ArticlePDF Available

Abstract

This study explored the use of slang of Generation Z in the Philippines. It focused onanalyzing the sociolinguistic transformation of language particularly in Senior High Schooland College students in selected schools in Metro Manila. It has been found that FilipinoGeneration Z known as GenZers are still using the language patterns like back formation,clippings, acronyms, metathesis, and relating to an icon. Furthermore, this also revealed thatGenZers have developed a language transformation in a process of changing word to word,change in meaning and creating expressions. It is recommended to further explore the study inlooking in depth the effects of WikaGenz in written discourses, the implication of messageswith the other generations, and its possible implications to sociolinguistic phenomena. (6) (PDF) WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas. Available from: https://www.researchgate.net/publication/342849144_WikaGenZ_Bagong_anyo_ng_Filipino_slang_sa_Pilipinas [accessed Sep 19 2022].
International Journal of Research Studies in Education
2020 Volume 9 Number 3, 41-49
© The Author(s) / Attribution-NonCommercial-NoDerivs CC BY-NC-ND
WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas
Gime, Arjohn
Manila Science High School
Philippine Normal University – Manila, Philippines (gime.av@pnu.edu.ph)
Macascas, Cristina
Philippine Normal University – Manila, Philippines (macascas.cd@pnu.edu.ph)
Received: 27 February 2020 Revised: 6 June 2020 Accepted: 26 June 2020
Available Online: 10 July 2020 DOI: 10.5861/ijrse.2020.5823
ISSN: 2243-7703
Online ISSN: 2243-7711
OPEN ACCESS
Abstract
This study explored the use of slang of Generation Z in the Philippines. It focused on
analyzing the sociolinguistic transformation of language particularly in Senior High School
and College students in selected schools in Metro Manila. It has been found that Filipino
Generation Z known as GenZers are still using the language patterns like back formation,
clippings, acronyms, metathesis, and relating to an icon. Furthermore, this also revealed that
GenZers have developed a language transformation in a process of changing word to word,
change in meaning and creating expressions. It is recommended to further explore the study in
looking in depth the effects of WikaGenz in written discourses, the implication of messages
with the other generations, and its possible implications to sociolinguistic phenomena.
Keywords: generation Z; slang; sociolinguistics; survey; variety
Gime, A., & Macascas, C.
42 Consortia Academia Publishing
(A partner of Network of Professional Researchers and Educators)
WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas
1. Panimula
Ang wika ay isang instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral
kung wala ito (Sapir, 1949; Harris, 1951). Ang pagkakaroon ng isang wika ay isang simbolo ng solidaridad na
mag-iisa sa mga indibidwal na tagapagsalita ng naturang wika. Ang pagbabago sa wika ay karaniwan ng bahagi
ng pagbabago sa buhay. Ang pamamaraan ng komunikasyon ay sumasabay sa pagbabagong ito.
Binibigyang-buhay ng komunikasyon ang pagyabong ng kultura, lipunan lalo na ng wika. Sa patuloy nitong
pagbabago, umuusbong ang mga salita na tangi sa isang pangkat ng tao. Ang dimensiyong sosyal ang
nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga register, jargon,o sosyal na varayti tulad ng wika ng bakla (gaylingo), wika
ng LGBTQ+, wika ng kabataan, wika ng mag-aaral, wika ng kababaihan, register ng guro, wika ng isports, at iba
pa. Pinapatunayan nito na ang wikang pantao ay isang arbitratryo. Gayundin, ito ay buhay dahil sa
pagbabanyuhay ng mga salita. Tulad ng isang ilog, sumasabay ito sa agos ng pagbabago sa ating lipunan,
positibo o negatibo mang manipestasyon.
Ang pagbabago sa wika ay dumaraan sa ebolusyon at nakabatay sa bokabularyong napagkakasunduan ng
mga mamamayang gumagamit nito. Sa paglipas ng panahon, nakabubuo rin ng mga bagong salita dahil sa
pagiging malikhain ng tao. Ang wika ay sumasabay rin sa uso. Naging bahagi ng kulturang popular ang
swardspeak, jejemon, at konyo. Pangunahing wika ng kabataang Filipino ang slang. Binubuo ito ng isang
leksikon ng mga hindi estandardisadong salita at parirala sa isang tiyak na wika. Ito rin ay isang impormal na
wika na ginagamit sa karaniwang pakikipagkomunikasyon. Bahagi ang slang ng isang wika na lagpas sa
kombensiyonal o istandard na gamit ng wika. Binubuo ito ng mga bagong hangong salita, parirala o may
pinalawak na kahulugan na nakapaloob sa bawat terminolohiya. Kadalasan itong nagbibigay ng impresiyon sa
tagapakinig tungkol sa pag-uugali o nakagawian ng nagsasalita. Tumutugon din ito sa kraytiryang: A) ibinababa
nito, kahit pansamantala ang karangalan ng pormal na pagsasalita o pagsulat; B) ang paggamit nito ay
nagpapahiwatig na ang tao ay may kaalaman sa mga terminong ginagamit ng ibang pangkat; C) ang salita ay
isang taboo sa ordinaryong diskurso sa pagitan ng mga taong may mas mataas na katayuan sa lipunan o may mas
higit na responsibilidad; D) ginagamit ito upang mabawasan o maiwasan ang pagkayamot na dulot ng mahabang
salita o mahabang paliwanag tungkol sa kahulugan ng salita.
Maraming slang ang umusbong, ginamit, sumikat, napalitan, at nagbagong-bihis. Isa na riyan ang slang ng
Generation Z (GenZers). Ang GenZers ay kabataan na isinilang sa pagitan ng 1990 hanggang 2000. Ang
paggamit ng GenZers sa salita ay naglalarawan ng sosyolohikal na kaligiran sa paggamit ng wika na mayroon
lamang sila. Ang wika ng Generation Z (WikaGenZ) ay nag-aambag sa wika sa kasalukuyan mula sa mga
transpormasiyon na nagaganap sa kanilang panahon bunsod ng pag-unlad ng teknolohiya o impluwensiya ng
online platforms tulad ng social media (socmed). Sisipatin sa papel na ito ang pagbuo ng slang ng GenZers.
Titingnan ng pag-aaral kung paano nakaiimpluwensiya sa ebolusyon ng wika sa Pilipinas sa sosyolingwistikong
pagtanaw.
Layunin - Pangkalahatang layunin ng papel na maunawaan ang slang na gamit ng kasalukuyang kabataang
Pilipino sa mga piling paaralan sa Metro Manila. Susuriin din sa papel ang pagbuo ng slang ng GenZers.
2. Pamamaraan
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan upang mailarawan ang karaniwang wikang
ginagamit ng GenZers sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Pangunahing kalahok sa pag-aaral ang mga
piling mag-aaral sa Senior High School at kolehiyo sa Maynila. Malayunin ang pagpili ng mga kalahok. Tiniyak
na sila ay nasasaklaw ng Generation Z. Ang mga kalahok ay nasa edad labing-anim (16) hanggang dalawampung
WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas
International Journal of Research Studies in Education 43
(20) taon. Sila ay karaniwang may ugnayan sa kanilang kapwa GenZers at aktibo sa paggamit ng kanilang wika.
Isinaalang-alang din sa pag-aaral na ito ang mga etikal na konsiderasyon lalo na sa edad at kanilang
pagsang-ayon sa pagiging kalahok ng pag-aaral.
Ang pag-aaral ay natamo sa pamamagitan ng pagpapasagot ng sarbey. Ang sarbey ay nahati sa iba’t ibang
klasipikasyon na inihanda ng mga mananaliksik. Ang mga kalahok ay nagtala ng mga salitang karaniwan nilang
ginagamit sa pasalita o pasulat mang paraan nang pakikipag-interaksiyon sa kanilang mga kaedad. Ang mga
nakalap na datos ay iniisa-isa. Sinuri ang pagkakatutulad o pagkakahawig ng mga ito. Matapos na magkaroon ng
mga tala sa bawat klasipikasyon, ito ay muling ipinadala sa mga kalahok para sa kanilang balidasyon.
3. Resulta at pagtalakay
Inilalahad dito ang interpretasyon ng mga datos na nakalap mula sa mga kalahok. Gumamit ng mga
talahanayan upang masuri at mabigyang-analis ang mga salita. Maingat na inihanay ang mga salita mula sa
orihinal patungo sa kaniwang slang na anyo nito at bersiyon ng GenZers. Sa ganitong paraan, madaling makikita
ang tumbasan, pagpapakahulugan, o pagbabagong naganap sa mga salitang slang. Mula rin dito, makikita ang
mga paraan sa pagkakabuo ng WikaGenz.
Talahanayan 1
Pagbabaligtad
Orihinal na salita Slang Bersiyon ng GenZers
bata
bente
bida
barkada
gilid
idolo
kapatid
kalbo
kuwarenta
loob
malupit
mayor
mismo
pare
pogi
-
-
bida
tropa
-
idol
bro
bokal
-
Munti
malupet
-
-
pre
pogi
atabs
etneb
adib
aport
gedli
lodi
orb
oblak
takwarents
oblo
petmalu
omsim
yorme
erp
igop
salamat
sampu
sigarilyo
sige
talo
tayo na
wala
-
-
yosi
sige
olats
tara
wala
matsala
posam
isoy
gesi
oltas
arat
alaws
Malinaw na makikita sa talahanayan na palasak pa rin ang pagbabaligtad o pagpapalit ng posisyon ng pantig
upang makabuo ng bagong salita. Ang ganito pamamaraan ay mababakas na sa panahon ni Gregorio del Pilar na
gumamit ng panulat sagisag na Plaridel. Gayon din, ang pambansang alagad ng sining na si Virgilio Almario ay
kilala rin sa panulat sagisag na Rio Alma, isa ring pabaligtad na anyo. Ang ganitong pamamaraan ay nakita na sa
isinagawang pag-aaral ni Cabaero (1980) tungkol sa wika ng mga tinedyer. Ginagawa raw ito ng mga kabataan
upang sila ay maging kakaiba. Isang halimbawa nito ang “Nosi Ba Lasi?” na naging pamagat ng popular na awit
noong 1989. Sa kabilang banda, hindi lumitaw ang ganitong paraan sa pag-aaral ni Zorc (1990) ng Tagalog
Slang.
Ang ganitong porma ay nakita rin ni Pradianti (2013) sa kaniyang pag-aaral ng slang sa mga mag-aaral ng
hayskul sa Bandung, Indonesia. Tinawag niya itong back formation na hango kay Potter (1975). Isa itong
Gime, A., & Macascas, C.
44 Consortia Academia Publishing
(A partner of Network of Professional Researchers and Educators)
patunay na nagaganap na ang pagbabaligtad sa mga nakalipas na dekada. Sa Pilipinas, muling nanumbalik ang
sigla ng pagbabaligtad ng pantig nang tumakbo at manalong alkalde ng Maynila si Francisco “Isko” Moreno na
isinilang noong 1974. Mas nakilala siya sa tawag na Yorme. Nakagiliwan ng mga tao ang kaniyang paraan ng
pagsasalita kaya nailuwal ang ISKOnary, kabilang dito ang mga salitang etneb, takwarents, posam, gedli at iba
pa. Sinundan na rin ito ng GenZers upang maitago ang tunay na kahulugan ng salita at maipakita ang pagiging
malikhain sa paggamit nito sa sintaks o pangungusap.
Talahanayan 2
Pagpapaikli
Orihinal na salita Slang Bersiyon ng GenZers
best friend
brother
fuck buddy
kumpadre
mapapel
medyo
mongoloid
punyeta
putakti
putang ina
putang ina
sige
sister
-
-
-
pare
kupal
-
-
punyeta
putakte
pukeng ina
-
-
-
besh
bro, bruh
fubu
dre
epal
mej
monggo
nyeta
takte
kingina
taena
geh
sis
Sa Talahanayan 2, makikita ang pagpapaikling naganap sa salita. Ang ganitong paraan ay nakita sa pag-aaral
ni Zorc (1990) na tinawag niyang pag-aalis ng pantig. Samantala, nakita rin ni Concepcion (2012) na may
pagpapaikling nagaganap sa mga salitang ginagamit ng mga manlalaro ng DoTA. Ang ganitong porma ay nakita
rin ni Pradianti (2013) sa kaniyang pag-aaral ng slang na tinawag niyang clipping (Yule, 2010). Kapansin-pansin
na isang pantig na lamang ang natira sa naganap na pagpapaikli tulad ng besh, bro, bruh, dre, mej, geh, at sis.
Karaniwan ding nagaganap ang pagkakaltas sa unahan o hulihang pantig. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng
pagpapadali sa pagbigkas ng salita.
Talahanayan 3
Pagbabago ng ispeling
Orihinal na salita Slang Bersiyon ng GenZers
ako
ano ba
ate
bakla
bestfriend
boss
cool
fucker
gago
ganoon
hala
hayop
hayun
kaya
kumadre
mother, mommy
puta
tanga
tanga
sister
-
-
-
bekla
-
bossing
cool
fucker
ogag
ganun
-
-
ayun
okey
mare
-
-
tan-ga
tan-ga
-
acoe, aq
enebe, ene beh
the
beks, beki
beshy, besh
boxsz
kewl
pakker
gegu, gags
ganern
luh
haup, hype
ayown
keri
mars
mamshie
pucha
shunga
tangeks
sissy
WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas
International Journal of Research Studies in Education 45
Sa ikatlong talahanayan, makikita na ang GenZers ay bumubuo ng bagong banghay o pagbabago ng ispeling
ng mga salita sa pamamagitan ng pag-iimbento, paglalaro ng salita at metatesis na halos nagaganap sa mga
salitang slang. Ang metatesis ay nakita rin sa pag-aaral ng Tagalog Slang (Zorc, 1990). Ang pagbabago ng
banghay o ispeling ay walang tiyak na sinusundang lingguwistikang porma na mababasa sa mga aklat
panggramatika o tuntuning panggramatika. Ito ay nabubuo sa malikhaing paraan sa pamamagitan ng pagpapalit
ng mga pantig sa orihinal na salita tulad ng “kaya” na naging “keri”, “ano ba” na naging “enebe” , at “putang
ina” na naging “taena”. Mapapansing nabubuo ang bagong salita na hindi nalalayo sa orihinal na bigkas nito.
Makikita rin ang impluwensiya ng jejemon at bekimon sa pagbuo ng WikaGenZ. Masasalamin ito sa paggamit
ng /h/, /s/, /c/, at /q/ gayudin sa palitan ng mga patinig na /a/ at /e/, /o/ at /u/.
Talahanayan 4
Akronim
Orihinal na Salita Bersiyon ng GenZers
All right
As far as I know
As fuck
At the moment
Be right back
By the way
Coffee, coffee lang
Good game
Good game, well played
Hang out, hang out lang
Hit me up
Homework
I don’t care
I don’t know
Just got home
Kill joy
Laugh out loud
Laughing my ass off
Make out, make out extreme
Make out, make out lang
AYT
AFAIK
AF
ATM
BRB
BTW
COCOL
GG
GGWP
HOHOL
HMU
HW
IDC
IDK
JGH
KJ
LOL
LMAO
MOMOX
MOMOL
Make out, make out with love
Nevermind
Outfit of the day
Talk to you later
Thank God It’s Friday
Thank you
Thank you Lord
To be honest
What the fuck
What to do
Where to go
Yosi break
MOMOWL
NVM
OOTD
TTYL
TGIF
TY
TYL
TBH
WTF
WTD
WTG
YB
Kapansin-pansin din na palasak sa WikaGenZ ang akronim na mula sa unang letra ng bawat salita sa
parirala maliban sa nevermind na naging NVM at homework na HW. Makikita rin na ang tala sa itaas ay pawang
Ingles. Kadalasan itong ginagamit ng GenZers sa sintaks sa Filipino na tila halaw sa konyo. Ang tiyak na
pagkakaiba nito sa konyo ay paggamit ng akronim sa halip na buong salita. Halimbawa:
Damings HWS (homeworks). BTW (by the way), may nagawa ka na?
GG (good game) ka ngayon, ah.
Ganda ng OOTD (0utfit of the day)!
YB (yosi break) tayo.
Ang ganitong paraan ng pagbuo ng salita ay bunsod din ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at lubhang
Gime, A., & Macascas, C.
46 Consortia Academia Publishing
(A partner of Network of Professional Researchers and Educators)
pakikisangkot ng GEnZers sa social media. Sa pamamagitan ng akronim, mas napapadali ang
pakikipag-interaksiyon lalo na kung ang bawat isa ay nakikipag-usap sa chat. Nakita rin ni Sandoval (2012) sa
kaniyang pag-aaral ng eFil sa internet ang paggamit ng akronim o pagdadaglat partikular sa komunikasyon sa
internet. Ganito rin ang larawan ng slang sa isinigawang pag-aaral ni Trimastuti (2017) ng Politeknik Piksi
Ganesha Bandung matapos niyang suriin ang mga post sa social media ng mga kabataan sa Indonesia. Samantala,
ang ganitong paraan ay tinawag ni Zorc (1990) na paggamit ng mga unang letra sa kaniyang pag-aaral na
isinagawa.
Talahanayan 5
Pagpapalit ng salita sa salita
Orihinal na Salita Bersiyon ng GenZers
ari ng lalaki
as in
awit
back
burger
Diyos ko!
galit
game ka na ba
gulat
hindi
hindi nga
hirap
ka-lovelife
kaibigang lalaki
lakad, alis
landi
maganda
mag-enjoy, inom
mahina
mahirap, iskwater
malandi
malanding lalaki / babae
marupok
masarap
nag-aabang
naiirita
okey
oo
pa cute
pangit
pasang-awa
patingin
pilit
pogi
sasama ako (I am go)
seks (intercourse)
shit (shet)
silahis
sinungaling
sugod
tao
tae
talk shit (hindi magandang kausap)
tanga
tomboy
tsika (joke lang)
nota, notring
salt
sagwa
retreat
bugrits
juicecolored, emeged
triggered
carps
shookt
deins
weh
nosebleed
sparks
paps, papi, idol
gora
awra
diyosa
walwal
weak
squammy
harot, higad
fuccboi, fuckgirl
fragile
yummy (tumutukoy sa tao)
abangers
jeee/ jiz
POTS
yah, yeah
pabebe
chaka
clutch
sharks (pating)
SAGS
papi
pics
Netflix, chill
tae
bi, paminta, kloseta
ahas, barber
rekta
utaw
jebs
tokis
tolongges
shiboli
charot, char
WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas
International Journal of Research Studies in Education 47
Nakapaloob sa Talahanayan 5 ang pagpapalit ng salita mula sa orihinal na salita. Kapansin-pansin na ang
pagpapalit ay iniuugnay sa salitang Ingles tulad ng salt, retreat, triggered, nosebleed at iba pa. Pangalawa, may
mga salitang hango sa bekinese o jejenese tulad ng gora, jeee/ jiz, jebs, charot at iba pa. Panghuli, malakas ang
impluwensiya ng telebisyon at social media sa pagpapalit ng salita tulad ng fuccboi, fuccgirl at Netflix.
Talahanayan 6
Pagbabago ng kahulugan
Orihinal na salita Bersiyon ng GenZerS
Etimolohiya Kahulugan
asin Salt pinagsamang as at in as in
Potassium POTS mula sa kemikal na simbolo ng Potassium na K
Okey
saging Sags Pagbabalat ng saging o sa Ingles peel it Pilit
tingin Sharks pating + in (to look) Patingin
Sa isang karaniwang tagapakinig, ang mga salita sa itaas ay maibabatay sa denotatibong kahulugan. Subalit
sa GenZers, ito ay may ibang kahulugan. Nagpapakita ito ng estrata dahil ang karaniwang gumagamit ng salitang
ito ay mga konyo o mga mag-aaral sa prestihiyosong paaralan. Inilalahad nito ang wika ay may istatus na
kinabibilangan ayon sa gumagamit nito.
Talahanayan 7
Pag-uugnay sa pangalan ng tao o politika
Orihinal na Salita Kahulugan sa WikaGenz
Carmi Martin karma
Gardo Versoza haggard (Haggardo Versoza)
Gelli de Belen nagseselos
Leila de Lima bisexual, bakla
Luz Valdez talunan
Oprah Winfrey pangako
Spiderman jumper / nagnanakaw ng kuryente
Tom Jones gutom
Ka-DDS kabarkada, kagrupo
Dutertards tagapagtanggol ni Pangulong Duterte
Mapapansin sa talahanayang ito ang paggamit ng pangalan ng kilalang tao upang maiugnay sa isang
sitwasyon o konsepto. Ito ay impluwensiya ng swardspeak o gaylingo. Kapansin-pansin din na marami sa mga
ito ay matagal nang umiiral sa bokabularyo ng isang tiyak na pangkat ng tao. Lumaganap ito at tinatangkilik
hanggang sa kasalukuyan. Nagkaroon lang ng pag-aapdeyt o pagdaragdag ng mga kilalang tao sa kasalukuyan
tulad nina Senador Leila de Lima at Pangulong Rodrigo Duterte.
Talahanayan 8
Pagbuo ng ekspresiyon
Ekspresyon ng GenZers
Kahulugan
Beast mode galit
Eme-eme hindi masabi o maalaala
Goal nais makamit o makuha
Hanash maraming sinasabi o komento
Hokage nangmamanyak o maruming galawan
Hugot damdaming kaugnay ng pag-ibig tulad ng paghihiwalay
Lamnadis (alam na this) tanging magkakaibigan lamang ang nakaaalam ng isang bagay o pangyayari
Ninja moves mabilis, madiskarte o tahimik na galaw ngunit malupit
Pag may time udyukan ang tao na kumilos sa pabirong paraan
Pag may time udyukan ang tao na kumilos sa pabirong paraan
Peg uso
Sponki sponsor na beki
Struggle is real hirap na hirap, may kinakaharap na problema
Gime, A., & Macascas, C.
48 Consortia Academia Publishing
(A partner of Network of Professional Researchers and Educators)
Ang mga ekspresiyong ito ay karaniwang ginagamit ng GenZerS sa kanilang pang-araw-araw na
transaksiyon at interaksiyon. Ilan sa mga ito ay hango sa kanilang pinapanood na nagkaroon ng pagbibihis ayon
sa sitwasyong pinaggagamitan nito. Karaniwang ang mga ekspresiyong ginagamit ay may malayong kahulugan
sa salitang pinaghanguan nito. Halimbawa, ang beast mode na nangangahulugang galit ay hango sa bansag kay
Marshawn Lynch, Amerikanong manlalaro ng football. Tinawag siyang beast mode dahil sa kaniyang estilo sa
pagtakbo at kakayahang ipagtanggol ang bola at buwagin ang kalaban. Samantala, ang Hokage at Ninja moves
ay hango sa manga serye na Naruto. Si Hokage ang pinakamataas at pinakamalakas na ninja sa kanilang
komunidad. Siya ay itinuturing na pinuno at mabuting huwaran sa komunidad na taliwas sa naging kahulugan
nito sa WikaGenZ na pangmamanyak, maruming galawan, at galawang malupit. Dahil ang mga ito ay naging
bukambibig na ng GEnZers, malabo na itong maibalik sa tunay nitong kahulugan. Samantala, ang lamnadis ay
pinapaniwalaang sumikat nang ginamit ito ni Lloyd Cadena, isang social media personality, sa kaniyang memes.
Tingnan ang karaniwang paggamit nito sa pangungusap.
Hanggang ngayon palpak, ah. Beastmode na ako!
Eme-eme lang sinasabi niyan sa klase.
Taray! Relationship goals ang peg.
Ang dami mong hanash sa buhay, noh!
Humuhokage ka na naman!
May hugot ka na naman.
Huli kita may kasamang babae, lamnadis.
Taray! Ninja moves kanina sa test!
Ligo-ligo din pag may time.
Ano ang peg ng suot mo?
Push mo lang ‘yan naiisip mo.
Naku, sponki yang si X.
Haysss, struggle is real.
4. Kongklusyon at rekomendasyon
Napatunayan sa pag-aaral na ang wika ay buhay at dinamiko sa lipunang patuloy na gumagamit ng midya at
teknolohiya. Ang impluwensiya ng social media platforms tulad ng Twitter, Facebook, Instagram, telebisyon at
iba’t ibang panoorin ay nagbubunsod ng eksperimentalisasyon sa mga bagong salita at mga umiiral nang mga
salita. Ipinapakita rin ng papel na ito na patuloy pa rin ang transpormasiyon ng mga salita batay sa
impluwensiyang sosyal at kultural. May mga salita ring sadyang sumisibol sa isang tiyak na pangkat ng tao.
Malinaw itong nakita sa pag-aaral nang ang GenZers ay makalikha ng WikaGenZ na masasabing kanila lamang.
Bagamat kapansin-pansin na ang pagkakabuo ng kanilang mga salita ay hindi nalalayo sa naunang pamamaraan
ng ibang pangkat sa pagbuo ng kanilang salita. Kabilang sa dati ng paraan ng pagbuo ng salita ang pagbabaligtad,
pagpapaikli, pagbabago ng ispeling, akronim, at pag-uugnay sa pangalan ng tao o politika. Samantala, nakabuo
ang GenZers na ibang paraan sa pagbuo ng salita tulad ng pagpapalit ng salita sa salita, pagbabago ng kahulugan,
at pagbuo ng ekspresiyon. Masasabi na ang WikaGenZ ay isang varayti ng wika na maaaring makaimpluwensiya
sa baryasyon ng wikang Filipino sa Maynila. Magaganap lagi ang bagong anyo o transpormasiyon kung ito ay
patuloy na ginagamit at lumalaganap sa isinasagawang interaksiyon at transaksiyon ng GenZers.
Iminumungkahi na ipagpatuloy ang pag-aaral ng WikaGenZ tulad ng epekto nito sa pasulat na diskurso,
implikasyon nito sa tumatanggap ng mensahe na hindi nabibilang sa kanilang henerasyon, mga
transpormasiyong panlingguwistika na nabubuo sa wika ng GenZers at iba pang henerasyon tulad ng generation
alpha, mga pangkat o organisasyon.
WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas
International Journal of Research Studies in Education 49
5. Sanggunian
Alonzo, R. I. (2012). Baryasyon at varati ng wika. In J. M. Peregrino, P. C. Constantino, N. S. Ocampo, & J. D.
Petrsa (Eds.), Salindaw: varayti at baryasyon ng Filipino (pp. 40-58). Philippines: Sentro ng Wikang
Filipino.
Concepcion, G. P. (2012). Ang umuusbong na wika ng kabataang Filipino sa paglalaro ng DoTA. In J. M.
Peregrino, P. C. Constantino, N. S. Ocampo, & J. D. Petrsa (Eds.), Salindaw: Varayti at baryasyon ng
Filipino (pp. 176-181). Philippines: Sentro ng Wikang Filipino.
D’Angelo. (2017). Are Filipinos destroying the true meaning of Hokage? Retrieved from
https://www.otakucosplayph.com/2017/07/are-filipinos-destroying-true-meaning-hokage.html
Harris, Z. S. (1951). Review of Sapir 1949. Language, 27(3), 288-333. https://doi.org/10.2307/409757
Nuncio, E. M., Nuncio, R. V., Gragasin, J.M.D., Valenzuela, R.F., & Malabuyoc, V. A. (2014). Makabagong
Filipino sa nagbabagong panahon. Philippines: C & E Publishing, Inc.
Potter, S. (1975). Our language. Canada: Pinguin Book.
Pradianti, W. (2013). The use of slang words among junior high school students in everyday conversation: A
case study in the ninth grade students of a junior high school in Bandung). Journal UPI, 1(1), 87-98.
Salma, A. (2013). Gender influence on slang used by teenagers in their daily conversation at school. Passage,
1(2), 63-70.
Sandoval, M. A. S. (2012). Wika sa komnet, isang bagong rehistro ng wikang Filipino. In J. M. Peregrino, P. C.
Constantino, N. S. Ocampo, & J. D. Petrsa (Eds.), Salindaw: varayti at baryasyon ng Filipino (pp.
157-175). Philippines: Sentro ng Wikang Filipino.
Tablazon, C. (2015). The jejemon as symptom and slippage: Notes on issues of power and identity in media
literacy and (mass) communication. In A. T. Torres, L. L. Samson, & M. P. Diaz (Eds.), Filipino
generations in a changing landscape (271-276). Philippines: Philippine Social Science Council.
Trimastuti, W. (2017). An analysis of slang words used in social media. Jurnal Dimensi Pendidikan dan
Pembelajaran, 5, 64-68.
Wardhaugh, R. (2010). An introduction to sociolinguistics (6
th
ed.). UK: Wiley – Blackwell.
Yule, G. (2010). The study of language (4th ed.). UK: Cambridge University Press.
Zorc, R. D. (1990). Tagalog slang. Philippine Journal of Linguistics, 21, 72-82
Gime, A., & Macascas, C.
50 Consortia Academia Publishing
(A partner of Network of Professional Researchers and Educators)
... New words emerge in various forms-by reversing, shortening, altering spelling, and more. This demonstrates the creativity of Filipinos in manipulating sounds and words to create new expressions (Gime & Macascas, 2020). The creation of new words reflects the current culture of a group of people, as language evolves to keep up with trends. ...
... The data collection process involved a brief online survey wherein participants: (1) agreed to the Data Privacy Act of 2012; (2) registered their full names; (3) indicated their age; (4) checked words from the WikaGenZ list (Gime & Macascas, 2020) that they have heard, used, or recognized as currently relevant; and (5) listed up to twenty (20) additional words or phrases they have recently used, seen, or heard. These words WikaGenZ 2: The development of language among Filipino youth ...
... Natuklasan din ito ni Noval (2020) na kung saan siya ay nakapagtala ng mga salitang sumailalim sa proseso ng pagbabaligtad gaya ng erpat, werpa, abab, nosi, petmalu, bayu, imal at yeko ar. Ang pagbabaligtad ay tumutukoy sa mga salitang binaligtad ang posisyon ng mga pantig upang makalikha ng isa pang salita nang hindi nagbabago ang kahulugan ng salita (Gime at Macascas, 2020). Tumutukoy rin ito sa mga salitang binabasa nang baligtad at nagbabago ang kahulugan (Irma, Merina, at Theresia, 2018). ...
Article
Full-text available
This study examined Generation Z words and their meaning used by the junior high school students enrolled in Science, Technology, and Engineering (STE) program of Capiz in three National High School in the Schools Division of Capiz, Philippines for school year 2022-2023. This study employed a mixed methods approach to investigate Generation Z language among 260 students in Grades 7-10. Data were collected through questionnaires, checklists, interviews, and a legend of morphological processes. The study identified 326 Generation Z words and 14 morphological processes, with combination/multiple processes and borrowing being the most frequent. Thematic analysis revealed that students use Generation Z language as a way of expressing one’s emotions and thoughts, styles of personal expression, ways of communication, interaction, and a sense of belongingness, meaningful usage based on a situation, context, and to someone talking with, as influenced by their friends, it gives a feeling of being part of the group and has its positive use. The findings suggest that Generation Z language is influenced by peer groups and serves as a positive social marker.
... Ito rin ay isang impormal na wika na ginagamit sa karaniwang pakikipagkomunikasyon (Gime & Mascacas, 2020). 7 Dagdag pa ni Trimastuti (2017; Gime, 2020) ...
... Halimbawa: / singlot/ = /lasing/ / hindi = / deins/ Sa unang halimbawa makikita na napalitan ng ponemang /o/ ang ponemang /a/ at nadagdagan ng ponemang /t/, samantala sa ikalawang halimbawa ay tatlo ang naganap na pagbabagong morpoponemiko. Sa pag-aaral nina Macascas at Gime (2020), tinukoy nila na ang pagbabagong morpoponemiko ng mga slang na salita ay kadalasang nagpapalitan ang mga titik sa loob ng salita na bahagi ng metatesis. ...
Article
Full-text available
Kabahagi ng wika ang nananaig na kultura ng isang lipunan. Dekada sitenta (70s) nang umiral ang mga salitang erap at nosibalasi. Sa panahon ng Henerasyon Z ay muli itong nagbalik dahil sa milenyal na salita, hugot lines at koda ng teknolohiya na naging bahagi na ng komunikasyon. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay makabuo ng glosaryo ng mga salitang tadbaliks sa Filipino. Gamit ang debelopmental na pamamaraan, ang mga mananaliksik ay lumikom ng salitang tadbaliks sa Facebook na ginagamit ng mga piling mag-aaral sa hayskul. Sinuri ang anyo at binigyang kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng usapang naitala. Mula rito, nakabuo ng isang glosaryo ng mga tadbaliks sa Facebook. Pinatunayan na sa pagbuo ng glosaryo, ang pagbibigay ng kahulugan sa mga tadbaliks na salita ay mahalagang nakabatay sa konteksto ng social media at mga taong gumagamit nito. Iminumungkahi na gamitin bilang sanggunian ang binuong glosaryo sa pagtuturo ng aralin sa Filipino at mga kaugnay na disiplina.
... Halimbawa: / singlot/ = /lasing/ / hindi = / deins/ Sa unang halimbawa makikita na napalitan ng ponemang /o/ ang ponemang /a/ at nadagdagan ng ponemang /t/, samantala sa ikalawang halimbawa ay tatlo ang naganap na pagbabagong morpoponemiko. Sa pag-aaral nina Macascas at Gime (2020), tinukoy nila na ang pagbabagong morpoponemiko ng mga slang na salita ay kadalasang nagpapalitan ang mga titik sa loob ng salita na bahagi ng metatesis. ...
Article
Full-text available
This research investigated the reasons that led school-aged children in Quezon province to leave school early. It utilized qualitative case study method. The researcher recruited four early school leavers and their parents to participate through snowball sampling technique. The data were gathered through semi-structured interviews and video recordings where transcribed data were subjected to thematic analysis to classify emerging reasons and results of early school leaving. Findings revealed that satisfaction from work and money, failure to understand English language, and children's reactions to derogatory actions and remarks influenced school-aged children to quit schooling. Consequently, the participants experienced negative consequences such as unstable jobs and feelings of regret. Hence, interplay of diverse reasons led students' decision to quit school. However, further local studies must be endeavoured to triangulate statistical reports in mitigating undocumented causes of early school leaving.
Preprint
Hindi mabubuo ang tinurang “pagkataong Pilipino” kung hindi mabibigyan ng diskurso ang mga genitalia (butò/penis/phallus at puki). Bagaman sa kasalukuyan nitong estado, posibleng itinuturing ng ilan, bilang “bulgar” at “bastos” ang anomang may kinalaman dito, ngunit naging mayaman at maunlad ang kahulugan nito sa pagdaan ng panahon. Nilalayon ng pag-aaral na tingnan ang larangang semantiko ng butò (*butuq) at iba pang kaugnay na termino nito sa bokabularyo ng Austronesyano hanggang sa kalaganapan ng “titi” na kagyat dumaan sa mas kompleks at/o nagsasanga-sangang katawagan. Tila sa kabila ng lumalawak at/o umuunlad na bokabularyong may kinalaman sa genitalia, siya ring hindi nabibigyan ng isang malalimang pagsusuri at pag-uugnay. Ang pag-aaral ay inaasahang magiging kontribusyon sa kambal na pagpapahalaga sa lingguwistika sa unang banda at kultural na salik ng somatikong lipunan sa kabilang dako.
Article
Full-text available
This study explored and analyzed the current terminologies used by Senior High School students and its implication for the trends of popular culture. It has been found that Senior High School students tend to commonly use the trending terminologies in their daily communication with peers. Popular culture stimulates the students to use trending terms in their casual conversation to be more expressive and creative in their communication. These existing terminologies are rampant in different online platforms, particularly in TikTok where most of the students spent their screen time. It is also found that popular culture influenced the existence of current terminologies used by students in terms of Social Media, Online Games, and Clothing. The gathered trending terminologies revealed the common structure in language patterns using acronyms, back-formation, combination, and syllable change. Determining its word origin and providing a contextual definition. Furthermore, this study analyzed the effect of popular culture on the language usage and self-expression of the students. In conclusion, further study of new terminologies influenced by popular culture and their impact on education must be broadened to develop new teaching strategies suitable for the student's learning capacity and the contextualized teaching-learning process.
Article
Full-text available
Ang komnet bilang isang birtuwal na komunidad sa mundo ng internet ay nagluwal ng isang varayti ng Filipino na tinawag na eFil. Sa pag-aaral, natuklasan na umiiral ang Filipino sa iba’t ibang komnet tulad ng blog, forum, at chat na may mga tiyak na katangian sa aspektong pisikal, katakdaan, interaksyon, pananatili, at gramatika kung saan nakita ang pagsasanib ng mga katangiang oral at pasulat ng eFil.
Article
Human needs a means of communication to fulfill their social needs. To support communication easier, electronic media is used, such as television, radio, telephone, and handphone. Electronic media provide information can be understood more easily and instanly. The development of era has been influence in communication and interaction way. In this case, language which be used also influenced. Nowadays, many of slang word used in communication. Slang is a language variety which are informal which used to communication more easily and instanly in social group.The objectives of research is to inform about slang word (in this case ‘alay language’) which complicated with standard of Indonesia language. Therefore, the use of alay language is worried because it has many errors in Indonesia language. And, it can damage the standard of Indonesia language. The method used in this research is qualitative method, writer select descriptive techniques to analyze the data. Data obtained came from BlacBerry messenger, twitter, instragram, path, line and facebook. To colect data, writer used the method of observation. The writer found that in Alay ‘Alay’ is one of slang language that used in talk between teenagers. It can be understood by certain group particularly group who use ‘alay’ language. ‘Alay’ language for communication has many errors in Bahasa Indonesia. Alay language in social media can be minimized in order to avoid misunderstanding in delivering message.Key Words: communication, ‘slang’ language, alay, social media
Baryasyon at varati ng wika
  • R I Alonzo
Alonzo, R. I. (2012). Baryasyon at varati ng wika. In J. M. Peregrino, P. C. Constantino, N. S. Ocampo, & J. D. Petrsa (Eds.), Salindaw: varayti at baryasyon ng Filipino (pp. 40-58). Philippines: Sentro ng Wikang Filipino.
Ang umuusbong na wika ng kabataang Filipino sa paglalaro ng DoTA
  • G P Concepcion
Concepcion, G. P. (2012). Ang umuusbong na wika ng kabataang Filipino sa paglalaro ng DoTA. In J. M. Peregrino, P. C. Constantino, N. S. Ocampo, & J. D. Petrsa (Eds.), Salindaw: Varayti at baryasyon ng Filipino (pp. 176-181). Philippines: Sentro ng Wikang Filipino.
Makabagong Filipino sa nagbabagong panahon
  • E M Nuncio
  • R V Nuncio
  • J M D Gragasin
  • R F Valenzuela
  • V A Malabuyoc
Nuncio, E. M., Nuncio, R. V., Gragasin, J.M.D., Valenzuela, R.F., & Malabuyoc, V. A. (2014). Makabagong Filipino sa nagbabagong panahon. Philippines: C & E Publishing, Inc. Potter, S. (1975). Our language. Canada: Pinguin Book.
The use of slang words among junior high school students in everyday conversation: A case study in the ninth grade students of a junior high school in Bandung)
  • W Pradianti
Pradianti, W. (2013). The use of slang words among junior high school students in everyday conversation: A case study in the ninth grade students of a junior high school in Bandung). Journal UPI, 1(1), 87-98.
Gender influence on slang used by teenagers in their daily conversation at school
  • A Salma
Salma, A. (2013). Gender influence on slang used by teenagers in their daily conversation at school. Passage, 1(2), 63-70.
The jejemon as symptom and slippage: Notes on issues of power and identity in media literacy and (mass) communication
  • C Tablazon
Tablazon, C. (2015). The jejemon as symptom and slippage: Notes on issues of power and identity in media literacy and (mass) communication. In A. T. Torres, L. L. Samson, & M. P. Diaz (Eds.), Filipino generations in a changing landscape (271-276). Philippines: Philippine Social Science Council.