
Isanib ang panitikan sa ibang aralin sa kurikulum. Mahirap hatiin ang makabuluhang
karanasan ng tao kaya’t hindi rin dapat hatiin ang programa ng aralin sa ating kurikulum sa isang
takdang panahon sa pagtuturo ng panitikan. Tandaan natin na may iba’t-ibang paraan ng pag-
unawa sa isang kwento at ang mga ito’t hindi maipapahayag na lahat sa tuluyang paglalarawan
(descriptive prose). Ang tunay na pagtaya kung nauunawaan ng mga mag-aaral ang akdang
binasa o narinig ay sa pamamagitan ng isang masining o malikhaing paglalahad. Sa
pamamagitan ng pagsasadula, matataya kung nauunawaan ng mag-aaral ang iba’t-ibang tauhan
sa akda, ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, tono, at iba pa. kung makabubuo naman
ng isang larawang-guhit ng tauhan o tagpuan, masasabing nagawang maikintal sa isipan ng mga
mag-aaral ang diwa ng akda.
8. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino
Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga
mag-aaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong
COVID-19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na nakaaapekto
sa pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng
20
(a) pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery
modalities, at (c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang
DepEd Vision-Mission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tahanan-Pamayanan, at
ang ugnayan ng tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning. Kung maayos
ang ugnayan ng mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang sentro sa proseso
ng pagtuturo at pagkatuto, ay lubos na matututo at makikinabang nang husto.
Bawat guro ay may iba’t-ibang paraan ng pagtataya na angkop sa sitwasyon. Kakayahan
ng mga mag-aaral, uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo. Ang pagtataya ay
mahalagang bahagi ng pagtuturo dahil ito ang magiging batayan sa pagkakamit ng itinakdang
layunin ng pag-aaral. Kailangan ito upang masukat ang antas ng kaalaman at kasanayang
natutuhan ng mga mag-aaral sa isang aralin o gawain. Nakatutulong ito upang kilatisin ng bawat
mag-aaral ang sariling kalakasan at kahinaan na magiging pundasyon nila upang higit pang
mapaghusay dating kaalaman at palakasin ang karunungan at gawaing kinakitaan ng kahinaan
(Aleta 2017). Kapwa mahalaga ito sa guro at mag-aaral dahil ito ay isa mga pamantayan na
titiyak sa pagiging epektibo ng proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Ang mahusay na pagtataya ay
humihikyat sa aktibong pagkatuto malikhain at mapanuring pag-iisip, pagkilala sa sarili at
pagkakaroon ng mulat na kamalayan sa nangyayari sa kanyang lipunan.
May tatlong anyo ng pagtataya- ang diagnostic, formative, at summative. Ang
pagtatayang diagnostic ang tumutulong sa mag-aaral upang sukatin ang kaalaman at kasanayang
nakatanim na isip, linawin mga maling konsepto at tukuyin ang kalakasan at kahinaan sa isang
partikular na kaisipan at kasanayan. Maibibilang sa ganitong mga pagtataya ang paunang
pagsusulit(pre-test), pagsusuri sa sarili (self assessment), at pakikipanayam (interview). Ang
pagtatayang formative naman ay nagaganap habang isinasagawa ang proseso ng pagtuturo at
21
pagkatuto. Sinusukat nito ang pagbabago ng pagkatuto ng mag-aaral sa klase. Halimbawa, kapag
may ginagamit na teknik ang guro sa gawain sa klasrum, ang pagtatayang formative ang
magbibigay hudyat sa guro kung gagamitin pang muli ang napiling teknik sa sunod na gawain at
sa ibang pangkat ng mag-aaral. Nakatutulong ito upang mabatid ng guro ang kanyang husay sa
pagtuturo. Isinasagawa ang summative na pagtataya pagkatapos ng pagtalakay sa mahahalagang
konseptong dapat pag-aralan. Ito ang nagbibigay ng feedback sa guro upang matiyak niya kung
talagang natutuhan ng mga mag-aaral ang kaalaman at kasanayang dapat niyang matutuhan.
Kadalasang gumagamit ng rubrik o pamantayan na ibinibigay ng guro bago simulan ang
anumang pagtataya. Ito ay upang masukat nang husay ng guro ang mga natutuhan ng kanyang
mag-aaral. Kadalasang ito nasa anyo ng pagsusulit, pagbuo ng proyekto at pagtatanghal ng
gawain.
Ngayong nahaharap tayo sa Blended Learning, maraming paraan ang mga guro kung
paano ituturo at ibabahagi ang iba’t-ibang uri ng pagtataya. Halimbawa na lamang ng mga
pagsagot sa mga nakahandang katanungan sa paksang tinalakay. Maaaring gumamit ang guro ng
ibang mga paraan sa pagsasagawa ng pagtataya o pagsusulit gamit ang Online application gaya
ng Quizziz, Peardeck, Mentimeter, Wordwall at slido na kung saan ito ay napapanahon na mga
aplikasyon na ginagamit ng mga guro upang maging interaktibo sa pagsasagawa ng mga
pagtataya o pagsusulit.
Ang pagsusulit ay napakahalagang bahagi ng pagtuturo at pagkatuto. Kaya’t nararapat
lamang na ang bawat guro ay hindi lamang dapat magaling sa pagtuturo kundi marunong din
siyang maghanda ng mga pagsusulit. Ang pagsusulit o pagtataya ay isa lamang paraan upang
matiyak kung mayroong pagkatatutong nagaganap. Nagagawa rin ng pagsusulit na masukat ang
masteri ng mga mag-aaral sa mga lawak ng wika na nililinang sa klase. Dahil sa ipinalalagay na
22
nagagawa ng pagsusulit na mapili ang mga importanteng aspekto ng mga kasanayang makro na
nililinang sa pagtuturo ng wika, karaniwan ding ginagamit ang mga pagsusulit sa pagtiyak kung
anong mahalagang paksa ang dapat ituro. Sa ganitong paraan, malinaw na makikitang
naiimpluwensyahan ng pagsusulit kung ano ang dapat ituro.
Ano naman ang kahalagahan ng pagsusulit sa guro? Sa pamamagitan ng pagsusulit,
malalaman ng guro ang katugunan sa sumusunod. “Naging mabisa ba ang aking pagtuturo?”,
Angkop ba ang aking aralin sa aking mga estudyante?”, Aling mga kasanayan ang dapat
bigyang-diin sa pagtuturo?”, “Alin ang kailangang iturong muli?”
Nagbibigay ang guro ng pagsusulit upang makakuha ng mga impormasyong magagamit
niya sa ebalwasyon ng mga mag-aaral pagkatapos ng isang yugto ng pagtuturo. Ang mga
impormasyong makukuha ay magbibigay ng ilang kabatiran hinggil sa kagalingan ng isang
pagtuturo-pagkatuto sa loob ng klasrum.
Sanggunian:
Arrogante, Et Al. (2001) Ang Pagtuturo at Pagtataya sa Pakikinig
https://www.scribd.com/presentation/423207198/4-Pagtuturo-at-Pagtataya-Sa-Pakikinig
Badayos, P.B. (2008) Metodolohiya sa Pagkatuto ng/sa Filipino. Mga Teorya, Simulain at
Estratehiya (mula sa Aklat ni Badayos 2008). www.mutyapublishing.com
Balansag, N. (2019) Gamit ng panitikan sa pagtuturo
https://www.slideshare.net/MoniqueBalansag/gamit-ng-panitikan-sa-
pagtuturo?qid=c11ecb2e-90b2-4ce5-a30b-297fa6f9cf98&v=&b=&from_search=12
Barrientes, A. N. M. (2018) Bisa ng paggamit ng aklat sa ,alikhaing pagsulat sa ikapitong grado
https://ejournals.ph/article.php?id=10672
Bostrello, J. (2018) Mga paraan ng paglinang ng Talasalitaan, Rasyonal sa Filipino bilang
isang pangwikang asignatura.
https://www.academia.edu/37737432/MGA_PARAAN_NG_PAGLINANG_NG_TALA
SALITAAN
23
Cabigao, J. R. (2012). Magsikap. Mamulat. Magsulat. Pagpapaunlad sa Batayang Kasanayan sa
Pagsulat ng mga Mag-Aaral sa Filipino Baitang 7 (Improving Basic Writing Skills of
Grade 7 Students in Filipino).
https://www.researchgate.net/publication/337110884_Magsikap_Mamulat_Magsulat_PA
GPAPAUNLAD_SA_BATAYANG_KASANAYAN_SA_PAGSULAT_NG_MGA_MA
G-
AARAL_SA_FILIPINO_BAITANG_7_Improving_Basic_Writing_Skills_of_Grade_7_
Students_in_Filipino
Cabigao, J. R. (2012). Saloobin at Mungkahing Pagbabago sa Nilalaman ng 2009 Gabay sa
Ortograpiyang Filipino (Perception and Proposed Change on the Content of the 2009
Manual of Orthography in Filipino).
https://www.researchgate.net/publication/337110977_SALOOBIN_AT_MUNGKAHIN
G_PAGBABAGO_SA_NILALAMAN_NG_2009_GABAY_SA_ORTOGRAPIYANG_
FILIPINO_PERCEPTION_AND_PROPOSED_CHANGE_ON_THE_CONTENT_OF_
THE_2009_MANUAL_OF_ORTHOGRAPHY_IN_FILIPINO
Cabigao, J. R. (2014). Improving Pupils' Academic Performance Through Strengthened School-
Home Partnership.
https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf
ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership
Cabigao, J. R. (2020). Tackling the fear of writing.
https://www.researchgate.net/publication/341679036_Tackling_the_fear_of_writing
Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR
Volume 5. 256-258.
https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen
ce_Framework_for_Teachers
Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).
International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.
https://www.researchgate.net/publication/349463546_School-
Based_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal
Cabigao, J. R. (2021). Pagbuo at Balidasyon ng Isang Mungkahing Modelong Rubrik sa
Pagmamarka ng Mga Sulatin sa Antas Graduwado (Development and Validation of A
Proposed Model Rubric in Rating Written Outputs at the Graduate School Level).
https://www.researchgate.net/publication/350888318_Pagbuo_at_Balidasyon_ng_Isang_
Mungkahing_Modelong_Rubrik_sa_Pagmamarka_ng_Mga_Sulatin_sa_Antas_Graduwa
do_Development_and_Validation_of_A_Proposed_Model_Rubric_in_Rating_Written_O
utputs_at_the_Graduate
https://www.researchgate.net/publication/351228101_Development_and_Validation_of_
A_Proposed_Model_Rubric_in_Rating_Written_Outputs_at_the_Graduate_School_Leve
l
24
Caizen, (1986). Interaksyong Pasalita, Natural na Gamit ng Wika.
https://www.coursehero.com/file/p8nn632/interaksyong-pasalita-natural-na-gamit-ng-
wika-walang-pagsasalin-sa-pagitan-ng/
Evangelista, C. (2012) Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa Mabisang Pagsasalita
https://www.slideshare.net/iloveyouhtac/pagsasalita
Goodman, K. (1967) Ano ang pagbasa (mula sa akda ni Bleslie Espino).
https://www.academia.edu/31734222/ANO_ANG_PAGBASA
Gonzales, DALL, (2013) Panitikan, Linggwistika, Paraan/Pamamaraan ng pagtuturo at
paghahanda ng mga kagamitang pamapgtuturo (Mula sa sa MET REVIEW)
Met_review@yahoo.com, metreviewcenter.com
Gurdiel, C., Pallarca, A.P. Et, Al (2015). Mga Salik Tungo sa Epektibong Paraan ng Pagtuturo
sa mga Estudyanteng Nag-aaral ng Edukasyong Pangsekundarya.
https://www.academia.edu/23015371/MGA_SALIK_TUNGO_SA_EPEKTIBONG_PA
MAMARAAN_NG_PAGTUTURO_SA
Laosinguan, L. (2006). Ang Pagtuturo ng Pakikinig.
https://www.academia.edu/27199914/Ang_pagtuturo_Ng_pakikinig
Johari, (2008) Ang mga mag-aaral ay dapat maintindihan ang Talasalitaan
https://www.coursehero.com/file/p1hn5fig/Ayon-kay-Johari-2008-ang-mga-mag-aaral-
ay-dapat-maiintindihan-hindi-lang-ang/
Petras, J. D. G (2007). E-FILIPINO: Ang pagtuturo at pagkatuto sa wikang Filipino sa
sistemang Open Distance Learning
https://ejournals.ph/article.php?id=6215
Santiago, (2020) Ang Pagtuturo ng Apat na Makrong Kasanayan
https://www.coursehero.com/file/56564335/Ang-pagtuturo-Ng-pakikinigpptx/
Sta Ana, N. S (2016). Curriculum and Instruction: Ang Pagtuturo ng Filipino
https://www.slideshare.net/lovelythegreat/curriculum-and-instruction-ang-pagtuturo-ng-
filipino
Uleta, E. V. (2017) Aspekto ng pag-unawa sa markahang pagtataya sa Filipino
https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/arts-congress-
proceedings/2017/paper-3.pdf
Yagang, (1993) Ang Pagtuturo ng Pakikinig (mula sa orihinal na akda ni Laosinguan 2006).
https://www.academia.edu/27199914/Ang_pagtuturo_Ng_pakikinig
Research
Full-text available
Pangunahing layon ng pag-aaral na ito na makabuo ng isang mungkahing modelong rubrik sa pagtataya ng mga sulatin sa antas graduwado alinsunod sa mga simulain ng Kakayahang Komunikatibo ni Littlewood (2011). Isinagawa ang pag-aaral gamit ang pamamaraang quantitative-developmental sa tulong ng 10 eksperto sa pagtuturo ng wika sa antas masteral at doktoral. Bumuo ng rubrik at isinalang ito sa balidasyon upang matukoy ang antas ng validity nito gamit ang Aiken’s V (content validity coefficient) at ang reliability nito sa tulong ng Fleiss’ κ coefficient at Krippendorff’s α coefficient. Naitala ang average content validity coefficient sa 0.91 na nagsasabing ito ay valid. Ipinakikita naman ng Fleiss’ κ coefficient na 0.76 at may p-value na mas mababa sa 0.05 na may substantial agreement sa pagmamarka ang mga eksperto gamit ang binuong rubrik. Naitala naman sa Krippendorff’s α coefficient ang 0.87, higit na mas mataas sa 0.67 at may p-value na mas mababa sa 0.05, na nangangahulugang may inter-reliability sa binuong rubrik, at dahil mas mataas sa 0.8 ang α coefficient, nangangahulugan ito na may malakas na inter-reliability ang pagmamarka ng mga eksperto gamit ang rubrik. Sa tulong ng mga eksperto, nakabuo ng isang valid at reliable na rubrik bilang kagamitang pampagtataya sa sulatin ng mga mag-aaral sa antas graduwado bilang napakahalagang gawain sa pagkatuto. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi na isagawa rin sa tuwina ang test of test of validity at reliability kung mayroong mga bagong kagamitang pampagtataya na ininusulong gamitin upang sa gayon ay lubos na makatulong ito sa kapwa guro at mga mag-aaral.
Article
Full-text available
This paper presents a Teacher-Friendly Class Observation Post-Conference Framework anchored on Carl Roger’s Self Theory which focuses on a person-centered approach, thus having self as the core of the study of one’s personality. The framework starts with the teachers’ sharing of personal feelings and experiences during the teaching presentation as a form of conscious awareness. Teachers are allowed to express themselves in an accommodating and friendly environment to imbibe a positive environment during the terminal part of the classroom observation, which is the post-conference. Key questions are given to teachers to serve as a guide in telling their own stories before, during, and after the performance in a very fluid conversation, thus making teachers happy in sharing what they have on their minds, and consequently, bring that sense of happiness in the classroom as a strong foundation of a happy classroom environment which is ultimately conducive for effective learning to happen.
Article
Full-text available
With the sudden change of education landscape worldwide brought by COVID-19 pandemic this year 2020, DepEd Philippines strategized concrete policy guidelines in ensuring the continuity of teaching and learning in the basic education level across the country, and this was made possible through the issuance of The Basic Education Learning Continuity Plan in the Time of COVID-19 in May of this year. As Sec. Leonor Magtolis Briones stated in this issuance, the issued continuity plan of the department is an integrated output of DepEd from a series of consultation with partners and advisers, legislators, executives and directors, teachers, parents, learners, and the general public (p. 1). To ensure the continuity of schoolchildren’s education despite the community quarantine protocol of the government, DepEd implemented major adjustments from all levels of governance at a magnitude never done before (p. 28.) These adjustments include: (1) the streamlining of the K to 12 Curriculum into the Most Essential Learning Competencies or MELCs; (2) introducing different learning delivery modalities; (3) the updating of learning resources; (4) the strategies for Kindergarten to Grade 3; (5) the learning assessment; (6) the strengthening of the Alternative Learning System or ALS; and (7) the establishment of a committee for the development, acquisition, and deployment of learning resources (pp. 28-40). So, in order to address the needs of teachers and learners in the assessment of learning, this school-based assessment framework as a localized and contextualized version of DepEd’s perspective of learning assessment anchored on Vygotsky’s Zone of Proximal Development (1978, as cited in DepEd Order 8, s. 2015) is hereby revised/updated based on the existing guidelines of DepEd. Similar to the previously crafted paradigm, this localized/contextualized framework is a product of a series of internal and external stakeholders’ common interpretation and understanding on the importance and sanctity of a valid and reliable assessment in ensuring a culture of quality teaching and learning engagement at all times.
Research
Full-text available
An important measure in the evaluation of success of the School-Based Management (SBM) is Quality, a measure in terms of the performance rating of all the pupils in the annual administration of the National Achievement Test (NAT), thus this study came into being to primarily improve the academic performance of the pupils from all grade levels by ensuring (1) Zero Dropout Rate, (2) 100% Graduation Rate, and (3) 95 to 100% Promotion Rate. In achieving the main objectives of the study, the following actions were taken: (1) orientation of teachers, parents, and other concerned stakeholders on the rationale and matrix of the program and (2) conducting regular home visitations to build strong rapport with parents in monitoring the studies of their children. This study utilized descriptive method through critical observation and analysis of pupils’ performance in academic activities from the four grading periods. Data gathered were tallied, tabulated, and organized with the use of simple mathematical applications such as frequency distribution and computation of mean for objective analysis. Findings of the study revealed that (1) a total of 374 home visitations were conducted by the teachers from all grade levels; (2) the percentage of increase of pupil’s academic performance went higher as per grading period passed; (3) a zero-dropout rate was recorded at the end of the school year; (4) a 100 percent promotion rate from all grade levels was recorded; and (5) a 100 percent graduation rate was achieved this school year. The conclusions made are: (1) teachers’ frequent home visitations encourage parents to maximize their effort in monitoring their children in accomplishing home works; (2) pupils need constant encouragement and/or assistance from parents and/or elders in completion of their school requirements; (3) home visitation is an important method of encouraging the parents to cooperate closely with teachers in monitoring their children’s studies; and (4) parents’ active involvement in monitoring the progress of the studies of their children is very essential. The study recommends the following actions in line with the principle of continuous improvement: (1) conduct frequent home visitations not only to erring pupils but also to well-performing pupils; (2) always maximize the participation of parents in monitoring the progress of their children’s studies; and (3) formulate another plan of action that will help pupils perform well both in academic and non-academic/co-curricular activities in and out of the school. Keywords – Academic Performance, Strengthened School-Home Partnership
Thesis
Full-text available
This study primarily aims to determine the perceptions and proposed changes of the public secondary school teachers handling Filipino subject in the Division of the City Schools of Malolos, School Year 2012-2013, on the contents of the 2009 Manual of Orthography in Filipino (Gabay sa Ortograpiyang Filipino), after almost three years of its implementation. This study is based on the descriptive method of research and was conducted through language survey – a type of statistical study which was according to Brown (1991) is done through data collection on the nature and acquisition of language, and perception of the source of data in oral or written interview. To collect the necessary data of this study, the researcher developed a questionnaire with three parts: (1) the personal data of the respondents; (2) the questions to measure the perception of the respondents on each specific rule of the orthography; and (3) a survey to determine the proposed changes on the certain rules of the orthography as part of the standardization of the Filipino language. This study was conducted for three months, from July to September 2012. Findings of the study revealed that: (1) majority of the teacher-respondents are in the baseline/entry position as of the time of this study; (2) teacher-respondents in general strongly approved the contents of the existing orthography; and (3) there is just a slight contrasting views and opinions among teacher-respondents on the rules regarding translation. The study recommends: (1) teachers and school officials to attend various seminars/trainings related language and linguistics, to broaden and deepen their competencies on the interpretation and usage of the existing orthography; (2) to conduct a valuable and truthful study on language to acquire a keener sense of explaining and critiquing a policy on the language use in the country; (3) to devote enough time with teachers and education authorities on language teaching and/or language policy-making endeavors for clarity and unity in writing official correspondences and other write ups in the academe; (4) to have an open mind on the continuous changes and development of Filipino, as the national language, to go along with what the present time dictates; and (5) to conduct similar studies to test the reliability and validity of the findings stated.
Ang Pagtuturo at Pagtataya sa Pakikinig
  • Et Arrogante
  • Al
Arrogante, Et Al. (2001) Ang Pagtuturo at Pagtataya sa Pakikinig https://www.scribd.com/presentation/423207198/4-Pagtuturo-at-Pagtataya-Sa-Pakikinig
Metodolohiya sa Pagkatuto ng/sa Filipino. Mga Teorya, Simulain at Estratehiya (mula sa Aklat ni Badayos
  • P B Badayos
Badayos, P.B. (2008) Metodolohiya sa Pagkatuto ng/sa Filipino. Mga Teorya, Simulain at Estratehiya (mula sa Aklat ni Badayos 2008). www.mutyapublishing.com
Bisa ng paggamit ng aklat sa ,alikhaing pagsulat sa ikapitong grado
  • A N M Barrientes
Barrientes, A. N. M. (2018) Bisa ng paggamit ng aklat sa,alikhaing pagsulat sa ikapitong grado https://ejournals.ph/article.php?id=10672
Mga paraan ng paglinang ng Talasalitaan, Rasyonal sa Filipino bilang isang pangwikang asignatura
  • J Bostrello
Bostrello, J. (2018) Mga paraan ng paglinang ng Talasalitaan, Rasyonal sa Filipino bilang isang pangwikang asignatura. https://www.academia.edu/37737432/MGA_PARAAN_NG_PAGLINANG_NG_TALA SALITAAN
Tackling the fear of writing
https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership Cabigao, J. R. (2020). Tackling the fear of writing.