• Home
  • Axle Christien Tugano
Axle Christien Tugano

Axle Christien Tugano
  • History and Philippine Studies
  • Society and Culture at University of the Philippines Diliman

About

60
Publications
335,813
Reads
How we measure 'reads'
A 'read' is counted each time someone views a publication summary (such as the title, abstract, and list of authors), clicks on a figure, or views or downloads the full-text. Learn more
174
Citations
Introduction
With Filipino Diaspora, Travel Writing Studies, Identities, Local History, and Intercultural Relations as research interests, his works have already seemed in various local, national, and international publications. Research Functions—Journal Editorial Board Member, Internal/External Reviewer, Associate Editor, Chief Editor.
Current institution
University of the Philippines Diliman
Current position
  • Society and Culture
Additional affiliations
March 2021 - January 2025
University of the Philippines Los Baños
Position
  • Faculty Member

Publications

Publications (60)
Article
In 2025, marking the 50th anniversary of diplomatic relations between the Republic of the Philippines and the Kingdom of Morocco, established in 1975, this study seeks to reexamine and explore the historical and cultural connections between the two nations. While comparative studies of international relations typically center on political, geopolit...
Article
Full-text available
Para sa mga sinaunang Pilipino, malinaw ang pagtatalaban ng diwa at katawan (diwang sumasakatawan), kung saan kabilang at/o hindi nawalay ang pagpapahalaga sa kahulugan ng butò (titi) at púki bilang bahagi ng katawan at “pagkataong Pilipino.” Ngunit sa pagdating ng ilang krisis at transisyon, partikular sa panahon ng kolonyalismong Español, kanilan...
Preprint
Batay sa isinusulong na mandato ng General Education (GE) Courses Program ng University of the Philippines (UP), kinakailangang maisingkaw sa pag-aaral at/o pagtuturo ng PI 10 (Philippine Institutions: The Life, Works, and Writings of Jose Rizal) ang panlipunang saysay (social utility) ni Jose Rizal tungo sa pagiging makatao at makabayan ng mga Pil...
Article
Full-text available
Kilala si Carlos Bulosan (1913-1956), higit sa lahat ang kaniyang isinulat na semi-autobiograpiya na America is in the Heart (1946), kung saan kaniyang ipinamalas ang karanasan bilang isang lider-manggagawa sa Estados Unidos sa kontekstong sosyo-politikal at proletaryadong internasyonal sa panahon ng Pandaigdigang Depresiyon (1929-1939). Gayundin a...
Article
Sa mga naging pag-aaral ni Rosario Cruz-Lucero (2003, 2006) unang pormal na natutuhan ang isang selebrasyon at ritwal ng Antique patungkol sa biblikal na karakter ni Judas Iscariote. Batay sa tinatawag na Pagbitay kag Pagsunog kay Hudas (Hudas-Hudas) (Tuazon, 2023), na bagaman ay laganap din sa ilang pamayanan sa labas ng Pilipinas, natatangi ang l...
Article
Ang pag-aaral ay naglalayong balikan at siyasatin ang naging kontrobersiyal na dokumentaryong Lukayo: Hindi ito Bastos na inere ng I-Witness humigit kumulang dalawang dekada na ang nakararaan. Ipinatanggal ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil nagpakita ito ng diumano’y “malaswa” at “pornograpikong” butò (titi, phall...
Article
Isa ang kontinenteng Aprika sa ipinakilala at tinalakay noong 1991-1992 ng Lupon ng Araling Pang-erya ng Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP) sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Isa ito sa ibinunga ng Araling Pang-erya na kalaona’y tatawagin bilang Araling Kabanwahan o isang pag-aaral sa ugnayan at/o pag-uugnay sa Pilipinas at sa m...
Article
Full-text available
Bahagi ng lipunang Pilipino ang pagbibiro, polemikal man ito o sinasalita. Ngunit kahit kailan, hindi maituturing na “magandang biro” ang anumang sexista, patriarkal, machismo, o misogynistang pahayag na nagpapatibay sa kultura ng impunidad katulad ng panghihipo, panggagahasa, pananakit, at pang-aabuso. Naging popular ang Duterte jokes, lalo na ang...
Article
Full-text available
Umalpas at/o umunlad na ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas—hindi na lamang ito isang kanonikal na pamamaraan na may pagkiling at humahango sa kinagisnang positibismong pananaw. Bagama’t kumakalas na roon ang ilang mananaliksik at historyador, hindi ito nangangahulugan ng pagtalikod sa pinagmulang pananaw, bagkus isa itong kaunlarang historiog...
Preprint
Ipinoposisyon ng pag-aaral na ito ang pagtugon at pagbibigay simbolismo sa butò (titi, phallus, o penis)—isang bagay na nakaugnay sa kasaysayan at kalinangan ng Isla ng Olango sa Cebu. Ito ay dahil—sa ilang pagkakataon— hindi nabigyan ng konteksto ang kahulugan ng isla hinggil sa mga phallikong kaugnayan ng mga Cebuano at sa kanilang kalikasan at/o...
Preprint
Hindi mabubuo ang tinurang “pagkataong Pilipino” kung hindi mabibigyan ng diskurso ang mga genitalia (butò/penis/phallus at puki). Bagaman sa kasalukuyan nitong estado, posibleng itinuturing ng ilan, bilang “bulgar” at “bastos” ang anomang may kinalaman dito, ngunit naging mayaman at maunlad ang kahulugan nito sa pagdaan ng panahon. Nilalayon ng pa...
Preprint
Sa maraming pagkakataon, tila nagiging “kontrobersiyal” ang isang obrang sining at panitikan kung nagpamalas ito ng isang bagay na “hindi natural” sa ordinaryong paningin at pamumuhay ng mga Pilipino. Lalo pa’t kung ang nagiging sabjek ay may kinalaman sa mga bahagi ng katawan na sa matagal na panahon—ay itinuring bilang “maselan” at “malaswa.” Kun...
Chapter
Full-text available
Mula sa samot-saring tema ng mga akdang pambata ng premyadong manunulat na si Rene O. Villanueva (1954–2007), isa sa kaniyang mahahalagang legasiya ay yaong kaniyang pagtugaygay sa talambuhay ng ilang mga bayaning Pilipino, na nauunawaan ng kahit na sino. Sa huling sandali ng buhay ni Villanueva, hindi na niya nasaksihan sa kasalukuyan ang pataksil...
Article
Full-text available
Karaniwang nasasagkaan ng pinamamayaning pamantayan at perspektibang hinango mula sa labas ang konfigurasyon ng pag-aaral sa kasaklawang pangturismo ng mga Pilipino. Mula sa sinasaligang epistemolohiya hanggang sa praksis ng disiplinang ito na malaong maglilimita sa makaPilipinong dalumat kaugnay ng paglalakbay. Gayumpaman, hindi pa rin isinasantab...
Article
Full-text available
Nilalayon ng pag-aaral na ito ang isang pagsusuri at/o pagsasalansang tipolohikal ukol sa ilang pelikulang direktang tumuon sa danas at naratibo ng mga manggagawa, mangingibig, at/o manggagawang mangingibig—partikular na ang mga pelikulang idinirehe ni Olivia M. Lamasan. Sa paglago ng anomang larang katulad ng media studies, mahalaga rin ang pagsip...
Article
Full-text available
*BIDLISIW: A MULTIDISCIPLINARY SCHOLARLY JOURNAL, Volume 3, Issue 2, Special Issue on Travel Studies While growing up, I gradually realized the relevance of the body as discourse. Similar to the concept of somatic society, which was mentioned by Turner (1992), it is pivotal that discourses on the body be included in Philippine society in relation...
Article
Full-text available
Integral ang ipinahihiwatig ng mga pelikula sa Pilipinas na direktang nagtampok sa mga kuwentong pag-ibig at paghahanapbuhay ng mga migranteng Pilipino sa ibayong dagat. Patok sa lipunang Pilipino ang mga pelikulang nakakakilig, nakapagbibigay ng ligaya, at inspirasyon. Ngunit hindi din dapat kaligtaan ang isa pang temang maaaring umusbong mula dit...
Article
Full-text available
Disyembre 2021 –ipinadala sa akin ni Eugene Evasco ang kalalabas pa lamang noon na akdang pambata, ang Papuntang Community Pantry (PCP) sa kadahilanan nais ko itong mabasa at mabigyan ng isang pagsusuri. Ahora mismo, nais kong bigyan ng merito at makabuluhang komendasyon at pagpupugay ang akdang ito nina Evasco at Aldy Aguirre na kanilang kinatha n...
Chapter
Full-text available
Isa ang Batas Militar sa mga yugto ng kasaysayang Pilipino ang hindi dapat mawaglit sa gunita at/o alaala ng bawat mamamayan, hanggang sa mga susunod na salinlahi. Kasabay ng aprubasyon na magkaroon ng kursong Philippine Studies 21 (PS 21): Wika, panitikan, at kultura sa ilalim ng Batas Militar sa inisyatiba ng Departamento ng Filipino at Panitikan...
Article
Full-text available
Hindi na bago ang pag-aaral tungkol sa mga bantayog, monumento, o busto ni Jose Rizal. Ngunit, kasabay ng pagsibol ng mga paksang nakikitianod sa kanya ay ang walang hanggang pagpapatayo rin ng mga monumento, liwasan, at lansangang nagtatampok sa kanyang karangalan. Tunay na larawan ng pangkalahatang identidad ang bawat monumento dahil sinasagisag...
Book
Full-text available
TUNGKOL SA PABALAT. Kuhang larawan sa El Nido, Palawan noong Hunyo 2022. Sinasagisag ng isla ang “banwa” o “bayan” samantalang sasakyang panlayag naman ang bangka. Ang bangka ay nagkakaroon ng tuwid na direksiyon dahil sa katig na responsable sa pagkabalanse ng sasakyang pandagat upang hindi lumubog at lamunin ng mga naglalakihang alon dulot ng sa...
Chapter
Full-text available
This article will point out some Indonesian historical films as an indication of the rich popular culture of Southeast Asia. In Indonesia, their representation in films has long been suppressed due to the dominance of Western films (1900-1920); Japanese films (1942- 1945); and the censorship by past dictatorships (1945- 1998). During the so-called...
Chapter
Full-text available
Introduksiyon. Sentro ng kabuoang aklat na ito ang paglalakbay –partikular na ang paglalakbay ng mga Pilipino gamit ang pananaw at wikang F/Pilipino. Sa ilang pagkakataon, isa ang paglalakbay sa hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa pag-aaral ng lipunan, sa kabila ng pinagyayaman na itong matagal sa Kanluran at marahil isa ng ganap na diskurso. Mab...
Chapter
Full-text available
Tugano, Axle Christien. 2022. Paglilinang sa Araling Pangmanlalakbay sa Diwa ng Araling Kabanwahan: Isang Panimulang Pagdalumat. In Hugpungan: Katutubong Kaalaman at Interdisiplinaridad sa Panahon ng Krisis, edited by Jomar Adaya, Joseph Reylan Viray, Alondra Gayle Sulit, and John Christian Agudera, pp. 174-257. Manila: Center for Philippine Studie...
Article
Full-text available
Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin n...
Article
Full-text available
Pinagtibay ng administrasyong Duterte ang pananangkapan sa mga birong itinuring na pampasiglang bilang sa tuwing kinakausap ng pangulo ang taumbayan sa midya. Kaya’t tila isang melodramatiko o mala-teledramang inaabangan ng mga manonood at tagapakinig ang bawat pahayag ni Duterte habang pinamamayani ng huli ang mga 'birong' nagpapatingkad sa impuni...
Article
Full-text available
Ang pagsasalin ay hindi lamang payak na pagtutumbasan ng mga salita sa pagitan ng dalawang wika. Isang anyo rin ito ng kapangyarihan ng isang kalinangan na ipasok ang mga elementong banyaga sa sinapupunan ng sarili upang maging bahagi ng kabuuang kaalamang bayan. Akto ito ng pag-aangkin, na lagpas sa mababaw na antas ng panghihiram, sapagkat anuman...
Article
Full-text available
Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa danas at alaala ng mga Marikeño sa panahon ng pananalasa at/o pagbahang idinulot ng Ondoy (Ketsana) noong 2009 at sa mga panahong pagkatapos nito. Habang sentro ng pag-aaral na ito ang apat na barangay ng lungsod o ang mga tinatawag na “tabing-ilog”—Na...
Book
Full-text available
Introduksiyon 50-50. Fifty-fifty. Sa bigkas ng mga Pinoy,“pipti-pipti.” Sa kontekstong Pilipino, pantukoy ito sa kalagayan ng taong nasa kritikal na kalagayan. Limampung porsyento ng tsansang makaligtas, limampung porsyento ng tsansang masawi. Kilala ito sa iba pang katawagan sa Pilipinas bilang “naghihingalo,”“nasa bingit ng kamatayan” o “nag-aaga...
Article
Full-text available
This study is written as a commemoration to a decade of reminiscence of the 2009 tragedy brought by Typhoon Ondoy in Marikina City, Philippines. This study focuses on the testimonies and personal experiences of distinct residents of the local communities or barangays of Tumana, Malanday, and Nangka. This study wants to bring out the trauma, grievan...
Article
Full-text available
Itinuturing ang Trese (2021) bilang kauna-unahang Netflix anime series na mula sa Pilipinas, sa buong Timog Silangang Asya, at nasa labas ng Japan. Sa pagrerebyung ito, nilalayong maipamalas ang mataas na inklinasyon ng mga Pilipino sa kanilang mga alamat at mitolohiya. Bagaman hindi pa tapos ang serye, mahalaga pa ring tingnan ang kahalagahan ng T...
Article
Full-text available
This article aims to feature and present a collection of narratives on religion drawn from the author’s travels in Southeast Asia, with a selective centering on experiences gathered from Thailand, Myanmar, and Indonesia. Since time immemorial in Asia, religion has played a substantial role in shaping each society’s identity, history, and culture. R...
Chapter
Full-text available
Tugano, Axle Christien J. 2022. Bata, bata, may magagawa ka pa ba? Kalagayan at hinaharap ng panitikang pambata sa talastasang pilipino. In Pagdiriwang sa haraya: Ang panulaan at mga aklat ng impormasyon para sa mga bata, authored by Eugene Y. Evasco, pp. vii–xiii. Manila: Aklat ng Bayan, Komisyon sa Wikang Filipino.
Article
Full-text available
This paper intends to explore the significance of Philippine society, culture, and interactions in today's multicultural and globalized world. As an epistemological approach, it aims to present an informative point of view on the Philippines' multifaceted relationships with other nation-states and cultural communities. Further, the paper seeks to p...
Article
Full-text available
Higit na pinatingkad ng kasalukuyang administrasyon ang pagmamaliit sa kakayahan ng kababaihang Pilipino na ating pinaghihirapang ibangon sa loob ng napakahabang siglo, at sa pagtatangkang ipanumbalik ang egalitaryadong lipunang prekolonyal ng mga Pilipino. Mula sa kung paano maliitin ang kapasidad ng isang babae na mamuno ng isang ahensya o bansa...
Article
Full-text available
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na ugatin ang ugnayan ng Pilipinas at Australia –na labas o lalagpas sa padrong kinasanayang tumuon at kumiling sa usapin ng diplomasya, politikal, at iba pang usaping pang-estado-sa-estado at nasyon-sa-nasyon –na kung saan napag-iwanan at hindi gaanong nabibigyang tinig at tuon ang halagahin ng taumbayan sa...
Article
Full-text available
The article intends to present untold narratives from Filipino overseas migrant workers that the author personally encountered and interviewed. Literature that primarily focuses on their quotidian lives is rarely discussed and written. The author used travel memoir as a primary method to describe his journey reflections while not neglecting academi...
Article
Full-text available
Mahalaga ang museolohiya sa pagturol ng identidad. Ito ang disiplinang nagdurugtong sa mga bagay na nahahawakan (tangible) at hindi nahahawakan (intangible). Maaari nating tuntunin ang isang kalinangan at Kasaysayan na mayroon ang isang lipunan sa pamamagitan ng museolohiya. Bagama’t ang sinuring aklat ay hindi direktang pumapatungkol sa Pilipinas,...
Article
Full-text available
From 2014 to 2018, I travelled to the ten countries of ASEAN, and one of the things I learned is to accept a unified ASEAN heritage, including all of its cultural and political disparities. I remember the narratives from ordinary, marginalized people across the region, with whom I prefer interacting— transportation drivers, agricultural workers, fi...
Article
Full-text available
Pinipilahan, dinadagsa, at pinapangarap ng bawat manggagawang Pilipino ang ginhawang hatid ng Europa. Ang mataas na halaga ng Euro sa pandaigdigang palitan, kakaibang benepisyo, at ganda marahil ng lugar – ang ilang salik kung bakit hinihila tayong magtrabaho sa nasabing kontinente. Hindi malaon, naging bukambibig na ang ginhawang hatid ng Europa....
Article
Full-text available
The masterful works Noli Me Tangere (1887) and El Filibusterismo (1891) can be considered as post-colonial writings because they are constantly studied and used as tools for raising awareness and remembering the violence and personal experiences of the Filipino society. This is an indirect description of the colonial period in the perspective of mo...
Article
Full-text available
It is quintessential to be acquainted with the complex cultural linkages between a nation and the globalized world— notably, the Philippines as a part of the Southeast Asian Region. The study centers on Filipino cuisine, academization, and its affinities. We may regard the concept of food and the act of partaking in it (i.e., eating) as mundane and...
Article
Full-text available
Sinasagot ng artikulong ito ang kamakailang isyu na tatanggalin o papalitan ng “agila” ang tatlong personang nakamarka sa PHP 1,000 na sina Jose Abad Santos, Vicente Lim, at Josefa Llanes-Escoda na mga bayani noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinisipat din nito ang pag-alis kay Escoda na isang babae. Para sa mga nahirati sa distorsiyonismo at fa...
Chapter
Full-text available
Sa kabila ng napakaraming aklat na inilalathala taun-taon, sa iba't ibang disiplina, perspektiba, at pananaw, siya namang hindi lipos ang mga naililimbag, kung hindi man, naisusulat na mga akademikong rebyu ng mga aklat o panunuring-aklat. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga panunuring-aklat sa talastasang pantao at lalo na sa akademiya. Hindi...
Chapter
Full-text available
Kasabay ng pag-unlad ng Pantayong Pananaw ang paglinang din sa Araling Kabanwahan bilang isang lente ng pagsusulong na rin ng Araling Pang-Erya. Ipinamamalas ng Araling Kabanwahan ang pag-aaral sa kasaysayan ng ibang bayan/ibayong bayan/karatig na mga bayan. Tunay nga namang hindi lamang patungkol sa sariling kabihasnan ang pag-aaral ng kasaysayan....
Article
Full-text available
Integral ang ginagampanang papel ng lalaking karakter sa mga pelikulang Pilipino. Madalas na nagiging batayan ng pagiging "maganda" ng isang pelikula kung ito ay pinagbibidahan ng isang lalakeng sikat, guwapo, romantiko, at malakas ang sex appeal. Bagama't ang mga ganitong pamantayan ay isang panlabas na kaanyua, higit pa rito ang idinidikta ng pel...
Article
Full-text available
Sa halos dalawang taong pananalasa ng COVID-19 sa buong daigdig, marami nang nabago sa kapaligiran at mobilidad ng mga tao sa bawat lipunan. Kinasapitan at pumalaot ang lahat sa tinurang Bagong Kadawyan (New Normal) (hiram mula kay Reyes 2020) —isang transisyong pantao na lubhang nagpabago sa mga kinasanayang gawi. Nariyan ang pagbabago sa edukasyo...
Article
Full-text available
This article aims to highlight the resounding issue regarding the pandemic caused by COVID-19 in the Philippines. In hindsight, it seems that contemporary Filipinos treat its spread as a new and first disease that our society has experienced. It only reflects the inexhaustible study of Filipino pathology. So there is a tendency for the Filipino gov...
Article
Full-text available
Marami sa mga simbahan (iglesia) at libingan (cementerio) ang itinayo noong panahon ng mga Español sa dati nang sinasambahan at nililibingan ng mga katutubo, kung kaya bahagi pa rin ng pagtatawid sa sinaunang pananampalataya patungo sa tinatawag na Kristiyanismong Bayan (tinatawag ng iilan bilang Folk Catholicism o Folk Christianity). Dahil hindi p...
Article
Full-text available
Kapwa nakalatag sa heograpikal, ekonomiko, at kultural na aspekto ng Asya-Pasipiko ang bansang Australia at Pilipinas. Bagama’t kaiba sa kontinenteng kinaroroonan, mababakas pa rin ang dimensiyong nag-uugnay sa dalawang estado ng Pasipiko. Kung uungkatin ang kasaysayan, napakatibay ang ugnayang namamagitan sa Australia at Pilipinas sapul pa noong I...
Article
Full-text available
Patúloy nating kolektibong ginugunita ang kadakilaan ng mga bayaning Pilipino sa iba’t ibang sektor, panahon at perspektiba ngunit mababatid nating hindi pa rin sapat ang pagpapahalaga sa kanila dahil (1) limitado ang kaalaman hinggil sa kanila, (2) nagiging mailap ang mga datos patungkol sa kanila at (3) higit na binibigyang-pansin ang mga bayanin...
Article
Full-text available
In my essay “Chasing Waves: Reflection on Southeast Asian Fisherfolk (2021a),” I already featured the less documented experience of the socially marginalized. My essay focused on the personal narratives of Bruneian fishermen of Kampor Ayer, Brunei Darussalam (2016); the fishermen of Mui Ne, Vietnam (2017); and the Intha of Myanmar (2018), with whom...
Chapter
Full-text available
Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas at Indonesia (mga bansang kabilang/kaugnay ng Dunia Melayu). Isa sa mga iginigiit na dahilan ng bawat bayan (negara ng Indonesia) ay ang malawakang reporma hinggil sa relihiyon/paniniwala – pagpapanatili, pagbabago, o di kaya’y...
Chapter
Full-text available
Katulad ng laging binabanggit ni Prop. Michael Charleston B. Chua ng Pamantasan ng De La Salle, "Hindi man ako naging direktang naging mag-aaral ni Dr. Salazar, mapalad pa rin akong nakilala ko siya at natuto ng kahalagahan ng Pantayong Pananaw." Marahil ito rin ang sumasambulat sa mga nais maging mag-aaral ng paham na si Salazar. Isang metapora ng...
Article
Full-text available
Nabigyan ng pagpapahalaga ang komprehensibong pagdalumat sa relasyong Tsino at Pilipino sa buhay at kamatayan sa isang aklat na pinamagatang Himlayan, Pantiyon, Kampo Santo, Sementeryo: Exploring Philippine Cemeteries (2016) na pinamamatnugutan ni Dr. Grace Barretto-Tesoro ng Programa sa Araling Arkeolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay binub...
Article
Full-text available
Sa bawat aklatan o sabihin pang mga bookstores, hindi talaga nawawala ang sikat na sikat na mga aklat ni Ambeth Ocampo. Isa na rito ang labintatlong tomo ng Looking Back na tumatalakay sa iba’t ibang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong mga panahong nag-aaral pa ang may-akda sa PUP ng kursong Kasaysayan, walong serye pa lamang ng Looking Back an...
Article
Full-text available
Matagal nang dinalumat ang konsepto ng Inang Bayan bilang kabuuang tunguhin ng kilusang panghimagsikan ng Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan. Lehitimong gawain ito dahil bukod sa kontekstong nakaugat ang bayan sa ina/mater vis-à-vis patria, mahihinuha ring malaki ang pagkilala ng Supremong si Andres Bonifacio sa k...

Network

Cited By