ArticlePDF Available

Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA: Internal na Kwento, Mga Susing Argumento at Dokumento (2014-2017)

Article

Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA: Internal na Kwento, Mga Susing Argumento at Dokumento (2014-2017)

Abstract

Ang papel na ito ay panimulang pagsasalaysay ng ilang inside story kaugnay ng pagtatatag ng Tanggol Wika – ang alyansang nanguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan), grupong nagtataguyod ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul – at paglalatag ng mga susing argumento at mga dokumento kaugnay nito.
Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA:
Internal na Kwento, Mga Susing Argumento at Dokumento (2014-2017)
David Michael M. San Juan
Convenor, Tanggol Wika
Associate Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila
Ang papel na ito ay panimulang pagsasalaysay ng ilang inside story kaugnay ng pagtatatag ng
Tanggol Wika ang alyansang nanguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher
Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo
at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan),
grupong nagtataguyod ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine
History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul at paglalatag ng mga susing argumento at mga dokumento
kaugnay nito.
~~~
Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014
sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan,
kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa
nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr.
Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay
kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012.
Noong 2011 pa ay kumakalat na ang plano ng gobyerno kaugnay ng
pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo, bagamat wala pang inilalabas na opisyal
na dokumento sa panahong iyon, gaya ng inilahad sa isang saliksik na iprinisenta sa
2nd DLSU International Education Congress (San Juan, 2011): As per popular
speculations in the academic community (based on the researcher’s actual
conversations with tertiary level teachers from at least 6 universities in Metro Manila),
the General Education Curriculum (GEC) will be trimmed down at the tertiary level.
Purportedly, some (if not all) of the GEC subjects will be absorbed by the two-year
senior high school curriculum. Unfortunately, there’s no way to immediately verify the
veracity of such speculations due to the dearth of publicly available materials regarding
how DepEd intends to implement K to 12 on a piece-meal basis, another proof that this
current education reform is a haphazard ‘top-down’ imposition rather than a well-thought
product of consensus among stakeholders in the education sector. Nevertheless, it is
safe to assume that the speculations are partly valid, considering that the current K to
12 scheme intends to offer English, Science, Mathematics, Filipino and Contemporary
Issues as the core learning areas’ in senior high school (Grades 11 and 12) so that
after graduation, students are already prepared for employment, entrepreneurship, or
middle-level skills development and can thus lead successful lives even if they do not
pursue higher studies’ (Senate Briefer, 2011). If the GEC subjects will be the “core
learning areas” of senior high school, it is possible that the GEC in the university might
be trimmed down, or at worst, abolished.”
Lagpas isang taon naman bago ang asembliya ng pagtatatag ng Tanggol Wika,
noong Oktubre 3, 2012 ay sinimulan ng may-akda ang pagpapalaganap ng isang
petisyon na may ganitong layunin: urging the Commission on Higher Education
(CHED) and the Department of Education (DepEd) to consider issuing an immediate
moratorium on the implementation of the senior high school/junior college and Revised
General Education Curriculum (RGEC) components of the K to 12 Program which might
cause the downsizing or even abolition of the Filipino departments in a number of
universities (other departments would surely be downsized too).” Ang batayan ng
gayong pangamba sa posibleng pagpapaliit o paglusaw sa mga Departamento ng
Filipino sa mga unibersidad ay ang kawalan ng asignaturang Filipino sa bagong
Revised General Education Curriculum (RGEC) para sa antas tersyarya na nasa
presentasyon ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M. C. Umali, Esq. na may petsang
August 29, 2012).
Naka-angkla sa mga sumusunod na batayan ang pagtutol ng nasabing petisyon
sa noo’y napipinto pa lamang na implementasyon ng K to 12: a sound and
comprehensive general education that includes socially-relevant subjects such
as...national language studies is important at the university level as observed from the
educational practices in highly-developed countries...any drastic curricular change must
be sought not merely to cope up with global standards but more importantly to produce
holistically-educated citizens who would contribute much to nation-building a goal
which the K to 12 seemingly fails to address, as it in fact dilutes, denigrates, even
obliterates subjects that contribute to the achievement of the aforementioned noble and
constitutionally-mandated pedagogical objective...a drastic educational reform like the
implementation of the K to 12 Program needs to be discussed more comprehensively
and broadly, as required by the pluralistic and democratic context of our country.”
Sa paglaganap ng usap-usapan na tatanggalin na sa bagong kurikulum ng
kolehiyo ang Filipino at Panitikan at iba pang asignatura sa kolehiyo, binanggit ng ilang
administrador sa ibang unibersidad ang posibilidad na lusawin o kaya’y i-merge sa
ibang departamento ang Departamento ng Filipino. Bilang tugon sa mga gayong plano,
noong Disyembre 7, 2012 ay inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang
Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculumna may pamagat na “Isulong ang
Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng
Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na
Antas.” Ang may-akda ng nasabing posisyong papel ay si Prop. Ramilito Correa, ang
noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU.
Noon pa man ay binibigyang-diin na ng mga maka-K to 12 na babawasan ang
mga asignatura sa kolehiyo at ililipat ang mga ito sa senior high school. Gayunman, tila
pangunahing target ng mga maka-K to 12 ang Filipino sapagkat isang asignaturang
Filipino subject (Retorika) lamang ang nakatala sa listahan ng mga asignatura sa senior
high school na nasa "K TO 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators,
School Administrators, and Teachers (2012)" na inilabas ng SEAMEO-INNOTECH at
may imprimatur ng Departamento ng Edukasyon gaya ng pinatutunayan ng panimulang
mensahe roon ng noo’y kalihim ng DepEd na si Br. Armin Luistro, FSC. Sa nasabi ring
dokumento ay optional lamang ang asignaturang Filipino for Specific Purposes, habang
bukod sa asignaturang English na Oral Communication ay mayroon pang required na
Philippine Literature at World Literature, bukod pa sa optional na English for Specific
Purposes.
Pinagtibay naman ng humigit-kumulang 200 guro na delegado sa isang
Pambansang Kongreso ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang
Filipino (PSLLF) na pinangunguluhan noon ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor sa
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Mayo 31, 2013 ang isang resolusyon na
tungkol sa “PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG
ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA(inilakip ng PSLLF sa isang posisyong papel
na isinumite sa CHED noong 2014). Ang resolusyon na ito na pangunahing inakda ni
Dr. Lakandupil Garcia (noo’y isa sa mga opisyal ng PSLLF) ay ekspresyon ng
kolektibong reaksyon ng mga guro sa patuloy na pagkalat ng balita na wala na sa
bagong kurikulum ng kolehiyo, na noon ay inihahanda pa lamang ng CHED, ang
asignaturang Filipino. Pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang paggigiit ng
mga guro na hindi dapat patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat: “sa
antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa
pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang
pangmadla at kaalamang pangmidya.” Noong Hunyo 28, 2013 lamang inilabas ng
CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong
kurikulum sa antas tersarya sa ilalim ng K to 12: “Understanding the Self; Readings in
Philippine History; The Contemporary World; Mathematics in the Modern World;
Purporsive Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics.”
Ang dating balita ay kumpirmado na: walang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa
ilalim ng K to 12, kumpara sa 6 hanggang 9 na yunit ng asignaturang Filipino, alinsunod
sa CMO No. 04, Series of 1997, bukod pa sa dati-rati’y 3-6 yunit ng Panitikan. Sa
Seksyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013 ay naging opsyonal na lamang din ang
Filipino bilang midyum sa pagtuturo, mula sa dating pagiging mandatoring wikang
panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996. Bandang 2014 na nang
magkaroon ng kopya ng CMO No. 20, Series of 2013 ang marami-raming propesor ng
Filipino at Panitikan.
Sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas (kapwa mula sa
DLSU) ay gumawa ang may-akda ng panibagong liham-petisyon na naka-address sa
CHED at may petsang Marso 3, 2014. Kinausap namin nina Prop. Jonathan Geronimo
at Prop. Crizel Sicat-De Laza ng University of Santo Tomas (UST) ang mga kaibigan at
kakilalang guro mula sa iba’t ibang unibersidad gaya ng UST, University of the
Philippines-Diliman (UPD) at University of the Philippines-Manila (UPM), Ateneo de
Manila University (ADMU), Philippine Normal University (PNU), San Beda College-
Manila (SBC), Polytechnic University of the Philippines-Manila (PUP), National
Teachers College (NTC), Miriam College (MC) atbp., at mga samahang pangwika gaya
ng PSLLF, Pambansang Asosasyon ng Mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), at
Sanggunian sa Filipino (SANGFIL). Humigit kumulang 200 pirma ang agad na natipon.
Dinala namin ni Prop. Sicat-De Laza sa CHED ang nasabing liham-petisyon. Hindi
inaksyunan ni tinugunan ng CHED ang nasabing petisyon, bagamat sa mga diyalogo
magaganap malaon ay binanggit nila na pinag-usapan nila sa mga internal na miting ng
CHED ang nasabing liham-petisyon.
Pinagtibay naman noong Mayo 23, 2014, ng National Commission on Culture
and the Arts-National Committee on Language and Translation/NCCA-NCLT ang isang
resolusyon na “HUMIHILING SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), AT
KONGRESO AT SENADO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, NA AGARANG
MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG ISAMA SA BAGONG GENERAL
EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS TERSIYARYA ANG MANDATORY NA
9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO na nagsasaad na: “...puspusan lamang
masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal
na komunikasyon, at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon kung
mananatili sa antas tersyarya ang asignaturang Filipino...” Ang pinagtibay na
resolusyon ay mas maikli at mas malabnaw kaysa sa borador na inihanda ng may-
akda. Ang gayong pagpapaikli ay repleksyon ng pagkakaiba sa perspektiba ng mga
kinatawan ng KWF at ng mga kinatawan ng mga samahang pangwika sa NCLT.
Halimbawa, ang mga linyang ito na nasa borador na resolusyon ay wala na sa
pinagtibay na resolusyon: “...ang nasyonalistang perspektiba ng mga estudyante na
hihikayat sa kanilang maglingkod sa sariling bayan sa halip na mangibang-bayan ay
lalong malilinang sa pamamagitan ng pagkikintal ng kahalagahan ng sariling identidad
at sariling kultura ng bansa na sinasalamin ng wikang nagbubuklod sa madla, ang
wikang Filipino...” Anu’t anuman, naging titis ng malawakang media coverage ang
resolusyon ng NCLT. Noong Hunyo 20, 2014 ay inilabas naman ng KWF ang
KAPASIYAHAN NG KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG
2014...NA NAGLILINAW SA TINDIG NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF)
HINGGIL SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED) MEMORANDUM BLG.
20, S. 2013.” Iginigiit ng nasabing kapasiyahan ng KWF pagtuturo ng siyam (9) na
yunit sa Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas
sekundarya, kundi naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang
disiplinana pagkilala sa Filipino bilang pintungan ng karunungan at hindi lamang
daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektuwalisasyon ng
Filipino” at pagtitiyak na kalahati o apat (4) sa panukalang Core Courses, bukod sa
kursong Rizal, na nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20, s. 2013 ay ituro gamit ang
Wikang Filipino.” Sa kabila ng hindi gaanong malinaw na pormulasyon (halimbawa, sa
pariralang “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino...” higit na naging
malinaw sana na pagtuturo ng asignaturang Filipino ang tinutukoy kung sa halip na “sa”
ay “ng” ang ginamit), malinaw ang kabuuang layunin ng resolusyon ng KWF:
suportahan ang panawagan ng mga samahang pangwika hinggil sa pagbuhay ng mga
asignaturang Filipino sa kolehiyo at paggamit din ng Filipino bilang wikang panturo sa
iba pang asignatura.
Noong Hunyo 2, 2014, sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay
nakipagdiyalogo kami sa 2 komisyuner ng CHED na personal niyang kakilala. Kalahok
sa diyalogo kina CHED Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista
ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque State University.
Napagkasunduan sa diyalogo na muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal
na i-reconvene ang Technical Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang
General Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na
naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya. Agad naming
ipinadala ang gayong liham sa CHED noong Hunyo 16, 2014. Bilang paghahanda sa
pulong sa CHED na aming hinihiling, bilang tugon sa CMO No. 20, Series of 2013, at
simbolo ng kolektibong paglaban dito ang mga gurong apektado nito, Tanggol Wika
noong Hunyo 21, 2014. Samakatwid, pagsasalubong ng iba’t ibang inisyatiba ang
pagbubuo ng Tanggol Wika. Si Dr. Rowell Madula, vice-chair noon ng Departamento ng
Filipino ng DLSU at pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Private Schools
ang nakaisip ng pangalan ng alyansa. Malaki ang papel na ginampanan ng ACT sa
mabilis na pagpapalawak ng Tanggol Wika sa akademya at lagpas pa. Mula noong
maitatag ang Tanggol Wika, naglabas na rin ng kanya-kanyang posisyong papel laban
sa CMO No. 20, Series of 2013 ang mga Departamento ng Filipino at/o Panitikan sa
iba’t ibang unibersidad gaya ng UPD, PUP, PNU, ADMU, NTC, Mindanao State
University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), Xavier University (XU) at marami
pang iba.
Noong Hulyo 4, 2014 ay nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa
demand ng Tanggol Wika. Narito ang personal kong tala hinggil sa nasabing
konsultasyon na sinulat pag-uwi mula roon: “...Ala una ng hapon ang simula ng
konsultasyon para sa Regions 1-5 at CAR. Kalagitnaan na nang dumating ako. Marami
kaming taga-NCR na nakisit-in na rin doon. Tiniis kong di magsalita dahil nakapagsalita
naman sina Crizel at Jonathan ng UST, sina Sir Marvin at Romeo ng PUP, at marami
pang ibang kapanalig. Mahusay nilang nailatag ang mga batayan ng ating paggigiit na
magkaroon pa rin ng Filipino. Samantala, nakaiinis at nakakadismaya ang ilang mga
naroon na anti-Filipino. Mayroong nagsabing di na raw dapat ang Filipino at Ingles na
lamang daw dahil iyon na lang daw ang advantage natin sa ibang ASEAN countries.
May nagsabi pang duplication daw kapag may Filipino pa sa college dahil meron na sa
elem at high school. Meron ding nagsasabing ang Filipino raw ay Tagalog lang kaya
dapat di na ituro. Fascist daw ang CHED kapag ipinilit ang Filipino. May misreading din
ang mga rehiyonalista sa Konstitusyon: isinasangkalan nila ang academic freedom at
pagiging auxiliary medium of instruction ng mga wikang rehiyonal para sabihing wag
nang ituro ang asignaturang Filipino. Sa pangkalahatan, maka-Filipino ang mayorya.
Iilan lang ang estupido at misguided. Ang delikado lang, marami sa anti-Filipino ay
administrador ng mga paaralan. Ayon sa ipinamigay na papel ng CHED, ang mga
administrador ng mga paaralan ang magpapadala ng liham sa kanila ngayong Hulyo 31
para iulat ang resulta ng echoing ng consultation sa bawat paaralan. Biased versus
Filipino ang maraming administrador na nagsalita sa Ingles na fractured pa minsan,
kaya baka pangibabawan nila ang kanilang mga subordinate. Anu't anuman, hamon sa
ating lahat na konsolidahin ang ating hanay para maigiit sa mga administrador na
gamiting medium ang Filipino at ituro rin ito bilang asignatura. Ok ang konsultasyon
dahil isinama sa konsultasyon ang tungkol sa pagtuturo ng Filipino bilang required na
asignatura. Ang mga nakahapag na options sa pagiging subject nito: best case scenario
- 9 units ng Filipino subjects (tindig ito ng PSLLF, KWF, NCCA-NCLT, PNU atbp.; 12
ang sa PUP); worst case scenario - zero units (tindig ng ilang estupido at misguided na
anti-Filipino). Sa pagiging medium naman ng wikang Filipino, narito ang scenarios na
inihapag: best case - Rizal plus 12 units ng mga asignatura sa bagong General
Education Curriculum ay sa Filipino ituturo; worse case scenario: iwan sa mga paaralan
ang desisyon sa kung anong wika ang gagamiting panturo. Bandang alas tres ang
schedule ng konsultasyon para sa NCR. Halos mga ganoon din ang takbo ng usapan.
Malaking porsyento ng oras ang nilamon ng pluralistang anti-Filipinong tindig ng
rehiyonalista at pseudo-nativist na half-American, half-Canadian na ang gusto lang
sabihin ay sabay-sabay at pantay-pantay na idevelop ang Filipino at regional
languages. Isinasabong niya ang Filipino sa iba pang wika. Hindi niya gets na bata pa
ang wikang pambansa ng Pilipinas, at iyon ay dahil sa mahabang panahon ng
kolonyalismo at neokolonyalismo. Sabi nga ng isang taga-PUP, ang wikang pambansa,
ang wikang Filipino ang unifier ng Pilipinas pagkatapos ng panahon ng kolonyalismo.
Sangkap ito sa pagbubuo at pagpapatibay ng bansa. Lingua franca ito ng lahat ng
grupo sa Pilipinas. Samakatwid, primus inter pares ito: nangunguna sa magkakapantay.
Nakapagsalita naman ako pero pinutol din ng presiding officer. Samantala, pinabayaan
lamang nila si Dr. Jose Abueva na magsalita nang magsalita. Maganda ang
napakahabang intro ni Dr. Abueva: ipinaalala niya na siya ang nagpasimula ng
malawakang Filipinisasyon sa UP. Sa kasamaang-palad, sa bandang dulo, sinabi
niyang di na dapat ituro sa kolehiyo ang Filipino. Post scriptum: epekto ng pag-iingay
nating lahat ang konsultasyong ito. Kumbaga, kung hindi tayo umaray, di nila
mararamdamang may mali sa mga nangyayari. Sa Pilipinas, iyan ang masaklap na
realidad: kailangang igiit pa lagi ang dapat, ang makatwiran. Malaki rin ang papel ng
media sa pangangalampag sa mga awtoridad. Telebisyon pa rin sa ngayon ang
pinakamakapangyarihang media dahil mula nang ibalita ang isyu sa telebisyon,
lumaganap ang talakayan hinggil dito mula umpukan hanggang sa social media.
Mahusay na amplifier at pangsustine ng kampanya at kasangkapan din sa pag-
oorganisa ang social media. Dalawang araw lang ay naka-2k likes na halos ang
Tanggol Wika page. Napakabilis din ng diseminasyon ng impormasyon doon, pero
walang substitute sa aktwal na talakayan at networking. Malalakas ang kalaban at
walang tunay na demokrasya sa konteksto ng gobyerno, di gumagana ang mga
mekanismo, kaya dapat lumabas sa kahong iyon ang madla. Maraming policymaker
ang antidemocratic at averse sa bottom-up democratization. may mali sa top-down na
estilo ng CHED ng pagbibigay ng imbitasyon. Mas marami ang nakabalita sa aktibidad
sa pamamagitan ng www.facebook.com/TANGGOLWIKA kaysa sa nakatanggap ng fax
ng CHED. Mabuti at pinapasok naman nila lahat ng dumating. Samantala, mali rin
bagamat positibo sa isang banda, na isinama sa konsultasyon ang tungkol sa
asignaturang Filipino, kahit na di nila isinama iyon sa memo-imbitasyon. Para tuloy
itinago ang tunay na agenda ng konsultasyon para kakaunti ang pumunta? Kailangang
idemokratisa ang proseso, na siyempre pa'y nakasalalay sa demokratisasyon ng
Pilipinas, ng lipunan. Sabay na war of position at war of manuever. Sabay na
propagandang anti-sistema habang nagtatrabaho sa loob nito para ilantad ang
kabulukan, magkamit ng kaunting kakayaning reporma o kaya'y kumuha ng konsesyon
sa sistema, habang sa pangmatagalan ay naghahanda at nag-aambag din sa pagbuo
ng pangarap nating lipunan na hindi na ituturing na disposable diapers ang wikang
pambansa at mga gurong nagtuturo nito. Sa madaling sabi, A LUTA CONTINUA!
TULOY ANG LABAN!
Nakatulong nang malaki sa mabilis na pagsulong at popularisasyon ng
pakikibaka ng Tanggol Wika ang maagap na media reports hinggil sa isyung ito, gaya
ng ulat ni Mark Angeles (2014) at Amanda Fernandez (2014) para sa GMA News
Online, ni Steve Dailisan (2014) para sa State of the Nation, ni Jee Geronimo (2014) sa
Rappler.com at ni Anne Marxze Umil (2017) para sa bulatlat.com, na sinundan pa ng
mas maraming ulat mula sa iba pang media outfit. Malaking tulong din ang mga
dokumentaryong inilabas ng mga guro mula sa UPD gaya ng “Sulong Wikang Filipino”
(panayam kay Dr. Bienvenido Lumbera) at Sulong Wikang Filipino: Edukasyong
Pilipino, Para Kanino?na kapwa inupload sa YouTube noong Agosto 2014, gayundin
ang Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansana inilabas
naman noong Setyembre 2016.
Mula 2014 hanggang kasalukuyan, sunud-sunod ang mga forum at asembliya,
diyalogo at kilos-protesta ng Tanggol Wika sa buong bansa para ipaliwanag at
ipalaganap ang mga adbokasiya nito, ngunit nagbingi-bingihan lamang ang CHED.
Noong Abril 15, 2015 ay nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa
pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio,
Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at
mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty.
Maneeka Sarzan (abogado ng ACT Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (abogado
ng ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon. Ang 45-pahinang
petisyon ay nakasulat sa Filipino (ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang
pambansa) at opisyal na nakatala bilang G.R. No. 217451 (Dr. Bienvenido Lumbera,
Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at
Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on
Higher Education [CHED] Dr. Patricia Licuanan). Nakapokus ang nasabing petisyon sa
paglabag ng CMO No. 20, Series of 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon gaya ng
Artikulo XIV, Seksyon 6; Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18; Artikulo XIV, Seksyon 3;
Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3 Artikulo II, Seksyon 18; at
Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987, at sa mga batas gaya ng Batas
Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the
Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions,
and For Other Purposes”), Batas Pambansa Bilang 232 o “Education Act of 1982, at
Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the
Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and for Other
Purposes.”
Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng
Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary
restraining order (TRO) na may petsang Abril 21, 2015. Kinatigan at ibinuod ng Korte
Suprema ang mga argumento ng Tanggol Wika sa pamamagitan ng talatang ito: They
contend that the Constitution expressly states that the Filipino is the national language
of the Philippines. The State must lead and sustain its usage as the medium of official
communication and as the language of instruction in the educational system. This holds
true without distinction as to education level. Hence, "Filipino" as our language deserves
a place of ·honor and usage in the educational system, froin pre-school to higher
education. For petitioners, rendering the usage of the Filipino language as a medium of
instruction in schools as merely discretionary is a direct violation of the constitutional
protection afforded to "Filipino." In the same vein, the deletion of "Panitikan'' (literature)
and "Philippine Government and Constitution” as subjects in CMO No. 20 reflects its
non-compliance with the State policies to preserve not only the teaching of literature as
a part of cultural heritage but to the very constitutional mandate to instill nationalism and
patriotism in all levels of education. Worse, the deletion of the said subjects in the new
curriculum would cause unemployment for more or less 78,000 teachers and
employees in educational institutions. To date, the CHED has offered neither a plan nor
a mechanism to cushion the blow of sudden unemployment in the education sector.
Finally, CMO No. 20 likewise violates several statutory acts, namely: Republic Act No.
7104 (Commission on the Filipino Language Act); Batas Pambansa Bilang 232
(Education Act of 1982); and Republic Act No. 7356 (An Act Creating the National
Commission for Culture and the Arts). Ang nasabing TRO ay effective immediately
and continuing until further orders.” Sa press release ng Tanggol Wika kaugnay ng
tagumpay na ito ay hinikayat nito ang na tuluy-tuloy na suriin ang “other aspects of the
K to 12 program, and help align current educational reforms to the country’s needs and
the Filipino people’s welfare, so as to further contribute to the country’s historical anti-
neocolonial and anti-imperialist struggle in the arena of culture and education” (Ayroso,
2015). Kaugnay nito, tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na
organisasyong Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan)
na naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Philippine History
sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay wala nang required na Philippine History subject)
noong Setyembre 23, 2016 sa isang forum sa PUP, at ng mas malawak na pormasyong
Kilos Na Para sa Makabayang Edukasyon (KMEd) na itinatag naman noong Agosto 25,
2017 sa PUP din. Masasabing PUP ang pinakamalakas at pinakamaaasahang balwarte
ng Tanggol Wika, lalo na sa pagsasagawa ng mga malakihang asembliya at kilos-
protesta, dahil na rin sa sigasig ng Departamento ng Filipinolohiya ng PUP na
pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai. Mahalaga rin ang papel ng Departamento ng
Filipino ng DLSU sa pamumuno ni Dr. Ernesto Carandang II, sa pagbibigay ng malalaki
at libreng venue para sa mga asembliya at forum ng Tanggol Wika.
Habang isinusulat ang sanaysay na ito (huling linggo ng Agosto 2017) ay
natanggap ng Tanggol Wika ang isang “manifestation and motion” sa Korte Suprema ng
Office of the Solicitor General na may petsang Agosto 9, 2017. Mahigit dalawang taon
na nagpanggap lamang ang CHED na ipinatutupad ang TRO ng Korte Suprema sa
pamamagitan ng paglalabas ng mga maliligoy at malalabong dokumento gaya ng isang
memorandum ng tagapangulo ng CHED (may petsang Hulyo 18, 2016 at may paksang
Clarification on the Implementation of CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series
of 2013 Entitled “General Education Curriculum; Holistic Understandings, Intellectual
and Civic Competencies”), CMO No, 57, Series of 2017, at isa pang memorandum ng
tagapangulo ng CHED (may petsang Hulyo 11, 2017 at may paksang Clarification on
the Offering of Filipino at Panitikan Courses in All Higher Education Programs), at na ni
hindi naman nila gaanong ipinalalaganap. Katunayan, as of this writing, maraming ulat
na natatanggap ang Tanggol Wika hinggil sa pahayag ng mga administrador sa ibat
ibang unibersidad sa buong bansa na wala silang natanggap na kopya ng CMO No. 57,
Series of 2017 at hindi rin ito naka-upload sa website ng CHED (bagamat kasama ito sa
mga attachment sa manifestation and motion sa Korte Suprema ng Office of the
Solicitor General). Mahigit dalawang taon pagkatapos tulugan ng gobyerno ang
implementasyon ng TRO sa pagpatay sa Filipino at Panitikan ay narito’t biglang gusto
nilang ipa-LIFT ang TRO at ipa-DISMISS ang petisyon ng Tanggol Wika. Manalo o
matalo man sa huli ang Tanggol Wika sa labang ito, mainam nang mairehistro pa rin sa
mga pahina ng kasaysayan ang mga susing argumento ng Tanggol Wika para sa
pagkakaroon ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
ARGUMENTO 1: WALANG MAKABULUHANG ARGUMENTO ANG MGA ANTI-
FILIPINO ANG KAMPONG TANGGAL WIKA SA PAGPAPATANGGAL NG
FILIPINO AT PANITIKAN
Katunayan, sa akademya, mabibilang sa daliri ang nasa kampo ng Tanggal
Wika. Nariyan ang (balintunang) isang dating presidente ng KAGURO SA FILIPINO,
Kapisanan ng mga Guro sa Filipinona nagtapos ng PhD in Philippine Studies sa UPD,
at nag-aplay sa permanent residency sa Estados Unidos (c. 2004), at kasalukuyang
associate professor at koordineytor ng programa sa wika at literatura ng isa sa mga
pangunahing wika ng Pilipinas sa University of Hawaii in Manoa. Nariyan ang isang
naging post-doctoral fellow sa Center for Southeast Asian Studies, Kyoto University at
nag-PhD sa University of Melbourne, na ngayo’y (balintunang) nagtuturo sa
Departamento ng Kasaysayan ng DLSU (ang departamento na humahawak ng subject
na KASPIL o Kasaysayan ng Pilipinas, asignaturang madalas mapagkamalang Filipino
subject ng mga estudyante ng DLSU dahil na rin sa halos lahat ng nasa
departamentong iyon ay Filipino ang default language sa pagtuturo at pananaliksik
gaya ng nararapat sa pagtuturo ng sariling kasaysayan), at ang kanyang mentor na
(balintunang) propesor sa Asian Studies Program ng University of Hawaii-Manoa at
masugid na depensor ng United States Agency for International Development (USAID).
Silang mga nasilaw sa ningning sa halip na hanapin ang liwanag, sa konteksto ng
sanaysay ni Emilio Jacinto na “Ang Ningning at ang Liwanag.” Ang kanilang mga
buladas at patutsada ay pawang walang batayan at mas nakatuon lamang sa ilohikal at
diskursong napag-iwanan na ng panahon diskurso ng diumano’y imposisyon ng
“imperial Manila” ang Filipino na “Tagalog lang naman” at diskursong “hindi naman
wikang pambansa ang Filipino,” o “hindi naman Filipino ang dapat na wikang
pambansa,” o “hindi natin kailangan ng wikang pambansa.” Ang kanilang mga buladas
at patutsada ay detalyado nang sinagot sa bilinggwal na pamphlet ng KWF na
pinamagatang “Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa/Frequently Asked
Questions on the National Language (Almario, 2014), sa blog na “Ang Hindi
Magmahal” (Marasigan, 2014) at “Pagkalusaw ng Isang Disiplina (Sanchez, 2015),
gayundin sa artikulong “Debunking PH language myths” (San Juan, 2014a). Binasag
din ng mga posisyong papel na inilabas ng iba’t ibang unibersidad at organisasyon
gaya ng Departamento ng Filipino ng DLSU (2014), Kagawaran ng Filipino ng ADMU
(2014), Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng UPD (2014), Fakulti ng
Sining at Mga Wika ng PNU (2014), Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP (2014), at
PSLLF (2014) ang mga walang batayang buladas ng mga anti-Filipino sa akademya.
ARGUMENTO 2: DAPAT MAY FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO DAHIL ANG
IBANG ASIGNATURA NA NASA JUNIOR AT/O SENIOR HIGH SCHOOL AY MAY
KATUMBAS PA RIN SA KOLEHIYO
Narito ang talahanayan na naghahambing sa ilang asignaturang nilalaman ng
kurikulum sa K to 12 mula junior high school hanggang kolehiyo. Kinailangan pa na
magprotesta at magdemanda sa Korte Suprema ang Tanggol Wika para maigiit ang
pagkakaroon ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo at kahit nga may TRO na
ang Korte Suprema sa pakanang anti-Filipino ng CHED ay walang malawakang
pagtatangka ang CHED na sundin at ipatupad ang desisyon ng Korte Suprema.
Samantala, kahit walang protesta at demanda ang mga nagtuturo ng Physical
Education (PE) ay agad nagdesisyon ang CHED na ibalik iyon bilang required na
asignatura sa kolehiyo gaya ng nakalagay sa memorandum mula sa tagapangulo ng
CHED na may petsang Abril 5, 2016. Malinaw na sadyang tinarget ng CHED ang
pagpaslang sa Filipino at Panitikan. Binabasag at winawasak ng talahanayang ito ang
basurang argumento ng mga taga-CHED at ng iba pa nilang kasapakat, na kaya wala
nang Filipino at Panitikan sa kolehiyo at dahil mayroon na nito sa hayskul. Kung
susundin ang kanilang lohika (o kawalan nito), dapat ay wala nang General Education
Curriculum sa kolehiyo (bagay na hindi maaaring gawin dahil sa likas na kahalagahan
at kabuluhan nito sa holistikong paghubog ng mga estudyante).
Asignatura sa Junior High
School
Kaugnay/Katumbas/Kahawig
na Asignatura sa Core
Curriculum Subjects ng
Senior High School
Kaugnay/Katumbas/Kahawig na
Asignatura sa Core Courses
Bagong General Education
Curriculum sa CMO No. 20,
Series of 2013
Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Filipino
WALA
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
English
Oral Communication
Purposive Communication
Reading and Writing
Mathematics
General Mathematics
Mathematics in the Modern World
Statistics and Probability
Science
Earth and Life Science
Science, Technology, and Society
Physical Science
Earth Science (taken instead
of Earth and Life Science for
those in the STEM Strand)
Disaster Readiness and Risk
Reduction (taken instead of
Physical Science for those in
the STEM Strand)
Araling Panlipunan
(Wala nang Kasaysayan ng
Pilipinas/Philippine History na sa
lumang kurikulum ay required
Understanding Culture,
Society, and Politics
Readings in Philippine History
(Isinama na lamang bilang isa sa
mga paksa ng asignaturang ito ang
Philippine Government &
subject.)
Constitution na sa lumang
kurikulum ay required at bukod na
subject.)
The Contemporary World
(Ang Panitikan/Literature ay
kasama sa Filipino at English.)
21st Century Literature from
the Philippines and the World
WALA
Physical Education
Physical Education and Health
WALA
ARGUMENTO 3: ANG FILIPINO AY DISIPLINA, ASIGNATURA, BUKOD NA
LARANGAN NG PAG-AARAL, AT HINDI SIMPLENG WIKANG PANTURO LAMANG
Taliwas sa buladas ng CHED at iba pa nilang kaTanggal Wika, hindi simpleng
wikang panturo lamang ang Filipino. Disiplina, asignatura, bukod na larangan ito ng
pag-aaral. Katunayan, Ang Filipino Bilang Disiplina ang paksa ng kauna-unahang isyu
ng isang journal mula sa ADMU ang Katipunan: Journal ng Mga Pag-aaral sa Wika,
Panitikan, Sining, at Kulturang Filipino (2016). Ang pagiging disiplina ng Filipino ay
binigyang-diin din sa MGA SUSING SALITA: Pambansang Seminar sa Pagbuo ng
Diskurso sa Konseptong Filipino na isinagawa noong Agosto 24-25, 2017 sa
pangunguna ng Sentro ng Wikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
Tinalakay sa nasabing seminar ang mga katutubo o kayay inangking konsepto ng
indie, bungkalan, ganap, balita, balatik, at delubyo ilan lamang sa napakaraming
susing salita na maaaring maging lunsaran ng o pokus ng mismong pagtalakay sa
Filipino bilang disiplina sa mas mataas na antas ng edukasyon, gaya rin ng pinatunayan
na sa taunang kumperensyang Sawikaan: Mga Salita ng Taon ng Filipinas Institute of
Translation/FIT (Narvaez, 2015). Samakatwid, ang pagbura sa Filipino sa kolehiyo ay
pagkalusaw rin ng isang mahalagang disiplina (Sanchez, 2015) na nakaugat sa sariling
karanasan at paraan ng pagpapahayag ng mga mamamayang Pilipino. Ang halaga at
kabuluhan ng Filipino bilang disiplina ay hindi matatawaran sapagkat itoy daluyan ng
kasaysayan ng Pilipinas, salamin ng identidad ng Filipino, at susi ng kaalamang
bayan” (Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at
Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, 2014) tatlong magkakahiwalay ngunit
magkakaugnay na function na hindi kayang tapatan ng iba pang disiplina sa mas
mataas na antas ng edukasyon. Gaya ng paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya
ng PUP (2014), “lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang
pagtatanggal ng asignaturang Filipinokung isasaalang-alang ang isa sa mga layunin
mismo ng CMO No. 20, Series of 2013: “‘General education enables the Filipino to find
and locate her/himself in the community and the world, take pride in and hopefully
assert her/his identity and sense of community and nationhood amid the forces of
globalization. As life becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of
nature and addressing social problems in the general education program increasingly
become more pressing.’ Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na
tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino
ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika,
kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa bansang
Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga kahingiang
panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at
makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig.
ARGUMENTO 4: PARA MAGING EPEKTIBONG WIKANG PANTURO ANG
FILIPINO, KAILANGANG ITURO AT LINANGIN DIN ITO BILANG ASIGNATURA
Ang pagkakaroon ng Filipino sa kolehiyo ay pagtupad sa Artikulo XIV, Seksyon 6
ng Konstitusyong 1987 na nagsasabing ang Filipino ang dapat maging midyum ng
opisyal na komunikasyon at ng sistemang pang-edukasyon. Hindi maisasakatuparan
ang ganitong atas ng Konstitusyon kung walang asignaturang Filipino sa lahat ng antas
ng edukasyon. Sa asignaturang Filipino, lilinangin ang kasanayan ng mga estudyante
sa paggamit ng wikang pambansa sa intelektwal na diskurso na kinakailangan sa
epektibong paggamit nito bilang midyum sa iba pang asignatura (bagay na pakunwaring
isinusulong ng CHED sa CMO No. 20, Series of 2013). Sa sitwasyong English ang
default language ng CHED at ng mga administrador ng marami-raming unibersidad,
malinaw na (a)ng pagbura sa Filipino sa kolehiyo ay hakbang paurong sapagkat
babawasan pa nito ang oportunidad para sa intelektwalisasyon” ng Filipino (San Juan,
2015). Ang pagpaslang sa wikang sarili ay pagbura rin sa pagkatao mismo ng mga
mamamayan gaya ng ipinahayag sa posiyong papel ng Fakulti ng Sining at Mga Wika
ng PNU (2014): “Bukal ng karunungan ang Filipino bilang isang larangan na
humuhubog ng kabuuan kaakibat ang pagpapahalaga sa ating pagkamamamayang
Pilipino. Gamit ang Filipino bilang larangan, itinatampokat binubuo nito ang pagkatap at
pagkakakilanlan ng ating lahi na pundasyon ng ating kamalayan at kalinangan...Kung
hangad natin ang ay marating ang ganap na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino,
karapat-dapat itong gamitin. Kailangang isa-Filipino ang diwa ng mga mag-aaral...Hindi
sapat bilang midyum ng talastasan, kundi isang wika na salalayan sa iba’t ibang
diskursong pang-akademiko at panlipunan.”
ARGUMENTO 5: BAHAGI NG COLLEGE READINESS STANDARDS ANG FILIPINO
AT PANITIKAN
Kaugnay ng Argumento 3, mismong CHED ay naglabas ng College Readiness
Standards na sumasaklaw sa Filipino at Panitikan, sa pamamagitan ng CHED
Resolution No. 298-2011. Laman ng nasabing dokumento ang mga kasanayan o
kompetensi sa ibat ibang asignatura na dapat makuha/makamit ng mga estudyante
BAGO sila magkolehiyo o BILANG PAGHAHANDA sa pagkokolehiyo. Saklaw nito ang
mga inaasahang kompetensi ng mga estudyante sa asignaturang Science,
Mathematics, English, Filipino, Literature, Humanities, at Social Science. Sa aktwal na
disenyo ng College Readiness Standards, inaasahan ang patuloy na paglinang sa mga
kasanayan/kompetensing kinamtan/nakuha sa hayskul hanggang sa kolehiyo, gaya ng
pinatutunayan ng pagkakaroon pa rin ng Science (sa pamamagitan ng asignaturang
Science, Technology, and Society), Mathematics (sa pamamagitan ng asignaturang
Mathematics in the Modern World), English (sa pamamagitan ng asignaturang
Purposive Communication), Humanities (sa pamamagitan ng asignaturang Art
Appreciation), at Social Science (sa pamamagitan ng asignaturang The Contemporary
World at Readings in Philippine History) sa required core courses sa bagong General
Education Curriculum na nasa CMO No. 20, Series of 2013. Kapansin-pansin na
Filipino at Panitikan/Literatura lamang ang asignaturang nasa College Readiness
Standards ngunit hindi isinama ng CHED sa required core courses sa bagong General
Education Curriculum na nasa CMO No. 20, Series of 2013. Ang pagpapatuloy ng
paglinang sa kasanayan/kompetensi sa Filipino at Panitikan/Literatura sa antas
tersyarya ay lohikal lamang gaya ng sitwasyon ng iba pang asignaturang nasa
College Readiness Standards at bahagi rin ng bagong GEC sa kolehiyo lalo na kung
isasaalang-alang ang bigat ng mga kompetensi sa CRS na halos imposibleng ganap na
malinang sa hayskul lamang.
ARGUMENTO 6: SA IBANG BANSA, MAY ESPASYO RIN SA KURIKULUM ANG
SARILING WIKA BILANG ASIGNATURA, BUKOD PA SA PAGIGING WIKANG
PANTURO NITO
Sa halos lahat ng mga unibersidad sa Estados Unidos ay bahagi ng kurikulum sa
kolehiyo sa anumang kurso ang pag-aaral ng wikang English, gaya ng pinatunayan
sa apendiks ng pananaliksik ni San Juan (2015). Halimbawa, aniya, sa mga unibersidad
na ito ay required core course ang English: Princeton University, Illinois State
University, California State University, Columbia University, University of Alabama,
Duke University, Yale University, Harvard University, Stanford University, North
Carolina State University, Washington State University, University of Wisconsin-
Madison, State University of New York, University of Michigan, University of Vermont,
California State Polytechnic University, University of Kentucky at University of Arizon;
habang sa mga sumusunod na institusyon naman ay required subject din ang
Literatura: University of Chicago, Harvard University, Duke University, Massachusetts
Institute of Technology, University of Alabama, University of Wisconsin-Madison,
University of Michigan, University of Kentucky, University of Oregon at University of
Texas. Samantala, sa Chulalongkorn University sa Thailand, bahagi rin ng required
subjects sa General Education program ang wikang Thai (Chulalongkorn University,
2006). Required subject din sa Malaysia ang Bahasa Melayu gaya ng pinatutunayan ng
requirements for graduation sa Universiti Sains Malaysia (2017), Universiti Kebangsaan
Malaysia (2017), at Universiti Tenaga Nasional (2016). Required subject naman ang
Bahasa Indonesia sa mga unibersidad gaya ng Universitas Gadjah Mada (2017) at
Institut Teknologi Bandung (2017). Lohikal ang pagkakaroon ng asignaturang wikang
sarili sa antas tersyarya dahil ito rin ang akademikong wika na kailangan sa matalas
na pag-unawa sa mga aralin at sa pagsasagawa ng pananaliksik na makabuluhan sa
mga mamamayan ng komunidad ng estudyante. Kung isasa-alang-alang ang
depinisyon ng akademikong wika (Gottlieb at Ernst-Slavit, 2014), Filipino ang
akademikong wikang akma sa Pilipinas: “a register, that is, a variety of a language used
for a specific purpose and audience in a particular context…academic language refers
to the language used in school to acquire new or deeper understanding of the content
and to communicate that understanding to othersacademic language is characterized
by the specific linguistic features associated with academic disciplines, including
discourse features, grammatical constructions, and vocabulary across different
language domains or modalities (listening, speaking, reading, writing) and content areas
(language arts, mathematics, science, and social studies/history, among others).
Academic language operates within a sociocultural context that lends meaning to oral or
written communication…”
ARGUMENTO 7: BINIGYAN NG DEPED AT CHED NG ESPASYO ANG MGA
WIKANG DAYUHAN SA KURIKULUM, KAYA LALONG DAPAT NA MAY ESPASYO
PARA SA WIKANG PAMBANSA
Binuo ng DepEd ang Special Program in Foreign Language (SPFL) alinsunod sa
DepEd Order No. 46, Series of 2012 (“Policy Guidelines on the Implementation of the
Special Curricular Programs at the Secondary Level”). Saklaw ng SPFL sa mga
publikong hayskul ang pagtuturo ng Spanish, Japanese (Nihongo), French, German
and Chinese (Mandarin) at Korean ayon sa isang press release ng Departamento ng
Edukasyon na may petsang Pebrero 20, 2017. May 10,526 estudyante ng SPFL sa
buong bansa 3,531 sa Spanish, 3,020 sa Japanese, 2,280 sa Chinese, 1,112 sa
French, at 583 sa German, habang magsisimula pa lamang ituro ang Korean ngayong
taon. Mahigit 35 milyong piso ang inilaan ng DepEd para sa SPFL noong 2017.
Samantala, may kahawig na programa ang CHED alinsunod sa CMO No. 23, Series of
2010. Batay rito, elective sa kolehiyo ang mga wikang dayuhan gaya ng Chinese,
Spanish, Nippongo, Arab atbp. Kung nabigyan ng espasyo sa kurikulum ang mga
wikang dayuhan, anot papaslangin at ayaw bigyan ng espasyo ang sariling wika at
panitikan natin?
ARGUMENTO 8: PINAG-AARALAN DIN SA IBANG BANSA ANG FILIPINO AT
MAY POTENSYAL ITONG MAGING ISANG NANGUNGUNANG WIKANG GLOBAL
KAYA LALONG DAPAT ITONG PAG-ARALAN SA PILIPINAS
Itinuturo ang Filipino at/o Panitikan at/o Araling Pilipinas sa 46 na unibersidad sa
ibang bansa gaya ng Estados Unidos, Australia, Switzerland, France, Russia, China,
Japan, Canada, Malaysia, at Brunei, bukod pa sa mahigit 40 Philippine Schools
Overseas (PSOs) pawang hayskul sa Bahrain, China, East Timor, Greece, Kuwait,
Libya, Oman, Qatar, Kingdom of Saudi Arabia, at United Arab Emirates (San Juan,
2015). Ayon sa updated na ulat ng Commission on Filipinos Overseas/CFO (2014), 41
na ang PSOs. May 10,238,614 Pilipinong nasa ibayong dagat (CFO, 2013) na kundi
man laging gumagamit ng Filipino ay nananatiling may malakas na koneksyong
pangkultura, pampamilya, at pangkomunidad sa Pilipinas. Sa Estados Unidos,
pangatlong pinakaginagamit na wikang di-Ingles sa tahanan ang Tagalog na may 1.7
milyong nagsasalita, kumpara sa Chinese na may 3.4 milyon at Spanish na may 40.5
milyon (Waddington, 2016). Sa dami ng mga Pilipino sa malalaking lungsod sa mundo,
hindi kataka-takang ginagamit ito ng ilang tindero/tinderang Koreano sa Seoul, South
Korea (batay sa sariling karanasan ng mananaliksik), o ng ilang taxi driver sa Dubai,
United Arab Emirates (batay sa YouTube videos nina user philippinesgoforgold at
arra31) o mga residente ng Riyadh, Saudi Arabia (batay sa YouTube video ni user
Wesly Sihay), o na umaawit sa wikang ito ang ilang mag-aaral na kindergarten sa
Iceland (batay sa YouTube video ni user Birte Harksen). Bukod dito, libu-libo ring
estudyanteng dayuhan ang nag-aaral bawat taon sa Pilipinas. Noong 2012, 47,478
aplikasyon para sa student visa at special study permit (SSP) ang inaprubahan ng
Bureau of Immigration (BI), 14% na mas mataas kaysa sa 41,443 na aplikasyong
pinagtibay noong 2011 (Tubeza, 2013). Batay sa datos ng BI, may 61,000 dayuhang
estudyante sa Pilipinas noong 2011, kumpara sa 26,000 noong 2011, bunsod na rin ng
pagdami ng institusyong akredited na tumanggap ng mga dayuhang estudyante na
2,145 na noong 2012 kumpara sa 104 na institusyon lamang noong 2011 (ADMU,
2013). Karamihan sa mga dayuhang estudyante sa kolehiyo ay nasa Centro Escolar
University, Adventist University of the Philippines, University of the East, Far Eastern
University, Manila Central University, UST, Jose Rizal University at DLSU (BI, 2014).
May ispesyal na programang Basic Filipino (BASIFI) ang DLSU para sa mga
estudyanteng dayuhan (DLSU, 2012), at tiyak na may mga kahawig na programa ang
iba pang unibersidad dahil wala namang mekanismo ang CHED para sa eksempsyon
sa mga kahingiang pangwika ng kurikulum sa kolehiyo ang mga dayuhang estudyante.
Samakatwid, marami-rami sa mga dayuhang estudyanteng nag-aral/nag-aaral sa bansa
ang tiyak na uuwi sa kani-kanilang bansa nang marunong na ring mag-Filipino. Sa tala
naman ng Wikipedia, ang Tagalog Wikipedia na inilunsad noong Disyembre 1, 2003 ay
may 82,862 artikulo at ika-68 pinakamalaki sa 299 wika sa Wikipedia (as of September
2017) batay sa bilang ng mga artikulo as of October 18, 2017. Sa pangkalahatan, nasa
ranggong 31 sa 140 bilang pinakamakapangyarihang wika sa internet ang Tagalog
(Pimienta, 2017). Ang lahat ng mga salik na ito ay lalong nakapagpapalakas sa
potensyal ng Filipino na maging isang nangungunang wikang global. Kung masusunod
ang kahunghangan ng CHED, masasayang ang potensyal ng Filipino na maging
nangungunang wikang global.
ARGUMENTO 9: MALAPIT ANG FILIPINO SA BAHASA MELAYU, BAHASA
INDONESIA, AT BRUNEI MALAY, MGA WIKANG GINAGAMIT SA MALAYSIA,
SINGAPORE, INDONESIA, AT BRUNEI, NA MGA BANSANG KASAPI NG ASEAN,
KAYA’T MAHALAGANG WIKA ITO SA KONTEKSTO MISMO NG ASEAN
INTEGRATION
Bagamat English pa ang working language ng ASEAN sa kasalukuyan, maaari
itong magbago sa hinaharap, lalo pa’t isinusulong ng kasalukuyang punong ministro ng
Malaysia na si Najib Razak ang Bahasa Melayu bilang pangunahing wika ng ASEAN
(Today Online, 2017). Anu’t anuman, may malaki at malakas na potensyal na maging
paboritong wikang dayuhan ito ng mga estudyante sa Malaysia, Singapore, Brunei, at
Indonesia, kaya’t nararapat lamang na lalo pang linangin ang pagtuturo nito sa mas
mataas na antas ng edukasyon. Katunayan, nagsimula ang pagtuturo ng Filipino sa
Universiti Brunei Darussalam (UBD) noong 2010 nang maging kahingian para sa lahat
ng estudyante ng Faculty of Brunei Studies sa UBD ang pag-aaral ng mga yunit sa
mga wika ng ASEAN (Adeva, 2014). Dumarami ang nag-aaral ng Filipino sa Malaysia
(Jubilado, 2008) at Brunei (Adeva, c.2012). Sa Singapore, may potensyal na maging
popular na wikang dayuhan ang Filipino, kung isasaalang-alang ang realidad na may
203,243 Pilipino sa Singapore (Commission on Filipinos Overseas, 2013) at may
malakas na ugnayang pangkultura ang Pilipinas sa Singapore (Yi-Sheng, 2014). Sa
pangkalahatan, tiyak na magbebenipisyo rin ang Filipino sa programang Network-based
ASEAN Languages Translation Public Service na kasalukuyang isinasakatuparan na
mula noong 2012 (Wutiwiwatchai et al., 2013). Ang nasabing programa ay may
komponent na sumasaklaw sa Filipino (Nocon et al., 2014). Sa pagsinsin ng
integrasyong sosyo-kultural at ekonomiko ng mga bansa sa ASEAN, lalong lumalaki
ang demand sa pag-aaral ng mga wika at pagsasalin (Sison-Buban, 2016). Manguna,
sumabay, o mapag-iwanan: alin lamang sa tatlong landas na iyan ang maaaring tahakin
ng Filipino bilang wika ng ASEAN, at bakit nga ba hindi pipiliing manguna o sumabay
gayong may mga panimulang bentahe na ang Filipino. Ayon nga sa posisyong papel ng
Departamento ng Filipino ng DLSU (2014), sa konteksto ng Association of Southeast
Asian Nations (ASEAN) Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may
inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa proyekto ng
globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. Ano nga ba ang iaambag natin sa daigdig
kung hindi natin pag-aaralan ang sarili nating wika at kultura? Paano haharapin ang
mundo kung hindi kilala ang sarili?
ARGUMENTO 10: MABABA PA RIN ANG AVERAGE SCORE NG MGA
ESTUDYANTE SA FILIPINO SA NATIONAL ACHIEVEMENT TEST (NAT)
Ayon sa resulta ng National Achievement Test/NAT noong School Year 2014-
2015, 59.29 ang pambansang mean percentage score (MPS) sa Filipino ng mga
estudyante ng Grade 10, habang 68.90 ang pambansang MPS sa Filipino ng mga
estudyante ng Grade 6, sa sitwasyong 100 ang perpektong MPS. Mas mababa pa rin
ang mga MPS na ito sa 75 na target na MPS ng DepEd, ayon mismo sa Philippine
Education for All Review Report (2015). Samakatwid, kung walang Filipino sa kolehiyo,
maliit ang posibilidad na makaabot man lamang sa minimum na target na mastery ng
mga kasanayang pangwika ang mga estudyante sa bansa. Maabot man ng mayorya ng
mga estudyante ang target na MPS, marami at malawak pa rin ang kaalamang maaari
nilang matutuhan sa Filipino sa antas tersyarya.
ARGUMENTO 11: FILIPINO ANG WIKA NG MAYORYA, NG MIDYA, AT NG MGA
KILUSANG PANLIPUNAN: ANG WIKA SA DEMOKRATIKO AT MAPAGPALAYANG
DOMEYN NA MAHALAGA SA PAGBABAGONG PANLIPUNAN
Halos lahat ng mga Pilipino ay marunong nang mag-Filipino. Lahat ng
respondent sa pambansang survey ng KWF noong 2014 na sumaklaw sa 3,506 tao
na edad 15-21 at 22-60 mula sa 19 na lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay
nagsabing ginagamit nila ang wikang pambansa (Delima, 2017). Filipino na rin ang
dominanteng wika sa midya, gaya ng pinatutunayan ng wikang ginagamit sa mga
palabas sa primetime sa halos lahat ng libreng channel sa telebisyon, Filipinasyon ng
mga pelikula, cartoon at television series mula Estados Unidos, Korea, Taiwan, Japan,
Amerika Latina atbp., at pangingibabaw na rin ng Filipino sa FM radio stations (lagpas
pa sa dati na nitong dominasyon sa AM radio stations). Mula noon (Gimenez Maceda,
c.1997 at Atienza, 1992) hanggang ngayon, Filipino ang default na wika ng mga
kilusang panlipunan sa Pilipinas, gaya rin ng pinatutunayan sa mga nilalamang larawan
at pahayag ng ibat ibang organisasyon sa www.arkibongbayan.org (arkibo ng mga
aktibidad ng mga kilusang panlipunan sa bansa), gayundin sa www.pinoyweekly.org
(progresibong pahayagang online) at www.ibon.org (bilinggwal na progresibong think
tank), bukod pa sa mga popular na slogan ng mga kilusang panlipunan sa bansa na
pawang nasa Filipino gaya ng Imperyalismo, ibagsak! Burukrata-kapitalismo, ibagsak!
Pyudalismo, ibagsak!; Lupang ninuno, depensahan, depensahan, ipaglaban!; “Wika
at bayan, ipaglaban! Makabayang edukasyon, isulong!; Edukasyon, karapatan ng
mamamayan, ipaglaban! Edukasyon, hindi gera; libro, hindi bala!; Makibaka, wag
matakot!; Trabaho sa Pinas, hindi sa labas!; Itaas ang sahod, 750 pesos, across-the-
board, nationwide!; Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!”; Asyenda, buwagin;
oligarkiya, lansagin!; Itigil ang pamamaslang: katarungan, ipaglaban!; Lupa, sahod,
trabaho, pabahay, edukasyon at karapatan, ipaglaban! at marami pang iba.
Samakatwid, Filipino ang wika sa mga tatawagin kong demokratiko at mapagpalayang
domeyn ang larangan ng publikong diskurso, ng ordinaryong talastasan ng mga
mamamayan, ang pakikipagkomunikasyon ng Pilipino sa kapwa Pilipino, ang
paghahapag ng hinaing at pagpapahayag ng matapat at makabuluhang opinyon, ang
diskursong kontra-gahum, kontra-agos at kontra-establisimyento, ang diskurso ng
pagbabagong panlipunan versus English na dominanteng wika pa rin sa Pilipinas sa
domeyn ng kapangyarihan ang diskurso ng establisimyento, ang diskursong elite at
elitista, ang diskurso ng status quo, ng reaksyon, ng pagpapanatili sa sistemang
pinakikinabangan at pinangingibabawan lamang ng iilang dinastiya at korporasyon.
Kung gayon, wikang Filipino, sariling wika ang siyang magpapalaya sa sambayanang
gapos ng tanikala, sabi nga sa awiting Speak in English Zone ni Prop. Joel Costa
Malabanan, ang wikang akma sa edukasyong makabayan, edukasyong naka-angkla sa
pangangailangan ng Pilipinas at mga Pilipino, ng edukasyong pinangarap ni Renato
Constantino sa kanyang sanaysay na Miseducation of the Filipino, ang wikang
pinakamabisang paraan para maunawaan ng sambayanan ang kaniyang mga
suliranin, at kung paano malulutas ang mga ito. Kung mabilis na nagkakaunawaan ang
mga mamamayan, mabilis din ang ating pagsulong sa pangarap nating maalwang
bukas para sa lahat, kayat nararapat lamang na itaguyod ang wikang Filipino at
Panitikang Filipino tungo sa pagtuklas at pagtahak sa landas ng kaunlarang akma sa
ating karanasan at kolektibong pangarap (San Juan, 2017).
Kaugnay ng pananaliksik, dapat lamang na bigyang-prayoridad ang produksyon
ng kaalaman sa wikang sarili, gaya ng binigyang-diin sa posisyong papel ng
Departamento ng DLSU (2014): ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay
nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement” ng mga unibersidad
sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga
komunidad na ating pinaglilingkuran,” kaya’t sa pamamagitan nito lamang mapalalakas
ang ugnayan ng akademya at ng mga ordinaryong mamamayan tungo sa
Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang departamento at kolehiyo sa
pamantasan na makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak na ang ating mga
pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan.
ARGUMENTO 12: MULTILINGGWALISMO ANG KASANAYANG AKMA SA SIGLO
21
Sa konteksto ng multilinggwal na realidad ng daigdig sa panahon ng
globalisasyon, hindi maaaring magpakalunod sa monolinggwalismong English ang mga
Pilipino. Matagal nang multilinggwal ang Europa, batay na rin sa realidad na may sapat
na suporta ang European Union sa mga malawakang programa sa pag-aaral ng mga
wikang Europeo, alinsunod sa matibay nilang pagpapahalaga sa ekonomikong
pakinabang ng multilinggwalismo: Multilingualism, in the EU’s view, is an important
element in Europe’s competitiveness. One of the objectives of the EU’s language policy
is therefore that every European citizen should master two other languages in addition
to their mother tongue” (Franke at Mennella, 2017). Ang mga bansa naman sa Asya ay
nagsisimula na ring mag-aral ng English at ng iba pang wikang dayuhan habang hindi
binibitiwan ang pagpapalakas ng kani-kanilang sariling wika. Tingnan halimbawa ang
mga South Korean sa Pilipinas na nagsisikap matuto ng English sa ating mga
unibersidad, habang nananatiling matatas sa sariling wika wikang ginagamit pa rin
nila kapag sila-silang mga magkakabababayan ang nag-uusap-usap (batay sa sariling
karanasan ng may-akda bilang guro sa Colegio San Agustin-Makati mula 2007-2010 na
may malaki-laking populasyong Koreano). Samantala, ang mga ahensyang pang-
edukasyon sa Pilipinas ay nag-aakalang hindi na dapat pag-ukulan ng pansin ang
wikang sarili upang mapanatili ang inaakalang bentahe ng mga Pilipino sa diumanoy
husay sa English. Pansinin na hanggang ngayoy English ang default na wika ng DepEd
at CHED sa lahat ng anunsyo at dokumento, gaya halimbawa sa competencies para sa
Mother Tongue subject sa elementarya na katawa-tawa o kakatwang nasa English, o
ng mga suggested syllabi ng CHED para sa lahat ng core courses sa bagong General
Education Curriculum na katawa-tawa at kakatwang may literal na mga salin sa Filipino
nakasalin pati ang mga bibliyograpiya/sanggunian, taliwas sa isa sa mga malinaw na
tuntunin ng paggawa ng silabus: huwag mangopya ng silabus, kundi gumawa ng sarili.
Dapat bigyang-diin na hindi dapat magpatali na lamang sa monolinggwalismong
English ang Pilipinas dahil napakarami pang wika na umaabante na rin sa larangan ng
pananaliksik at publikasyon, at ang labis na pagsandig sa English ay makaaapekto sa
kapasidad ng bansa na tumuklas at magbasa ng kaalaman sa iba pang wika. Sa ulat ng
International Publishing Association/IPA (2016), nakapaglimbag ng 470,000 bagong
aklat (new titles) ang Tsina pinakamarami sa buong mundo kumpara sa 338,986
lamang ng Estados Unidos. Sa pangkalahatan, mas marami ang kabuuang produksyon
ng mga aklat (new titles) ng mga bansang hindi Ingles ang pangunahing wika gaya ng
Tsina, France, Germany, Brazil, Japan, Spain, Italy, South Korea, Argentina,
Netherlands, Denmark, Switzerland, Thailand, Sweden, Norway, Belgium, Georgia,
Finland, Bosnia and Herzegovina, Iceland, at Kenya kumpara sa produksyon ng mga
bansang Ingles ang pangunahing wika (Estados Unidos at United Kingdom) sa talaan
ng 25 bansang may pinakamalaking “publishing market” ayon sa ulat ng IPA.
Ang wikang sarili ang pinakamabisang tulay sa pag-aaral ng sariling wika
(kumpara sa relay foreign language instruction na tipikal sa PIlipinas: English ang
ginagamit para ituro ang iba pang dayuhang wika). Mas maraming wikang nababasa at
nagagamit sa pananaliksik ay mas mainam sapagkat mas marami ring wikang
mapagkukunan ng sanggunian para sa ating mga pananaliksik. Ang pagpaslang sa
sariling wika sa kurikulum ay pagbabawas sa oportunidad ng mga mamamayang
Pilipino na maging epektibong multilinggwal hindi lamang sa wikang dayuhan, kundi
maging sa mga wikang sarili gaya ng nilinaw sa posisyong papel ng Kagawaran ng
Filipino ng ADMU (2014): Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto
ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at
kulturang panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal
at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang
panrehiyon sa diskursong akademiko.” Sa ganitong konteksto rin nanindigan ang
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng MSU-IIT (2014) na napakahalagang
paigtingin pa ang paggamit at pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo lalo na po rito sa
Mindanao. Naninindigan kaming napakalaking bahagi ang ginagampanan ng Filipino sa
patuloy na paghahanap natin ng sariling identidad at pagkakakilanlan. Marubdob din
ang aming paniniwalang patuloy na nagsisilbing instrumento ang wika at panitikang
Filipino sa pagpapalinaw ng landasin tungo sa makatotohanang kalinaw dito po sa amin
sa Mindanao...Sa amin pong paglantaw, napakahalagang maisama ang 9 yunit na
asignaturang Filipinong may multi/interdisiplinaring disenyo. Sa ganitong kaayusan,
mas mapahuhusay ang kasanayan ng mga estudyante sa paggamit ng Filipino at mas
mapalalalim ang kanilang unawa sa sa samu’t saring isyung pangrehiyon at pambansa.
Nakalulan din sa wika at panitikan ang mga diskursong panlipunan at pampolitikang
magpapatalas sa mga mag-aaral at magdidiin upang ang Unibersidad ay magkaroon ng
tunay na nasyonalistang karakter.
ARGUMENTO 13: HINDI PINAUNLAD, HINDI NAPAUNLAD AT HINDI
MAPAPAUNLAD NG PAGSANDIG SA WIKANG DAYUHAN ANG EKONOMYA NG
BANSA
Ilang beses na nating narinig ang buladas ng mga nasa gobyerno na kailangan
ang English upang makaakit ng dayuhang puhunan foreign investment ang
Pilipinas, ngunit bihirang sipatin ang realidad na mula 1906 pa pangunahing wika sa
edukasyon ng Pilipinas ang English pero hanggang ngayoy hindi pa rin nakakaakit ng
malaking foreign investment ang bansa, kumpara sa ilang bansa ng Timog-Silangang
Asya at Amerika Latina na hindi naman (masyadong) Inglesero. Batay sa datos ng
World Bank (2017), mula 1990-2016 ay mas malaki ang kabuuang halaga ng foreign
direct investments (FDI) na pumasok sa Thailand, Malaysia, Indonesia, at Vietnam,
kaysa sa kabuuang halaga ng FDI na naakit ng Pilipinas. Mas malaki rin ang kabuuang
halaga ng FDI na pumasok sa Venezuela, Mexico, Argentina, Brazil, at Colombia kaysa
sa FDI na naakit ng Pilipinas sa gayunding mga dekada, ayon sa datos ng World Bank.
Ang FDI na tinatamasa ng mga bansang ito ay ebidensya na hindi naman malaking
salik ang pag-Iingles para makaakit ng dayuhang puhunan. Dapat bigyang-diin na
kwestyonable rin ang masyadong pagbibigay-pokus sa dayuhang puhunan bilang
diumano’y sandigan ng kaunlaran, sapagkat maliit na porsyento lamang ng kita ng mga
dayuhang korporasyon sa FDI ang kanilang muling ipinupuhunan sa Pilipinas.
Halimbawa, batay sa datos ng World Bank (2017), mula 2005-2015, US
$ 31,380,000,000 ang kinita ng FDI na inilagak sa Pilipinas, at batay sa datos ng
Bangko Sentral ng Pilipinas/BSP (2017), US $5,470,000,000 lang ang muli nilang
inilagak sa Pilipinas (reinvested earnings) o 17.5% lamang ng kabuuang kinita ng FDI
nila rito sa panahong iyon. Samakatwid, hindi pinaunlad, hindi pinauunlad, at hindi
mapauunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang ekonomya ng Pilipinas, kaya walang
batayan at maling patakaran ang pagpaslang sa wikang sarili para lamang mas
pagtuunang-pansin ang pag-aaral ng mga wikang dayuhan.
ARGUMENTO 14: MAY SAPAT NA MATERYAL AT NILALAMAN NA MAITUTURO
SA FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO
Para sa mga taga-CHED at iba pang bahagi ng Tanggal Wika, hanggang
hayskul lamang dapat ang Filipino at Panitikan dahil maituturo na raw sa junior high
school at senior high school ang itinuturo sa Filipino at Panitikan sa lumang kurikulum.
Pinaghambing ni San Juan (2015) ang silabus ng DLSU sa Filipino sa lumang
kurikulum ng kolehiyo (Komunikasyon sa Filipinolohiya/FILKOMU, at Filipino: Pagbasa
at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina at Larangan/FILDLAR) at ang nilalaman ng Filipino
sa Grade 11 ng senior high school na inilabas ng DepEd (Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, at Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik) at binigyang-diin niya na kalakhan ng nilalaman ng
silabus sa Filipino sa lumang kurikulum ng kolehiyo ay hindi saklaw at hindi bahagi ng
nilalaman ng Filipino sa Grade 11 ng senior high school. Gayundin, binanggit niya na
ang kalakhan ng mga paksa sa pangatlong asignaturang Filipino sa kolehiyo ng DLSU
para sa mga HUSOCOM majors ang Wika at Kultura/WIKAKUL na nakatuon sa
“panimulang pag-aaral sa mga etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas mula Hilaga
hanggang Timog” ay hindi saklaw ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino sa senior high school, sa pangkalahatan. Bukod sa mga paksa sa
FILKOMU, FILDLAR, at WIKAKUL, napakarami pang maaaring paksain sa Filipino sa
kolehiyo. Halimbawa, binuo ng Tanggol Wika noong 2017 ang silabus para sa
KONKOMFIL (Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino), isang praktikal na
kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa
wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa
partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa
makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng
iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan.” Higit itong masaklaw, may kamalayang panlipunan, at
mas mapanuri kaysa sa nilalaman ng mga paksa sa senior high school. Sa paghahanda
ng iba pang silabus ng at listahan ng mga bababasahin para sa Filipino sa kolehiyo,
maaaring isaalang-alang ang pagpapalakas sa nagsasariling komunidad na
pangkomunikasyon sa disiplinang Araling Pilipino na inilarawan ni Guillermo (2016),
at/o ang lawak at saklaw ng Araling Pilipinas batay sa panimulang pagsusuri ni
Rodriguez-Tatel (2016). Ang marami at paparami pang mga artikulo sa iba’t ibang
journal sa Filipino tulad ng Malay ng DLSU, Daluyan ng UPD, Katipunan ng ADMU,
Filipinolohiya ng PUP-Manila, at Hasaan ng UST, gayundin ang mga aklat na
inilalathala ng KWF (na karamiha’y available na rin nang libre bilang ebook sa kanilang
website sa http://kwf.gov.ph/e-book/) ay di rin matutuyong batis ng mga babasahin sa
Filipino. Natumbok ni Martin et al. (2015), ang suma ng Argumento 14: “...we are not
persuaded by the rationale in removing the Filipino courses in college, and we join the
call for its immediate reinstatement in the general curriculum. In case these courses do
not qualify under the new definition of general education, then the correct procedure is
to revise the courses, and not to remove them.Inihapag na rin ng Departamento ng
Filipino ng DLSU (2014) ang pangkalahatang layunin ng Filipino sa mas mataas na
antas ng edukasyon: “Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa
salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng
nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-
pakinabang na mamamayan ng ating bansa.” Hinggil naman sa Panitikang Filipino,
hindi tayo mauubusan ng tula, sanaysay, kwento, at nobelang maaaring talakayin at
bigyang-pokus, lalo pa’t ang Panitikang Pambansa ay sa Grade 8 at senior high school
lamang itinuturo sa ilalim ng K to 12. Sa kasagsagan ng pakikibaka ng Tanggol Wika sa
mga unang buwan nito, isinumite sa CHED ang borador ng silabus para sa Panitikang
Filipino at Pagbabagong Panlipunan/FILPAN (San Juan, 2014b) na tumatalakay sa mga
makabuluhang panitikang may kamalayang panlipunan (dulog na tematiko).
Pangwakas
Bilang pangwakas, sapat nang ulitin ang babala ni Jose Rizal sa pamamagitan ni
Simoun sa Kabanata 7 ng El Filibusterismo hinggil sa propesiya niya ng “pagkawasak
ng inyong pagkabansa,” “pagkawasak ng inyong bayan” ng bansang naghahangad na
bigyang-prayoridad ang wikang dayuhan sa halip na wikang sarili, isang bansang
magulo, “bansa ng mga gera sibil, republika ng ganid at mga walang kasiyahan,” bayan
ng mga “alipin” na walang sariling wika kaya’t wala ring kalayaan at walang kalayaang
mag-isip para sa sarili: “¡Os ligais para con vuestros esfuerzos unir vuestra patria á la
España con guirnaldas de rosas cuando en realidad forjais cadenas más duras que el
diamante! ¡Pedís igualdad de derechos, españolizacion de vuestras costumbres y no
veís que lo que pedís es la muerte, la destruccion de vuestra nacionalidad, la
aniquilacion de vuestra patria, la consagracion de la tiranía! ¿Qué sereis en lo futuro?
Pueblo sin caracter, nacion sin libertad; todo en vosotros será prestado hasta los
mismos defectos. ¡Pedís españolizacion y no palideceis de vergüenza cuando os la
niegan! Y aunque os la concedieran ¿qué quereis? ¿qué vais á ganar? ¡Cuando más
feliz, país de pronunciamientos, país de guerras civiles, república de rapaces y
descontentos como algunas repúblicas de la América de Sur! ¿A qué venís ahora con
vuestra enseñanza del castellano, pretension que sería ridícula si no fuese de
consecuencias deplorables? ¡Quereis añadir un idioma más á los cuarenta y tantos que
se hablan en las islas para entenderos cada vez menos!...El español nunca será
lenguaje general en el pais, el pueblo nunca lo hablará porque para las concepciones
de su cerebro y los sentimientos de su corazon no tiene frases ese idioma: cada pueblo
tiene el suyo, como tiene su manera de sentir. ¿Qué vais á conseguir con el castellano,
los pocos que lo habeis de hablar? ¡Matar vuestra originalidad, subordinar vuestros
pensamientos á otros cerebros y en vez de haceros libres haceros verdaderamente
esclavos! Nueve por diez de los que os presumís de ilustrados, sois renegados de
vuestra patria. El que de entre vosotros habla ese idioma, descuida de tal manera el
suyo que ni lo escribe ni lo entiende y ¡cuántos he visto yo que afectan no saber de ello
una sola palabra!...Uno y otro os olvidais de que mientras un pueblo conserve su
idioma, conserva la prenda de su libertad, como el hombre su independencia mientras
conserva su manera de pensar. El idioma es el pensamiento de los pueblos...cultivad el
vuestro estendedlo, conservad al pueblo su propio pensamiento, y en vez de tener
aspiraciones de provincia, tenedlas de nacion, en vez de pensamientos subordinados,
pensamientos independientes...” Noong 1891, itinayo na ni Rizal ang pundasyon ng
Tanggol Wika. Samantala, hindi sumusuko ang kampo ng Tanggal Wika. Bukod sa anti-
Filipinong “manifestation” at “motion” ng OSG na isinampa sa Korte Suprema sa
panahon ng Buwan ng Wika noong 2017, nakahain ngayong taon sa Kongreso ang
House Bill No. 5091 o “AN ACT TO STRENGTHEN AND ENHANCE THE USE OF
ENGLISH AS THE MEDIUM OF INSTRUCTION IN THE EDUCATIONAL SYSTEM” ni
Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng Ikalawang Distrito ng Pampanga (siya ring naglabas
ng anti-Filipinong Executive Order No. 210 noong siya’y pangulo pa ng bansa, bagay na
kwinestyon din sa Korte Suprema noong Abril 27, 2007), at sa UPD naman, pinagtibay
na ng administrasyon ang 24 yunit na lamang ng minimum na subjects sa GEC (3 yunit
lamang ang minimum para sa Filipino, kumpara sa pananatili ng 6-9 yunit ng Filipino sa
ibang unibersidad, bukod pa sa 3-6 yunit ng Panitikan na resulta ng pakikibaka ng
Tanggol Wika). Lumalawak ang saklaw ng “neoliberal restructuring” ng edukasyon sa
Pilipinas sa ilalim ng sistemang K to 12 na nagpapalabnaw kundi man tuluyang
nagbubura sa edukasyong makabayan, sa edukasyong mapagpalaya na humuhubog
ng mga mamamayang malikhain at mapanuri at may kakayahang hubugin at baguhin
ang kanilang lipunan (San Juan, 2016). Sa ganitong diwa, tuloy ang laban!
Mga Sanggunian:
ADMU. 2013. “NUMBER OF FOREIGN STUDENTS IN THE PHILIPPINES INCREASES.” March 20,
2013. http://ateneo.edu/news/features/number-foreign-students-philippines-increases
Angeles, Mark. 2014. “Professors of Filipino breaking bad over CHED memo.” GMA News Online.
http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/artandculture/365618/professors-of-filipino-breaking-bad-over-
ched-memo/story/
Adeva, Frieda Marie. 2014. “The Filipino Language Programme in Brunei: Challenges and Updates.”
Conference Paper. “Language, Culture, Multiculturalism, Multilingual Education, and the K-12 Curriculum:
Trends, Issues, Challenges, Practices.” University of the Philippines-Diliman. November 20 - 22, 2014.
http://lc.ubd.edu.bn/research.html
Adeva, Frieda Marie. c.2012. “Filipino Language Teaching and Testing for Beginners: The Malaysia and
Brunei Experience.” http://www.sti.chula.ac.th/files/conference%20file/doc/Adeva.pdf
Ayroso, Dee. 2015. “‘Victory’ | Filipino language defenders laud SC for TRO on Ched Memo Order 20.”
April 22, 2015. http://bulatlat.com/main/2015/04/22/victory-filipino-language-defenders-laud-sc-for-tro-on-
ched-memo-order-20/
BI. 2014. “KOREANS DOMINATE FOREIGN STUDENT ADMISSIONS AT PHILIPPINE UNIVERSITIES.”
May 29, 2014. http://www.immigration.gov.ph/news/press-release/83-may-2014-press-releases/630-
koreans-dominate-foreign-student-admissions-at-philippine-universities
BSP. 2017. “Direct Investments, By Industry (BPM6 Concept).”
http://www.bsp.gov.ph/statistics/efs_ext2.asp#FCDU
CHED. 2010. “CMO No. 23, Series of 2010.” http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2013/07/CMO-
No.23-s2010.pdf
CHED. 2013. “CMO No. 20, Series of 2013.” http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2013/07/CMO-
No.20-s2013.pdf
CHED. 2016. “Memorandum from the Chairperson (April 5, 2016).”
http://api.ched.ph/api/v1/download/1836
CHED. 2011. “College Readiness Standards (Resolution No. 298-2011).”
http://kto12plusphilippines.com/wp-content/uploads/2014/03/CRS-May-2013.pdf
Chulalongkorn University. 2006. “Curriculum: The Purpose and Scope of General Education Subjects.”
http://www.gened.chula.ac.th/cms/index.php?id=76
CFO. 2013. “Stock Estimate of Overseas Filipinos as of Dec. 2013.”
http://www.cfo.gov.ph/downloads/statistics/stock-estimates.html
CFO. 2014. “About Us.” http://www.cfo-pso.org.ph/aboutus.html
Dailisan, Steve. 2014. “Pag-aaral ng wikang Filipino, tatanggalin na sa General Education Curriculum ng
kolehiyo sa 2016.” GMA News. https://www.youtube.com/watch?v=XZGd4G7VZvA
Delima, Purificacion. “Diversity in language no excuse for disunity.” Inquirer. October 21, 2017.
http://opinion.inquirer.net/103258/diversity-language-no-excuse-disunity
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng MSU-IIT. 2014. “Posisyong Papel ng Departamento ng
Filipino at Ibang mga Wika, Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan, MSU-IIT.” June 23, 2014.
https://www.facebook.com/notes/german-villanueva-gervacio/posisyong-papel-ng-departamento-ng-
filipino-at-ibang-mga-wika-kolehiyo-ng-mga-si/10152570758535225/
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng UPD. 2014. “Pahayag para sa Pagpapatibay ng
Wikang Filipino Bilang Mga Sabjek sa Kolehiyo.” Manila Today. June 18, 2014.
http://www.manilatoday.net/pahayag-para-sa-pagpapatibay-ng-wikang-filipino-bilang-mga-sabjek-sa-
kolehiyo/ or
https://upd.edu.ph/~updinfo/jun14/articles/pahayag%20ng%20dfpp%20laban%20sa%20ched%20ge%20c
urriculum.pdf
Departamento ng Filipino ng DLSU. 2014. “Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat
Lasalyano.” Manila Today. Agosto 2014. http://www.manilatoday.net/pagtatanggol-sa-wikang-filipino-
tungkulin-ng-bawat-lasalyano/
DepEd. 2017. DepEd enhances learners’ foreign language skills through Special Program in Foreign
Language.” February 20, 2017. http://www.deped.gov.ph/press-releases/deped-enhances-
learners%E2%80%99-foreign-language-skills-through-special-program-foreign
DepEd. 2015. Philippines Education for All 2015 National Review.
http://unesdoc.unesco.org/images/0023/002303/230331e.pdf
DLSU. 2012. “Campus Life.” http://www.dlsu.edu.ph/students/international/survival/
Fakulti ng Wika ng PNU. 2014. “TINIG NG MGA GURO: PAYABUNGIN, PAUNLARIN AT PALAWAKIN
ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO.” July 9, 2014.
https://www.facebook.com/TANGGOLWIKA/posts/1426497600971470
Fernandez, Amanda, 2014. “Dapat bang alisin na ang asignaturang Filipino sa mga kolehiyo at
unibersidad?” GMA News Online. http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/367090/dapat-
bang-alisin-na-ang-asignaturang-filipino-sa-mga-kolehiyo-at-unibersidad/story/
Franke, Michaela at Mara Mennella. 2017. “Fact Sheets on the European Union: Language Policy.”
February 2017. http://www.europarl.europa.eu/atyourservice/en/displayFtu.html?ftuId=FTU_5.13.6.html
Geronimo, Jee. 2014. “No Filipino subjects in college? 'Tanggol Wika' opposes CHED memo.”
https://www.rappler.com/nation/61234-tanggol-wika-general-education-college
Gimenez Maceda, Teresita. c.1997. “The National Language: Discourse on Power.”
http://sealang.net/sala/archives/pdf8/maceda2003filipino.pdf
Guillermo, Ramon. 2016. Sariling atin: Ang nagsasariling komunidad na pangkomunikasyon sa
disiplinang Araling Pilipino.” Social Science Diliman, Vol. 12, No. 1.
http://journals.upd.edu.ph/index.php/socialsciencediliman/article/view/5231
Gottlieb, Margo at Gisela Ernst-Slavit. 2014. “Academic Language A Centerpiece for Academic Success
in English Language Arts” in Academic Language in Diverse Classrooms: English Language Arts, Grades
K2: Promoting Content and Language Learning. https://uk.sagepub.com/sites/default/files/upm-
binaries/58163_Chapter_1_Gottlieb.pdf
Institut Teknologi Bandung. 2017. “Program Studi Sarjana Teknik Elektro.” https://www.itb.ac.id/program-
studi-sarjana-teknik-elektro
IPA. 2016. Annual Report 2015-2016.
https://www.internationalpublishers.org/images/reports/Annual_Report_2016/IPA_Annual_Report_2015-
2016_interactive.pdf
Kagawaran ng Filipino ng ADMU. 2014. “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang
Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of
2013.” Manila Today. Hunyo 21, 2014. http://www.manilatoday.net/ang-paninindigan-ng-kagawaran-ng-
filipino-ng-pamantasang-ateneo-de-manila-sa-suliraning-pangwika-sa-kasalukuyan/
Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. 2014. “PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA
KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA
GURO NG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO.” June 19, 2014.
https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-filipinolohiya-ng-pup-
hinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842/
KWF. 2014. “KAPASIYAHAN NG KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG
2014...NA NAGLILINAW SA TINDIG NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF) HINGGIL SA
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED) MEMORANDUM BLG. 20, S. 2013.”
http://www.officialgazette.gov.ph/2014/06/20/kapasiyahan-ng-kalupunan-ng-mga-komisyoner-blg-14-26-
serye-ng-2014/
Lumbera, Bienvenido et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyuner ng
Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on Higher Education [CHED] Dr. Patricia
Licuanan. G.R. No. 217451. http://www.act-teachers.com/wp-content/uploads/2015/05/Petisyon-ng-
Tanggol-Wika-laban-sa-CMO-20.pdf
Martin, Isabel Pefianco et al. 2014. “A language war in the time of DAP.” Inquirer. August 18, 2014.
http://newsinfo.inquirer.net/630166/a-language-war-in-the-time-of-dap
NCCA-NCLT. 2014. “RESOLUSYON NG NATIONAL COMMISSION ON CULTURE AND THE ARTS-
NATIONAL COMMITTEE ON LANGUAGE AND TRANSLATION/NCCA-NCLT NA HUMIHILING SA
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), AT KONGRESO AT SENADO NG REPUBLIKA NG
PILIPINAS, NA AGARANG MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG ISAMA SA BAGONG
GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS TERSIYARYA ANG MANDATORY NA 9
YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO.” May 23, 2014.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10152106968873133&set=pb.618413132.-
2207520000.1401715276.&type=3&theater
Pimienta, Daniel. 2017. “FUNREDES/MAAYA OBSERVATORY OF LANGUAGES IN THE INTERNET:
SYNTHESIS OF VARIOUS RESULTS.” http://funredes.org/lc2017/
PSLLF. 2014. “Posisyong Papel ng PSLLF-Filipino sa Kolehiyo.” Hunyo 14, 2014.
https://www.academia.edu/7677979/Posisyong_Papel_ng_PSLLF-Filipino_sa_Kolehiyo
Rizal, Jose. 1891. El Filibusterismo. http://www.gutenberg.org/files/30903/30903-h/30903-h.htm
Rodriguez-Tatel, Mary Jane. 2016. “Philippine Studies/Araling Pilipino/Pilipinolohiya sa Wikang Filipino:
Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino.” Humanities Diliman, Vol. 12, No. 2.
ovcrd.upd.edu.ph/humanitiesdiliman/article/view/4909/4422
San Juan, David Michael M. 2011. “A Holistic Critique of the Philippine Government’s Kindergarten to 12
(K to 12) Program.” https://www.scribd.com/document/70033985/San-Juan-David-Michael-Full-Paper-
Kto12
San Juan, David Michael M. 2012. “A PETITION Urging the Commission on Higher Education (CHED)
and the Departmentof Education (DepEd) to consider issuing an immediate moratorium on
theimplementation of the senior high school/junior college and Revised GeneralEducation Curriculum
(RGEC) components of the K to 12 Program.” https://www.scribd.com/document/107143523/Petition-
Kto12
San Juan, David Michael M. 2014a. “Debunking PH language myths.” Inquirer. August 17, 2014.
http://opinion.inquirer.net/77526/debunking-ph-language-myths
San Juan, David Michael M. 2014b. “Position Paper Filipino Language, Culture, and Literature in the
College Curriculum.”
https://www.academia.edu/7829211/Position_Paper_Filipino_Language_Culture_and_Literature_in_the_
College_Curriculum
San Juan, David Michael M. 2015. “Kapit sa Patalim, Liwanag sa Dilim: Ang Wika at Panitikang Filipino
sa Kurikulum ng Kolehiyo (1996-2014).” Hasaan Vol.2 No.2.
https://www.academia.edu/33568385/Kapit_sa_Patalim_Liwanag_sa_Dilim_Ang_Wika_at_Panitikang_Fili
pino_sa_Kurikulum_ng_Kolehiyo_1996_2014 or https://ejournals.ph/article.php?id=10006
San Juan, David Michael M. 2016. “Neoliberal Restructuring of Education in the Philippines: Dependency,
Labor, Privatization, Critical Pedagogy, and the K to 12 System.” Asia-Pacific Social Science Review
Vol.16, No.1. https://ejournals.ph/article.php?id=9857
San Juan, David Michael M. 2017. “Bigwas sa Neoliberalismo, Alternatibo sa Kapitalismo: Adbokasing
Pangwika at Sosyalistang Programa sa Nobelang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez.”
Daluyan Vol.22, No.1-2. (2016).
https://www.researchgate.net/publication/320546331_Bigwas_sa_Neoliberalismo_Alternatibo_sa_Kapitali
smo_Adbokasing_Pangwika_at_Sosyalistang_Programa_sa_Nobelang_Mga_Ibong_Mandaragit_ni_Ama
do_V_Hernandez or http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/5742
Sanchez, Louie John. 2015. “Pagkalusaw ng Isang Disiplina.”
https://louiejonasanchez.com/2015/02/23/pagkalusaw-ng-isang-disiplina/
Sison-Buban, Raquel. 2016. “Ang Papel ng Pagsasalin sa ASEAN Integration: Ilang Pagninilay at
Mungkahing Gawain.” Malay Vol.28, No.2. https://ejournals.ph/article.php?id=9869
Supreme Court. 2015. “Resolution: Dr. Bienvenido Lumbera [Pambansang Alagad ng Sining at Professor
Emeritus, University of the Philippines/UP], et al. Vs. Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" C. Aquino ID
at Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commission on Higher Education
[CHED] Dr. Patricia Licuanan (G.R. No. 217451).”
http://sc.judiciary.gov.ph/pdf/web/viewer.html?file=/jurisprudence/resolutions/2015/04/217451.pdf
Tanggol Wika. 2017. “Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KONKOMFIL).”
https://clubmanila.files.wordpress.com/2017/06/tanggol-wika-silabus-konkomfil1.pdf
Today Online. 2017. “Let's make Bahasa Melayu the main language of Asean: Najib.” July 26, 2017.
http://www.todayonline.com/world/asia/lets-strive-towards-making-bahasa-melayu-main-language-asean-
says-najib
Tubeza, Philip. “Number of foreign students up 14% to 47,000–BI.” Inquirer. January 18, 2013.
http://globalnation.inquirer.net/61819/number-of-foreign-students-up-14-to-47000-bi
Umil, Anne Marxze. 2017. “‘Ched violates Supreme Court order against removing Filipino in college’.”
http://bulatlat.com/main/2017/06/09/ched-violates-supreme-court-order-removing-filipino-college/
Universitas Gadjah Mada. 2017. “Suggested Plan of Study.” http://accounting.feb.ugm.ac.id/study-
programs/undergraduate-program/curriculum/suggested-plan-of-study
Universiti Kebangsaan Malaysia. 2017. “Bachelor of Pharmacy (Honours).”
http://www.ukm.my/farmasi/bachelor-of-pharmacy-honours/
Universiti Sains Malaysia. 2017. “Bahasa Malaysia.”
http://www.ppsk.usm.my:86/akademik/program/hpageuni.nsf/urbm
Universiti Tenaga Nasional. 2016. “Apply to Graduate: Undergraduate Students (Degree & Diploma).”
http://www.uniten.edu.my/students/announcements/Pages/Apply-to-Graduate-Undergraduate-Students-
Degree--Diploma-Semester-2,-Academic-Year-2016-2017.aspx
Waddington, Dave. 2016. “Speaking Another Language Other Than English At Home.”
https://www.census.gov/newsroom/press-kits/2017/acs-one-year.html
Wikipedia. 2017. “List of Wikipedias.” https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Wikipedias
Wikipedia. 2017. “Tagalog Wikipedia.” https://en.wikipedia.org/wiki/Tagalog_Wikipedia
YouTube User philippinesgoforgold. 2016. “Viral Video: Most Fluent Tagalog Speaking Pakistani Driver in
Dubai.” https://www.youtube.com/watch?v=hrmR4kRX6R4
YouTube User arra31. 2011. “dubai pakistani cab driver na tagalog.”
https://www.youtube.com/watch?v=hLlh0PLVCUk
YouTube User Wesly Sihay. 2013. “Why some foreigners in Riyadh are learning Tagalog.”
https://www.youtube.com/watch?v=2_g6J_jQiho
Yi-Sheng, Ng. 2014. “The Filipinos who made Singapore, Singapore.”
https://www.theonlinecitizen.com/2014/04/26/the-filipinos-who-made-singapore-singapore/
Nocon, Nicco et al. 2014. “Philippine Component of the Network-based ASEAN Language Translation
Public Service.”
https://www.researchgate.net/publication/298212177_Philippine_Component_of_the_Network-
based_ASEAN_Language_Translation_Public_Service
World Bank. 2017. “Primary income on FDI, payments (current US$).”
https://data.worldbank.org/indicator/BX.KLT.DREM.CD.DT?locations=PH
Wutiwiwatchai, Chai et al. 2013. “The Network-Based ASEAN Languages Translation Public Service.”
http://www.nstda.or.th/nac2013/download/presentation/NAC2013_Set2/CC-308-01-AM/Chai.pdf
ResearchGate has not been able to resolve any citations for this publication.
Article
Full-text available
The neoliberal onslaught on the peripheries shows no sign of abating even as neoliberalism's tenets-privatization, deregulation, corporatization, exploitation, austerity, destruction of labor power, developed countries' dominance, developing countries' dependence-are increasingly becoming unpopular or at least exposed as bankrupt by their clear failure to resolve the 2008 crisis. In the Philippines, the K to 12 scheme represents a clear neoliberal restructuring of the education system attuned to the core countries' attempt to manage the crisis. Using Dependency Theory and critical discourses on neoliberalism as tools of analysis, this research is aimed at mapping the contours of this restructuring through contextualizing its link to dependency, privatization, contractualization, technicalization of education, and other aspects of the neoliberal agenda. Furthermore, the current study will shed light on how K to 12 complements the Philippines' 30-year old Labor Export Policy.
Article
Full-text available
Sa gitna ng pangingibabaw ng neoliberalismo sa maraming bahagi ng mundo, patuloy na ipinatutupad ng mga gobyernong neoliberal ang mga polisiyang nagpapahirap sa nakararaming mamamayan gaya ng pagtitipid sa serbisyong panlipunan, pribatisasyon ng pag-aari ng Estado, at istagnasyon o kaya’y pagbabawas ng sahod/sweldo ng mga manggagawa. Nananatiling dominanteng sistemang ekonomiko ang kapitalismo, sa kabila ng pagsambulat ng internasyunal na krisis noong 2008 na naglantad sa napakaraming suliraning kabuhol ng pagbibigay-prayoridad sa tubo sa halip na tao, sa korporasyon sa halip na komunidad, at sa kapritso ng iilan sa halip na pangangailangan ng nakararami. Sa ganitong diwa, malaki ang pangangailangan na humanap ng mga alternatibo sa neoliberalismo at kapitalismo. Ang artikulong ito’y ambag sa pangkalahatang pagsisikap na itaguyod ang sosyalismo bilang alternatibo sa kapitalismo, sa pamamagitan ng kontekstwalisasyon ng magkaugnay na adbokasing pangwika at sosyalistang programa sa nobelang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez, isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ng Pilipinas. Amidst the dominance of neoliberalism in many parts of the world, neoliberal governments continuously implement policies that impoverish the majority of citizens, like cutting the budget for social services, privatization of State properties, and stagnation or reduction of workers’ wages/salaries. Capitalism persists as the prevailing economic system, despite the 2008 international crisis that exposed the myriad of problems associated with prioritizing profits over people, corporations over communities, and the luxury of the few over the needs of the many. In view of this, there is an urgent need to seek alternatives to neoliberalism and capitalism. This article is a contribution to the collective endeavor to promote socialism as an alternative to capitalism, through the contextualization of the related language advocacy and socialist program in the novel Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey) written by Amado V. Hernandez, a Philippine National Artist for Literature.
Article
Full-text available
This paper discusses the possibility of a Philippine Studies “community” (or interconnected “communities”) of researchers working within “communication communities”. From a general overview, an examination will be made regarding the application of this concept with respect to issues of institutionalization, discourse, research, publication, circulation, language, translation, philosophy, and the various approaches to Philippines Studies. Special emphasis will be given to the key role of strengthening the various forms of internal interconnection between individuals and groups of researchers within Philippine Studies towards developing what may be called an “autonomous Philippine Studies”.
Conference Paper
Communication between different nations is essential. Languages which are foreign to another impose difficulty in understanding. For this problem to be resolved, options are limited to learning the language, having a dictionary as a guide, or making use of a translator. This paper discusses the development of ASEANMT-Phil, a phrase-based statistical machine translator, to be utilized as a tool beneficial for assisting ASEAN countries. The data used for training and testing came from Wikipedia articles comprising of 124,979 and 1,000 sentence pairs, respectively. ASEANMT-Phil was experimented on different settings producing the BLEU score of 32.71 for FilipinoEnglish and 31.15 for English-Filipino. Future Directions for the translator includes the following: improvement of data through changing or adding the domain or size; implementing an additional approach; and utilizing a larger dictionary to the approach.
Professors of Filipino breaking bad over CHED memo
  • Mark Angeles
Angeles, Mark. 2014. "Professors of Filipino breaking bad over CHED memo." GMA News Online. http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/artandculture/365618/professors-of-filipino-breaking-bad-overched-memo/story/
The Filipino Language Programme in Brunei: Challenges and Updates Conference PaperLanguage, Culture, Multiculturalism, Multilingual Education, and the K-12 Curriculum: Trends, Issues, Challenges, Practices University of the Philippines-Diliman
  • Frieda Adeva
  • Marie
Adeva, Frieda Marie. 2014. "The Filipino Language Programme in Brunei: Challenges and Updates." Conference Paper. "Language, Culture, Multiculturalism, Multilingual Education, and the K-12 Curriculum: Trends, Issues, Challenges, Practices." University of the Philippines-Diliman. November 20-22, 2014. http://lc.ubd.edu.bn/research.html
Filipino Language Teaching and Testing for Beginners: The Malaysia and Brunei Experience
  • Frieda Adeva
  • Marie
Adeva, Frieda Marie. c.2012. "Filipino Language Teaching and Testing for Beginners: The Malaysia and Brunei Experience." http://www.sti.chula.ac.th/files/conference%20file/doc/Adeva.pdf
Victory' | Filipino language defenders laud SC for TRO on Ched Memo Order 20
  • Dee Ayroso
Ayroso, Dee. 2015. "'Victory' | Filipino language defenders laud SC for TRO on Ched Memo Order 20." April 22, 2015. http://bulatlat.com/main/2015/04/22/victory-filipino-language-defenders-laud-sc-for-tro-onched-memo-order-20/
83-may-2014-press-releases/630koreans-dominate-foreign-student-admissions-at-philippine-universities BSP http://www.bsp.gov.ph/statistics/efs_ext2.asp#FCDU CHEDCMO No. 23, Series of 2010 Series of 2013
May 29, 2014. http://www.immigration.gov.ph/news/press-release/83-may-2014-press-releases/630koreans-dominate-foreign-student-admissions-at-philippine-universities BSP. 2017. "Direct Investments, By Industry (BPM6 Concept)." http://www.bsp.gov.ph/statistics/efs_ext2.asp#FCDU CHED. 2010. "CMO No. 23, Series of 2010." http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2013/07/CMONo.23-s2010.pdf CHED. 2013. "CMO No. 20, Series of 2013." http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2013/07/CMONo.20-s2013.pdf CHED. 2016. "Memorandum from the Chairperson (April 5, 2016)." http://api.ched.ph/api/v1/download/1836 CHED. 2011. "College Readiness Standards (Resolution No. 298-2011)." http://kto12plusphilippines.com/wp-content/uploads/2014/03/CRS-May-2013.pdf