"Sa kabila ng mga pagbabagong panlipunan, nananatiling pinagkakaitan ng karapatan ang maraming bata sa Pilipinas. Bagama’t kung lilinangi’y may sariling gahum, humaharap ang maraming bata sa malalalim at sala-salabat na depribasyon at vulnerabilidad na sagabal sa kanilang pakikilahok at pag-unlad. Isa sa mga dahilan nito ang kaayusang panlipunang hindi nagbibigay-tinig sa mga bata. Mistulang humahamon sa kayariang panlipunang ito ang napakahalagang libro ni EJ Bolata na nagtatanghal sa mga bata sa kasaysayan at panitikang Pilipino. Sapagkat may kaalaman ukol sa at kamalayan para sa mga bata, mabisang kasangkapan ang libro sa pagpapalitaw sa gahum ng mga bata sa lipunang Pilipino. Patunay ang librong hindi lang basta bata ang mga bata."
– ATOY M. NAVARRO
Kasamang Patnugot, Saliksik E-Journal
Program Manager, FERCAP
Download here: https://swfupdiliman.org/project/hindi-lang-basta-bata/